Saturday, March 22, 2008

Live for nothing, or die for something...

Tuwing Maundy Thursday, hindi gaano kagandahan ang mga pinapalabas na pelikula at shows sa TV. Siguro yung iba, trip nila. Pero di ko kasi minsan trip. Kaya napag-isip ko na bumili na lang ng DVD sa Quiapo. Siyempre kahit i-raid ng maraming beses yan, nandyan pa rin yan. Parang daga. Gabi na ako ng nagsimulang manood kasi naglaro pa ako ng Godfather. Ang una kong pinanood ay John Rambo IV.

Hindi ko napanood ang Rambo 1,2 at 3. Pero sabi ng tatay ko, sa Rambo 3, iniwan daw siya ng taong nagutos sa kanya. Ang colonel. Pagkatapos nyang gawin ang misyon nya sa Vietnam, iniwan siya. Kaya nagalit siya. Sa Rambo IV kasi, ang pinakasimula nasa isang lugar siya sa SouthEast Asi (hindi ko alam kung Thailand) kung saan ang kanyang trabaho ay manghuli ng ahas at i-trade ito sa isang Entertainer na ang business ay pakikipaglaro sa ahas. Hanggang nagpatulong sa kanya ang mga missionaries na pumunta sa Burma para magdala ng relief goods. During those times pala, ang Burma ay binabantayan ng mga KOmunista. Malupit ang komunista at brutal pumatay. Marami pang drama bago pumayag si Rambo na sumama sa Burma bilang boatman (yun ang sideline nya. Narating nila ang Burma kahit may humarang sa kanila. Hanggang hindi na nakabalik ang mga missionaries dahil nabihag sila ng mga komunista. Dumating ang pastor nung mga missionaries at naghire ng mercenaries (ito ang mga sundalo o mamatay tao na bayaran. Pero malulupit sa labanan). Hinire din si Rambo para ihatid muli ang mga mercenaries sa Burma. Wala gaanong script si Rambo. Narating nila ang Burma pero sumama si Rambo sa mga mercenaries dala lamang ang bow and arrow. To make the story short, nakuha nila lahat ng hostages at nagkaroon ng enkwentro sa gubat kung saan naubos ang mga komunista. May mga ilang bagay lang akong napansin na kakaiba...

Sa isang scene doon, mayroong sundalo na nagdala ng batang lalaki sa kwarto nung pinaka-leader ng komunista at sinara nito ang pinto. Siyempre, ibig sabihin nuon, BI ang leader. Brutal din ang patayan sa Rambo. ISang bala lang, lipad na ang ulo. Walang duda na nagustuhan ni Aljon. Brutal din ang pagkamatay nung leader dahil nailabas ang intestine at ang iba pang digestive system gamit lang ang kutsilyo ni Rambo...


Dahil nakita namin na 9 palang, sinaksak naman namin ang I Am Legend. Meron na ako nito. Matagal na. Masyado kasing manipis ang disk kaya hindi mabasa nung player. Tungkol ito sa isang nilalang na naiwan sa mundo matapos ang pagkalat ng virus. Marami lang siyang struggle...

Siyempre gabi na kaya di na itinuloy kaya kinabukasan naman ay ang Pistol Whipped. Siyempre, patayan din yun. Pero parang ayoko na ikwento. Ang haba kasi. Makikita nyo naman yan sa Quiapo along Echague.

Sa Godfather ko naman, patapos na ako. Last mission na. Ang konti lang pala ng missions dun!


-------------------GOODNEWS------------------------

Katunayan, ang Good News ay para sa akin lang. Nagagalak ako na nasakop ko na ang Stracci, Tattaglias, Cuneo at Barzinni. Siyempre ako taga Corleone. To explain it, ang lahat ng nasabing pamilya ay nasa Godfather. As a matter of fact, ngayong araw na ito, natapos ang pagiging underboss ko matapos kong bombahin ang safe house ng 4 na kalabang pamilya. Dahil dyan, ako na ang bagong Godfather at ang bagong Don ng mga Corleone. Ang porma pa eh. Papupuntahin ka sa Corleone Compound tapos may makikita kang lalaking naka-upo sa Swivel Chair. Pagkatapos, maraming taong nakapaligid at may hahalik sa kamay nung nakaupo. Haharap ang nakaupo at ikaw pala iyon. Haha. Ang drama ng promotion ko. Ito na. Last na ito. Game Completion. Ako naman ang tatanghaling Don of New York City. Whew. Sarap talaga maging Godfather!!!! Eenjoyin ko muna ang pagiging Don ko...

To give a brief background, magsisimula ka bilang Outsider. Tapos uutusan ka at ma-promote ka bilang Associate. Ito ang may pinakamaraming missions pagkatapos ng Outsider. Tapos magiging Soldier ka. Siyempre di mawawala ang mga traydor at inggitero sa istorya na may balak pumatay kay Don Vito Corleone. Ang pinaka-Don ng lahat ng Corleone Family. Tapos ma-promote ka uli as Capo. During Capo meron ka nang 3 ranks. Kumbaga sa Heneral, 3 star ka na. Mamamatay si Sam Corleone at siyempre may mga traydor pa rin tapos mamatay na rin si Don Vito. Darating si Micheal, anak ni Don Vito at pahihirapan ka ng kaunti para makita ang katapatan mo na magpo-promote sayo bilang Underboss. Sa pagiging underboss, napaka-konti lang ng missions. Bobombahin mo lang ang 4 na kalabang pamilya. Pero hindi madali. Ikaw lang magisa. Tapos pag natapos mo iyon, ikaw na ang magiging Godfather ng Corleones or magiging Don. So ang character ko ngayon ay si Don Daniel. Siguro bukas ko na ilalabas ang medyo nabagong itsura ng character ko...


----------------------Isang MALINAW NA PAGLILINAW-----------

Sa Motel, makikita natin ang TAXI ROOM at GARAGE ROOM... Hindi po ibig sabihin na mukhang taxi o mukhang garahe ang room katulad ng naiisip ko nung bata pa ako. ang Prince Court lamang ang may amenities na ang kama ay nasa eroplano, safari, vintage na kotse or kahit saan pa. Sa Eurotel naman ay may wallpaper ng tourist spots sa Europe. Pero ANG LAHAT NG MOTELS AY MAY TAXI ROOM AT GARAGE ROOM. Sabi ko nga kanina, hindi ito modeled as Taxi or Garahe. Kung mapapansin, ang motel ay mayroong stlyes. May ibang motel na may garahe. Ito ang Garage Room. Ang garage room ay mas mahal kaysa sa Taxi dahil ang Garage ay may garahe. Mas malaki ang Privacy sa garage room dahil kapag ipinasok mo ang sasakyan sa Garahe ay siguradong diretso na kayong kwarto or rooms. Kapag taxi room naman, ito ang mga rooms ng walang sasakyan. Iniikot lang ng taxi sa entrance at ikaw ay bababa at didiretso ka sa room. Ang pinagkaiba nila ay ang garage room ay may garahe samantalang ang taxi room ay walang garahe...

No comments: