Saturday, March 8, 2008

Ang Prank na hindi naman ako nakinabang...

Kahapon, dala ng kainipan, naisip ko magpadala ng pranks sa iba ko pang friends. Nabiktima kasi ako. Ang masaklap, nag-copy at paste lang ako, di ko na binaba kasi pinagmamadali na ako ng ama ko. Ibang email pala maipapadala iyon. Kaya wala rin. Di ko rin mababasa. Sayang lang.

Kanina sa The Congo. Marami ang hindi nakikipag-cooperate. Kung mabasa man ito ng Loyalty, nais kong iparating ang mensaheng ito: Aking mga kamag-aral, inaasahan ko ang inyong taos pusong pakikipag-kaisa sa ating speech choir. Hindi ito para sa benepisyo ni Larah o ni Songsong o namin lang ni Ephraim o benepisyo man ng ESPANYA. Ito ay para sa benepisyo nataing lahat. Isa pa, nakakahiya naman na nasa harap kayo ng lahat at magkakalat kayo. Hindi lang KAYO ang masisira kundi ang buong seksyon. Wala akong pakialam kung wala kayong pakialam sa mga grades nyo. At kung sakaling napipilitan lang kayo at ayaw nyo naman talaga sumama, sabihin nyo lang para naman may tagapalak-pak kami. Classmates, isipin nyo ito. Halimbawa, nakapasok kayo sa isang madilim na eskinita na maraming aso at umabot na kayo sa gitna at napansin ninyong mas madilim sa bandang dulo ngunit sigurado ka naman na iyon ang tamang daan, babalik ka ba uli? Sasayangin mo ba ang paghihirap mong pakikipaglaban sa mga aso at dilim? Siyempre, mas gugustuhin mo ang tumuloy na lang. Ganoon din ang Congo. Nagawa mo na yung mahirap, ipagpapatuloy nyo nalang ng maayos. Mga kamag-aral, please naman, isipin nyo rin ang kapakanan ng iba. Hindi lang kayo ang tao. May 50 students pa na umaasa sa kaayusan ninyo. LAgi ninyong tatandaan na KAHIT ISA LANG, ang sumira at gumawa ng kalokohan, sira lahat ng paghihirap natin. Yun lang. Sana naman ay makipagkaisa na kayo...



Well parang wala pa rin akong gana mag-post. Though hindi na masakit ang ulo ko because of 1 reason. Exams na. Sa tuwing may exams, nababalisa ako. Di ko nga maintindihan. Nagkakasabay-sabay kasi. Tapos NAtional (Achivement) (Assessment) Test na. (kung bakit naka parenthesis yan ay dahil sa confusion. Ang Achievement ay sinabi sa akin dati pa nung 1st year ako. Yung assessment naman sinabi ni Mam Espanol. Isang beses lang naman. Pero ang tama ay ACHIEVEMENT). Dadagdagan ko nalang siguro ito sa susunod na taon? Hindi ko alam.

Bago ko tapusin ang post na ito, take a look at the flag of FLORANTE and before was King Linceo's


(Parang Cossack Vodka lang yung sign...)
Flag of Albania

No comments: