Wednesday, March 19, 2008

Ang una at huling kahihiyan

NAbasa ko sa blog ni Leo ang posibilidad ng 3 biktorya (victory). Mayroong 50% possibility na talagang magkaroon ng victory ang Golden Dynasty ng Group 5. Ang ANG. Pero kung manalo ang Group 1, ang tanging masasabi ko ay HAIZZZZZZ.

NAgloko kahapon ang signal ng SUN. Di makatawag at maka-text. Suck the Sun.

NAgsayawan din kami in the tune of my favorite song, Canon. Dahil na rin sa aming ingenuity, mukha kaming gentleman pero tanga. Pero okay na rin yun. Kaysa wala kaming gagawin...

Ano bang dapat kong i-post? Ang masasabi ko lang ay mula pa kahapon ay masaya ako. Hanggang ngayon!! YAHOOO!!!!



ITO ANG KATULOY NG WALANG SAWA KONG PAGSUSULAT...



Hindi ko muna siguro i-summarize lahat ng nangyari sa section ko dahil baka hindi ko kayanin ang pressure. Basta ang naiisip ko, parting nanaman. Naalala ko ang mga araw ng ako ay first year pa. Actually, buhay pa ang keychain na binigay (actually, pinapabayad yun, di ko binayaran) ng treasurer. Merong isang bagay sa Loyalty na hindi ko siguro makakalimutan. Ito na siguro ang taon na nagkaroon ako ng indiidwalidad, sariling pagiisip, at pagiging isang neutral. Buong taon ako naging neutral dahil na rin sa aking pagiwas sa gulo. Pero kung ang Thailand nga, nagbuffer-state nagkaroon pa rin ng kaguluhan, ako pa kaya na isang indibidwal lang? Bago pa man ako pumasok ng 2nd year, alam ko na ang seksyon ko ay Loyalty. Katunayan, naging masaya ako dahil 2 sa mga katropa ko dati ay magiging kaklase ko. Si Ephraim at Leonille. Pero nasama si Julian. SI Dan napahiwalay at nagsama si Rojan at Victor. Hindi nga ako nagkamali. Naging masaya ako. Hindi masaya in the sense that puro halakhakan. Naging adventurous ang taon. Na-meet ko siguro ang bawat karakter ng aking kaklase. Though nuong 1st year ako, medyo kilala ko na yung iba, hindi ako focused sa mga ganoong bagay. Focused ako dati sa adjusting. Sabi nga sa ROMEO ANG JULIET, "Parting is such a sweet sorrow,but I shall say goodbye until tomorrow." Actually wala talagang bagay na permanente. Lahat natatapos. Hindi naman pwede magsiksikan uli tayo sa iisang seksyon. Dati, sabi nila ang 2nd year daw ay mahirap. Puro aral. Pero ngayon ko nalaman na medyo totoo pero di gaano. Mahirap siya in the sense that talagang aral. Dagdagan pa ng NAT. Pero once na naitapak mo na ang paa mo, mararamdaman mo na malamig pala. Sabi ko nga di ako mag-reminisce pa. SAka na. Sa Lunes na lang siguro...

As a matter of fact, meron nanaman akong pasasalamatan sa aming sinayaw ngayon. Una, si Joseph. Siya ang choreographer at kahit may sinat siya, pinilit pa rin nya pumasok. Sensya na pala sa mga kagrupo ko. Pangalawa, kay Leo. Siya kasi ang nagpagamit ng bahay at sounds. At sa lahat ng Sinatras, salamat sa kooperasyon. Ito ang HULING KAHIHIYAN na ginawa natin. Katunayan, ito ang kahihiyang inenjoy ko.

Pinapanood ko uli ang The Congo natin. Medyo may napansin ako. Si Patricia ay masyadong magalaw. Yung iba rin ay magalaw. May mga ngummiti din. PEro who cares? NAnalo naman..

Anyway classmates, Sinatras and people, nasa akin ang FULL FOOTAGE ng The Congo ng II-Loyalty at Jazz ng Sinatra. Kung nais nyong kumuha ng kopya, makipagugnayan lamang sa akin o kay Leo. Hindi pa siya ilalabas pero pwede na kayo mag-place ng reservations!

No comments: