Wednesday, March 26, 2008

Bakit pa kailangan gawing komplikado ang clearance???

Sa aking pinanggalingang school, mula Grade 1-6, hindi ang mga estudyante ang nagpapapirma ng clearance kundi ang adviser. Grade 6 lang kami nagkaroon dahil nga graduating kami at 3 oras lang ang pahirap na ito... Ngunit ngayon... Ibang level talaga...

Mula 1st year, andami nang aberya sa clearance namin. Dati ay yung kulang at nakalimutan namin ang resibo. Atbp. Medyo may mga naging importante rin during those times. Pero di gaano. Hassle din talaga. KAya ngayong 2nd year, SECURED lahat ng resibo ko, registration card at ID. Ngunit hindi na pala ito ang batayan ngayon...

Meron pa akong 5 natitirang di pa napipirmahan. Ang Book Society, Registrar, Principal, Homeroom at Filipino. Wala pa ako sa Book Society dahil nakaligtaan ang aking clearance. Hindi napirmahan. Tapos sa REgistrar at principal, kinakailangan muna ayusin lahat. Sa homeroom bukas pa raw kasi may deliberation pa. Sa FILIPINO, kung saan ang aming guro na si Jenalyn Lai, ay nagkaroon ng kaunting aberya... Kumpleto ang requirements at lahat ngunit may isang requirement na lumitaw na parang kabute. Bagong trip. KOMENTO NG IBA, para daw gawin tayong katatawanan, sabi naman nung iba, wala lang, sabi nung iba, no comment, sabi rin ng iba, okay lang yan, at sabi ko, ANO YUN? Yun talaga ang dapat itanong. ANO ANG ESSENCE NUN?? Ma'am, kung sakaling sa ngayon, binabasa mo ang post na ito, meron akong tanong na gusto itanong.

ANO ANG KONEKSYON NUNG PINAGAGAWA NYO SA CLEARANCE?

Para sa akin, it's another waste of time. Irrelevant to the subject. Masakit man sabihin, hindi ako natutuwa sa nangyayari. Well kung sila ay nasisiyahan, hindi ako natatawa. Walang nakakatawa dahil wala naman talagang konek. Isa pa, hindi makabuluhan at makatarungan ang pagsayaw at pagkanta kapalit ng isang pirma. Ang tunay na checking ay pagtingin kung talagang na-kumpleto ng estudyante ang TAMANG REQUIREMENTS at hindi SIDE REQUIREMENTS na irrelevant sa clearance at asignatura.

Nakakaasar talaga kung minsan. MAinit na nga, habulan pa, pila pa tapos pahiyaan pa. Ginawa namin ang kahihiyan kung talagang kinakailangan. Yung nagrerequire ng grade at relevant sa asignatura. Pero sa asignaturang Filipino na dadagdagan natin ng ka-echosan, parang katawa-tawa ang ganitong uri ng plano. Kung mabasa mo man ito ma'am, FINE. At least naibigay ko ang KARAMIHAN sa hinaing ng mga taong nag-perform sa harap nyo kanina. Or kung hindi nyo mabasa okay lang rin at least nailagay ko ang hinaing ko sa mga bagay na walang konek.


Sa SCO, 5 ang taong pipirma sa iyo. Ang ika-4 ay magbibigay ng katanungan. Anyway, nagpapasalamat pala ako kay Lloyd Angel Lemoncito.



Tapos sa Hi-y, nahuli pala ang aming napakasayang pagtakas. KAya pinabilang kami ng nawawalang bintana. Si Leo, kalunos-lunos ang ginawa. NAglinis ng binagyong locker room...

Isa pa, nakasira ako ng 2 locks sa locker room. Bukas ko itutuloy ang aking LUPIN MISSIONS.

Wala muna ako gana magpost kasi grabe pahirap talaga. Abangan ang mga mura ni Bule.

No comments: