Wednesday, January 2, 2008

A cheers to a new assignment


"Free to Enter"

Aking napag-desisyonan na wag na pumunta sa 3 dahil na rin sa walang kasagutan ang aking ipinadala. Ewan ko lang kay Migraso o sa iba pang nilalang. Matagal din akong hindi nakapagsulat ng post dahil na rin sa paglalaro ng San Andreas at ang addiction ko sa lahat ng alak sa bahay. Well, as of now, 0 out of 20 assignments ang aking nagawa (Kay Capitulo lang naman ito. Kung nagtataka kayo bakit 20, bilangin nyo yung mastery tests at excercises.). Tinatamad pa akong gumawa especially napakahirap ng gawain. Well yung sa biology, nakahanap na ako ng source at ang tanging gagawin ng aking group members ay bayaran ako ng P10. (Prices may vary without prior notice)

Isang araw, nakatanggap ako ng sulat na kailangan kong puntahan. Sulat ito mula sa bangko at kailangan kong puntahan ang pera. Ito ay nasa Cavite pa, bandang Panapaan. Nagbyahe ako ng matagal, nag bus, nag shuttle, nag train, nag jeep, nag tricycle at tumawid sa ilog (Ito ay located sa LAS PINAS. Prinza ang tawag nila sa lugar na iyon. Maari ninyong tanungin si Gianan ukol dito. Ito ay isang "parang pedicab", 6 seater, tapatan at tinutulak ng isang lalaki. Ito ay tatawid sa ilog na pabagsak sa isang talon). Inabot ko rin ang nasabing bangko. Nung chineck, nasa bank account ko na pala at maari ko nang widrohin. Sayang ang pagod...

Bago mag bagong taon, kailangan dumaan sa Binondo o ang Chinatown. Dahil na rin sa Eng Bee Tin. Wala namang nagnyaring significant...

Siyempre nuong pasko, andaming nagbigay ng alak. May Red Wine, White Wine, Cognac, Champagne, kahit Vodka, may nagbigay pa. Kailangan tikman ko ito dahil nasa harap ako ng napakaraming bisita. Hindi maaring mapahiya ang host. Kaya bawat isa kailangan tikman. Na-adik ako ng todo sa red wine, besides sa mabango siya, may iba siyang after shock. Yung vodka kasi parang bumabara sa lalamunan. So ayun, buti at nasa bahay ang mga alak, araw araw akong nakakainom...


Ilang araw na lang pasukan na. Pasukan meaning Resume of Classes at ilang araw na lang rin ay exam na. Nawa'y patnubayan tayong lahat ni Anito Inn.

Marami na naman akong nakuhang photos sa San Andreas. Isa dito ang Suicidal Photographer. Iba ang mukha ng dalawang ito...



Ito naman ang aking Doom's Ride na tinatawag...


Kung may Doom's RIde syempre meron ding Haunted House sa San Andreas naroon din ang Doom's Ride




Hanggang dito na lang muna. Ang 48 ay ilalabas pagkatapos ng exam.

No comments: