Saturday, March 15, 2008

An Eye for an Eye, a *Toooooot* for a *Tooooooot*

Ito na siguro ang pinakahihintay kong araw. Ang mahawakan ko uli ang keyboards ng PC ko at makita ko uli si Daniel. Katunayan medyo nahirapan ako sa pagtitiis na hindi hawakan ang keyboard na ito. Kadalasan kasi kapag natatagalan ako sa pagpopost, nakakalimutan ko ang mga bagay na nangyayari. Isa pa, ramdam ko na hindi naging maganda ang performance ko this 4th quarter. Last thing bago ko simulan ang breakdown ay gusto kong ipaliwanag ang title. Well nag-pop ang title na iyan sa aking isip dahil sa NAT. Yun na.

Ito nga ang nangyari. Well ayun nga, nakakuha ako ng idea sa Blue's Clues (if you are smart enough, kuha na yan). Well itong isusulat ko sa blog ko ay hindi ko na iniisip dahil naisip ko na. Sisimulan natin way back nang hindi ako nakapagpost...

Dapat talaga, magsisimula ang day 1 nang Mar. 11. Pero nagkaroon ng STRIKE.

DAY 1: March 12, 2008
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT)

>Tuesday pa lang; actually Monday, nagsisimula na ako magdasal. Hindi katulad noong last quarters na ang ipinagdasal ko lang ay ang higher grades sa periodical; ngayon nadagdagan pa. Ito ang NAT at HAIRCUT. Habang naglalakad ako, sa jeep, sa lahat pa ng lugar, naiisip ko ang diyos. Alam ko ginabayan nya ako. Yun nga lang, kinulang naman ako sa tulak.
>Nagsimula na ang NAT. At hindi taga-PUP ang teacher kundi taga PNU. Well ayos na sana. Roommate ko si Dan, nakapili ako ng magandang area (malamig); nung linipat naman ako, ayos din kasi malamig pa rin. Ngunit nung binago ang Seating arrangement, napunta ako sa napaka-init na area ng classroom ng Office Technology. Dahil dyan, hindi gumana ang utak ko at pinagmadali ko nang sagutan ang test paper para makahinga na ako sa sobrang init. Di ko alam kung ano ang score ko doon...
>Nabaling na ang atensyon ng 3rd Avenue. Gaspar's a shame. Walang utang na loob. Buti pa si Bule, kahit MASTER, mahilig pa rin sa BAKEd potato.
>Wala namang aberya sa NAT. Yun nga lang, merong isang classroom na 4 lang ang nasa loob. Siguro naman nagkakaintindihan na sila doon?
>Sisimulan ko sa EDQ. Mga questions na lagi kong nakikita. Parang yung mga taong nagpapa-survey lang sa amin. Tapos Filipino. Ang haba. Puro teksto. Konti lang ang wika. Mukhang mahihirapan ako sa uri ng teksto. Tapos Math. Para akong nalaglag ng 1 oras sa impyerno. Katunayan, lampas 1 oras pa kasi nakain ang oras na na-save ko sa pagsagot ng Filipino. Then English. Medyo naahon ako sa impyerno THOUGH hindi pa rin ako nakarating sa langit. Or kahit sa land man lamang. Medyo umangat lang sa apoy. Tapos nun ay Biology. MAhirap din. Medyo tumapat nanaman ang mukha ko sa hell dahil HALOS LAHAT ng tanong ay tsinambahan ko. Araling Panlipunan naman, ganun nanaman. Marami rin akong nakalimutan. Grabe. Overall, the NAT is a MESS... Kung makakapunta ako ngayon mismo sa opisina ni Jeslie Lapus, bibigyan ko siya ng isang marka na kailanman di nya malilimutan dahil sa inimbento nyang NAT.
>Dapat nga ang NAT ay March 11. Kaya lang nagkaroon ng transport strike at inanunsyo ng pangulo ng PUP na si Guevarra (hindi si Mam Castolo ang nagisip nun!) na walang pasok. Well, may sinabi si Bule about that matter. Pero hintayin nyo ang bagong trailer na ilalabas ng 3rd Avenue at Vintage Spy Pictures.


Day 2: March 13, 2008

>PAgka-bell, dumating na ang teacher na nakita ko lang sa buong taon ng 7 beses. It means that 7 times lang siya pumasok ng room EXCEPTION ang announcements. Yung regular classess. Dahil sa kanya, nakagawa nanaman ako ng bagong CITY sa utak ko. ANITO CITY. Setting is Spain. Ilalabas ito sa GTA VI: ANITO, SPAIN. Saka na natin pagusapan yan. Well sabi nang aming adviser, "Ang test nyo ngayon ay SCIENCE" Nagulantang ang lhat. Siyempre di pa naman scheduled yung Biology. Sigurado wala pa nakapagaral duon. Or maybe yung iba lang. Yun pala SOCIAL SCIENCE. BAgong word nanaman iyon. Katunayan during this year andami kong natutunang words. Including Letters and Numbers. Pati na yung puppet shows using numbers. SAlamat talaga sa Anito.
>Ayoko magsalita ng tapos about sa exams sa Social at English. Overall, mahirap pa rin. LAlo na yung pesteng analogy at enumeration.
>Hindi ko alam na ngayon pala ang submission ng project sa social. So kinailangan ko pang umuwi. Grabeng hassle talaga. Well napakahaba ng istorya. Hindi naman ako tumakbo pauwi. Pero habang papalabas ako ng gate, naisip ko yung test sa Health. Tapos nakarating na ako ng bandang dulo ng Theresa, naisip ko ang haba ng pila sa printing shop na pagpiprintan ko. KAya naisip ko bumalik na lang sa school. Pero may sumigaw sa isip ko na kailangan kong ituloy. Ito ang MAynilad. Nang pabalik na ako, nakita ko ang daan pabalik (sa likod ito at hindi mismo sa Theresa) na napakadumi at sarado dahil inaayos so wala akong magawa kundi ituloy ang paglalakad ko. Tinakbo ko pa ang jeep at hindi ko naisip na natravel ko mula PUP hanggang Santol ng 15 minutes lang samantalang kung ordinary day ay 30 minutes talaga hanggang classroom. Paguwi ko sa bahay nakuha ko ang USB at umalis na uli ako. Sumakay na lang ako ng trike para mabilis kaso STONE AGE pa ata yung Trike. ang bagal. Naisip ko tuloy yung Around the World in 80 Days ni Jules Verne. Si Phileas Fogg ang main character at ang kanyang tauhan na si Passepartout (di ko sure ang spelling). Dahil nga sa mayaman siya, binibili nya ang mga speed boats para lang makarating sa destinasyon. Kahit anong means of transportation binibili nya para lang makapag-travel nang mabilis. So ayun. Nakarating naman ako. Mabilis pa ata kung nag-jeep ako. Dumating na ako sa printing station at naghintay ng ilang saglit...
>Matagal din ako naghintay halos 30 minutes na di pa ako na-eentertain. Well dumating "siya". Ang lagi kong inaabangan DATI. Dati nga lagi ko pa siyang inaabangan sa YM kasi may itatanong ako. PEro tungkol sa PA yun. Saka kumbaga hindi na ako katulad dati na nagpapadala. Iba na ang hinihintay ko sa YM ngayon. 2 yun eh. Una ay ang taong magaalok sa akin ng bagong laro at pangalawa ay ang taong napakasarap kausap. Hindi ka tatamarin. Enough of that. Dumating na nga siya. Well she goes by the name of Rosabelle. Siyempre binati (hindi binate) nya ako, alangan namang mag-snob ako eh gusto ko naman. Hehe.. Usap-usap pero hindi na ako nagoopen tungkol sa kahibangan at kasabugan. Puro usapang matalino. Kasi ayoko na marinig na NAGKAMALI SIYA SA KANYANG DESISYON... hehe... Life's like that. Sarado na ako. Kasi Bankrupt na. Dahil sa matinding Operating Expenses. Pinagawa din sila ng Resume. Walang photo yung kanya. Pero kung meron yun, at ako ang employer, HIRED agad yun. Well gusto nyang mag-apply kay Mam Castolo. Pinagawa din sila ng Application Letter. Well mga 1mm apart lang kami. As in sobrang tight talaga.. Haha.. Yehey!!!! Haizz... Kung front view yun, para kaming mag-^&#*($^(@*^! Grabe. Well First of all, nagpapasalamat ako sa lahat ng taong tumutulak sa akin doon at naniniksik dahil ako ay nag-benefit sa inyong kasakiman... YEHEY!!!! YAHOOO!!!!!!.com
>Sa tuwing may dumadaan na Officers at 4th year, kinakabahan ako. Dahil sa haircut...
>Siyanga pala, ilalabas na ang GTA VI: ANITO, SPAIN. Di pa alam. Winter 2008 ang nakalagay. Ang protagonist dito ay si Master Bule. Kung lahat ng GTA nagsimula sa wala, itong GTA VI, siya naman ang terrorist leader. Hindi sindikato, Mafia o kahit ano pa. TERORISTA. Real name nya ay Mandrew Bule. Isang kastila. Ilalabas ko ang trailer-
>Bukas ay teksto sa pilipino ang test at wala akong reviewing materials. Kahit sa Health.


Day 3: March 14, 2008

>Nagtataka lang ako. Mula pagkabata, ang representation at ang pumapasok sa isip ng lahat ng tao kapag narinig ang pangalang JULIUS ay BOCHOG, Mataba, chubby atbp. Isa sa malinaw na ala-ala ko ang commercial ng Corned Beef na hinahanap ng katulong ang alaga nyang si Julius at nakita sa kapitbahay na nakikikain. Isa pa ay may kilala din kaming Julius na malaki. At ang pinakasikat na Julius, si ALANO. BOCHOG din....
>Well umaga pa lang, si LArah agad yung napagtripan ko. Ayoko na ikwento basta nagso-sorry ako. Haha... Haizzz... Hahaha...
>Talaga ring masipag ang aking kaklase na si Julian. Mahilig siya magaral. Lalo na yung hindi eexamin at hindi naman pinagaaralan sa school.
>Kapag nagkaroon talaga ng aberya sa periodical sa PA, magrereklamo ako.
>Meron pang test sa Buklod Diwa kung saan di ko na inayos ang sagot ko dahil ang hirap. Talo pa ang Periodicals.
>Meron talagang bagay na MALALAKI na unexplainable.
>One more, sira na ang VIDEO SHOP ng ANG na nagbigay sa amin ng karagdagang 5% para sa Reporting. Ang hindi ko maintindihan, talo pa ata.
>NGayong araw ding ito ay maraming 1st years ang nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.
>Si Mother, na walang utang na loob at bakla ay talagang bumigay na. Well meron akong bagong raket na tatawaging, Mother and the Sons. Sino ang sons? Siyempre mga SKILLFUL nyang classmates. May mensahe nga pala si MAster kay Mother
>Ngayong gabi, nakarinig nanaman ako ng Babaeng boses sa radyo. Kay Sam pala yun. Bagong kanta. Well siyempre basta Sam, &*$%@*&$%@&*%
>Frustrations nanaman. Nagaral ka na't lahat, gago pa rin ang score mo. Di ko matanggap ang score ko sa NAT at Math.
>Habang nagaaral ako, nababagabag ako sa ingay sa labas ng apartments. LAHAT ng apartments ay nakatutok sa ending ng Marimar. Ang iba, feel na feel ang panonood. MAy expressions talga.


Day 4: March 15, 2008

>Umaga pa lang, si 47 na ang nakasabay ko. Pero meron siyang ibang klaseng gamit pang assassinate. Hindi Garote Wire, Sniper Rifle, Double Gun, Silenced 9mm or Syringe ang gamit nya. Gumamit siya ng natural na amoy. Ang amoy ng anghit. Anlakas talaga. Nakipagsiksikan pa naman. AKala ko patay na ako...
>Meron akong sinulat na di ko maalala ang ibig kong sabihin. "Social" lang kasi naisulat ko.
>Sayang talaga sa Health. Napagbaligtad ko lang ang Herpes at Warts. Nakakau-WRATH (intense anger) talaga. Kung pwede lang patayin ko na talaga si JOJ. Hehe. Di pwede i-reveal.
>Isa pa, pagkatapos kaming pabagsakin, naging KJ naman si JOJ dahil sa pagsisira ng kasikatan at album ni Alano. Gusto nya kasi siya ang sumikat.
>Nakakapagtaka sa mga tindahan ngayon ang pagtitinda nila ng Sakto. Unang una, nilagay ng coke na SAKTO dahil P5 lang ito. Kaya lang tintinda nilang P6! Damn Entrepreneurs.
>Astig ang pagtugtog ni LEo, nabighani si JOJ.
>Nag-practical na sa P.E. pero may periodical pa raw. PArang gago lang. USap lang kami ng usap ni joseph.
>Meron akong nakitang bagong istilo ng pag-123. Nagkukunwari silang nagbibilang ng pera pero sobrang tagal. HAnggang sa unti- unti na silang bumababa. (hindi talaga sila nag-123. KURO-KURO KO LANG YUN!)


Ang haba. MAglalaro pa ako ng Godfather. Saka napanood ko na yung Bb. Pilipinas. Ayos!!! Gagawa pa ako ng proyekto sa PA...

No comments: