Medyo may kaunting confusion na nagaganap sa paligid ko ngayon. Base kasi sa mga naunang pahayag, wala na raw pasok bukas kung tapos ka na sa clearance at ID. Sabi naman nung ibang mga group messages, may pasok daw kasi mamimili daw ng section o magpapasa ng clearance etc. Sabi din ni Larah at ni Magat na walang pasok kung wala ka nang gagawin. Ngunit marami ang mukhang papasok bukas. Di ko rin alam kung saan ako lulugar.
Kanina. Hindi ako nakapag-online ng maaga dahil na rin sa isang kasal. Katunayan, hindi ko naman ka-close yun. Pero dahil naimbitahan ako, at naroon naman ang pangalan ko sa invitation, nakahihiya naman na hindi dumalo. Medyo elite ito. Kamag-anak ko sila. Actually, 2nd cousin ko ito. Gaya nga ng una kong sinabi, nakaaangat ito ng estado ng buhay. Kaya medyo bongga ang kasal at tila Marimar ang setting. Pati nga tugtog. Sabi dati ni Kim, ang title daw nun ay "Mahal Kita". Yun din ang tinugtog. During the nuptials, nagkaroon nanaman ako ng confusion. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto pagdating ng panahon. Kung ano ang aking susuotin sa mga panahon na iyon. Kailangan kong mamili kung puting abito na magkakasal o ang naka tuxedo/ barong na nakaharap sa isang dilag. Meron kasing mga nagsasabi na wag ko na ituloy ang aking pagpasok sa kumbento. Yung iba, oks lang. Yung iba, parang Bule, "No comment please'. Haizzzz. Pero oks lang naman ang kainan. Kasi nga naman bongga. Manila Hotel ba naman. Di rin ako nakakain ng todo kasi maraming kakau-kausap, nakikipagsosyalan at nagpapa-cute (wahahahahaha). Di talaga mawawala yun. Pero meron akong request. Sana naman next time na maimbitahan ako, ako na ang GODFATHER.
Pagkatapos ni Czarina, may lumitaw na bagong nanggugulo. Ayoko magsalita. Sabi rin ni Leo, mali ang aming perception on who is Czarina. Pero for me, siya ang salarin. At siya ang lahat. Yun lang.
Siyanga pala, sa mga tinamaan sa mga naunang pahayag ng Administrator about The Congo,. pagpasesnyahan nyo na. Ganyan talaga. Masyado lang talaga kaming masaya. Pero wag mo naman kaming Gaguhin. Well merong nagsabi na ang salitang "gago" ay hindi mura. Pero nakakasakit pa rin ito. Pero I would like to apologize SAKALI mang nasaktan ka.
Ano pa ba dapat kong ipost? Nakalimutan ko na rin. Pero paki-txt na lang sakaling may updates kung amy pasok bukas...
Sunday, March 30, 2008
Ano ba talaga?
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:12 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment