Friday, March 28, 2008

So ano? Back to the Plan?

Andaming nangyari ngayon. Andaming desisyon na dapat pagisipan. Kaya medyo kailangan gumana ng utak ko ngayon...

ANG KADETE PART II

Nakapagbigay na ako ng Testimonya ko nuon pang December 2007. Kwinento ko na rin lahat ng naalala ko mula pa 1st year ako. Ang pagpilit nila sa akin bilang kadete. Nagbigay na rin ako ng matibay na pahayag na HINDI.

Ngunit nang kami ay naguusap-usap na magkakaibigan, napagisipan namin ni Ephraim at Leonille maging isang kadete kahit 1st quarter daw. Gagawa daw kami ng history sa headquarters. Gusto din namin itong mapasok. Ngunit isang araw habang nakatunganga ako sa tapat ng salamin, naisip ko ang aking magiging posibleng pisikal na anyo kapag naka-kadete na gupit na ako. Okay lang naman ang training, ang pahirap, at kung ano-ano pa. Ang masaklap lang talaga ay yung gupit. 4x10 ata yun eh. Pero yun nga hinahabol ko ang pin nila at yung malaking saklaw ng kapangyarihan. Saka sabi nga ni Leonille, makakapag-focus kami sa pagaaral namin.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagdesisyon. Ngunit sana talaga malinawan talaga ako kung ano ang tunay kong gusto.

ANGTRA

Kung sa pagiging kadete wala pa akong desisyon, sa section namin meron na. Entrepreneurship na talaga kahit itapon pa ako sa Pasig River. Base kay Leo nag gm (group message) daw si Carla na sa April 2 daw magdala ng 1/4 Index Card dahil duon daw isusulat ang 1st, 2nd at 3rd choice mo. Kung wala kayong index pwede kayo bumili sa akin. At a high cost.

CZARINA

To give a glimpse of Czarina, si Czarina po ay isang taong nagtatago sa katauhang anirazc. Siya ay nanggulo sa cbox ng II-Loyalty at nagbigay ng nakakasakit na mga salita. Nagkaroon ng sagutan at pilit nyang dineny na siya si CZARINA. Ngunit patuloy pa rin ako sa paggamit ng codename nya as Czarina. Tumigil si Czarina at lumitaw si black_princezs. Pinagtanggol nya si czarina at nakipag-debate din. nagkaroon din ng mainit na away mula kay Dick at black_princezs. Hanggang tumigil din si black_princezs. Nagkaroon kami ng kuro-kuro ni Leo hanggang sa lahat ng kuro-kuro ay binabantayan namin. Naisip ko pa na si black_princezs ay isa sa mga prof sa LHS. May lumitaw na bago na nagtago sa pangalang RYUZAKI. Meron siyang link pero hindi nageexist. Sabi nya PAULENE dating 4 entre. Compliment ang binigay nya. Nagkasisihan kami ni Leo sa pangyayari. Inisip ko na siya ang lahat ng ito at inisip nya na ako ang nasa likod ng lahat. May malaking possibility na AKO ang tunay na nasa likod nito dahil na rin sa last 3 digits ng IP ko ay pareho kay Czarina. Ngunit meron kaming isang bagay na ipinangako bago namin itinuloy ang investigation. TIWALA. MAy sumulpot na ang pangalan ay crying en voz. Nagbigay din siya ng magandang compliment sa blog.

Ngunit after ilang investigations, napagalaman na iisa ang IP ni Czarina at crying en voz. Ngunit magkaiba ang point of view nila. Umamin si czarina kung sino siya. Sabi nya 23 yo daw siya at sabi nya si black_princezs ay isang amerikanong exchange scholar. Part daw ng project ang mag criticize ng blog. Huling huli naman na kasinungalingan ito. Ngunit lahat talaga ng kasinungalingan ay nahuhuli, Nakita na ang IP ni black, ay nasa Makati. Isa pa, hindi na uso ang exchange scholar dito dahil wala nang tiwala ang mga ibang bansa sa bansa natin. Magkaroon man, naroon lang iyon sa top universities. One thing more, napakatanga naman nung Heather na yun para pumunta sa Pilipinas para lang mag criticize ng blog dahil sa project na yan. One last thing. ang Lussenhop ay hindi isang American surname. Sa pagamin ni czarina, maraming aberya ang nahuli. Marami siyang kapekeang ginawa sa buhay nya...

Nag-view ng friendster profile ang taong si CZARHIE. Nahuli na siya si Czarina. Hindi siya 23 yo at kasinungalingan ang lahat ng sinabi nya.

Blog Critics really exist pero hindi sila blog critics.

TERMINATION

Ang daming matatangal. Isa ang aming kaibigang sina Julian B., John Paolo M. atbp. Sa mga matatangal, goodluck. Sa mga natira. Hi.

May balita na dadagdagan pa raw ang matatangal. Wag muna tayo kampante. Andyan ang sleeping dragon.

------------------------------------------------------
Meron akong gustong sabihin. Kaso nakalimutan ko. Dadagdagan ko nalang kung sakali man.

No comments: