Tuesday, March 25, 2008

The WHEN is still unwritten...

Kung talagang may pera lang ako, bibigyan ko siya ng bagong PC, na may internet. Kasi may mga times talaga na nauurat na ako sa paghihintay kung kailan siya mag-oonline. Napakadalang... Haizzzz..... Ang mundo talaga.. Kung pwede lang.... Kaso hindi.... Di na nga rin ata siya magoonline ngayon.... Kakadepressed talaga... Huhuhuhu.. Wahahaha

Andrama pa ng sounds nung Loyalty. Kailan...

Anyway, merong isang nilalang; di ko alam kung 2 sila na meron talagang TRIP sa Section Blog namin. Ayoko na sila pagusapan kasi moron sila. Sabi ni "L" kilala na nya. Dahil dyan, IT's DESTABILIZATION TIME!!!!! Langhiya ka, pati trip ko inagaw mong moron ka. Sige lang...

Nagkaroon na ngayon ng eleksyon. Pero bago ang eleksyon, misa muna. Naging sakristan ako ng hindi ko inaasahan. Akalain mo yun? Ano kaya yun, Divine Intervention na kinakailangan ko na talaga magpari at talikuran ang sinabi ng 4 na tao na wag na ako magpari o talikuran ang pagpapari? 13 years ata yun. Pero napakaimportante para sa akin ang 4 na iyon. Hindi dahil humindi sila kundi dahil na rin sa talagang importante sila!!! HAHA!!! WOHOOO!!!!! Isa duon ang hinihintay ko sa PC ko...

Anyway, di ako nakuntento sa misa at dumiretso sa Baccalaureate Service pagkatapos sa Baccalaureate Mass. Magaling ang speaker at tinamaan kami ng kaunting kahibangan. Pero magaling magsalita ang speaker. Pang Oscar nominee. Galing. Di lang nya basta kwinento, inexpress pa nya! WITH SCRIPTS AND COMPLETE FEELINGS!!!! Lupit talaga magsalita. Kahanga-hanga. Yan ang mga taong masarap kausap. Andaming maikukwento.

Tapos eleksyon. Ang naalala kong binoto ko sa pagkapangulo ay isang kandidato sa presidency. Tapos ganun din sa Vice, sec, treasurer, at auditor. Pati sa reps. Sana nga paahunin naman nila ang paaralan para tumigil na ako kakareklamo...

Teka, RECOGNITION BA BUKAS???? Di naman ako nakatanggap ng sulat! SAka kay Marimar pala, sensya na kasi medyo tinotopak na kami kanina kasi andami sumisingit sa amin.

One thing more, wag nyo na alamin kung sino si Maria. Ito lang kasi ang pangalan na binuo ng mapaglaro kong isip. Hindi siya codename or something. Pangalan siya. Pero may apelyido na! Di lang halata pero ganun yun... Anyway, nahihibang nanaman ako... Parang lumalabas nanaman ang aking pagkamakata na pilit ko nanamang pinipigil.

Meron pala akong anunsyo. Isang sentence lang...


OO. Ikaw mismo. Ikaw ngayon. Bakit ka pa nagtataka eh nabasa mo naman! OO! IKAW! MALINAW! Haha. Sige. Itext mo ako in this number 09228xxxxxx... Haha

Anyway. Our mind is set. Kukunin namin ang Entrepreneurship bilang aming Section. Pero makakapili nga ba? Bakit wala pa? POWTEK. Sige na. Wala kasi siyang phone eh. Di ko tuloy ma text... Haizzzzz.... Kaasar talaga. Ang mundo.

No comments: