Wednesday, January 30, 2008

This is just my job...

Pasensya na sa mga tatamaan. Pero wala akong magagawa. THIS IS JUST MY JOB. Kailangan kong ireport kung anuman ang dapat mangyari. Kung medyo hindi nyo na -trip basahin, unmalis na lang kayo sa page na ito at mag click dito. Pero kung trip nyo ituloy, sige ituloy nya basta ipangako nyo na walang hard feelings. Ginawa nyo ang lahat.


Kaninang umaga. Pagkarating ko sa paaralan, aking napansin na kakaunti lang ang dami ng mga nag-uniform so inaasahan ko ang pagdating ni Emphi. Kinausap ko si Dan (palagi naman} at tinanong ko kung anong oras laban nila. Ang sabi nya, hindi nya alam. Hindi rin nya alam kung sino ang kalaban. Pero meron siyang isang bagay na ipinangako sa akin... Ganito ang statement nya... "Gagalingan ko kasi manunuod si...". Siyempre naman kilala ko na iyon at nasa inyo na iyon kung kilala nyo siya. Kahapon naman ay mahusay din siya makipaglaban at panalo sila. Yun nga lang hindi nanuod si ******. Nakatulog daw. Kaya this time daw, sinabihan siya na panunuorin siya.

Then dumating na si Emphi. Sakto naman na naka-school uniform siya. 2 na kami! HAHA. Itinuloy na namin ang aming deal. Naideal ko ito ng P310 (medyo mataas pero okay na yun kasi umabot na rin ako sa paghahanap ng ganung style na ganung presyo ng 2 buwan.) Nagawa na ang deal at nagawa ang exchange. Money to a coat. Siyempre gawa ng COPE-PAL na libro...

Kumain kami sa ibang vicinity. Pumunta kami sa N. Wing para bumili. Ang una naming napuntahan ay isang FAG. Kaya hindi bumili si Aljon lalo na si Dan. Then pumunta kami sa isa pang tindahan. Sabi ni Leo, "Resputia" lang daw yung tindera. Sabi naman ni Dan, fag din daw. Then narinig ko ang evil voice nung tindera. IT IS A FAG!!! A GIANT MONSTROUS FAG!!! Ang sagwa pa nung lasa nung juice. Parang may gatas at zonrox.

Umabot ang laro ng volleyball boys. Kahapon nanuod kami pero hindi rin kami nagtagal. Nanalo ang yellow (team namin) pero may napansin ako. Hindi masyado gumagalaw si Julian. Pero still, panalo kami. Kahit gumamit pa ng mga military tactics ang kalaban. Then kailangan ko ng mag-fast forward...

Pumunta na kami sa laro ni Dan. HIndi pa nagsisimula ang laban at ang kanilang opponent ay ang *******. Siyempre may effects kami sanang gagawin pero ang nagsimula na ang laban bago pa dumating si ******. Halatang halata na seryoso si Dan sa laro at hindi siya nag-sub. Determinado makuha ang championship. Pero ang buong crowd ay may napapansin. Kahit 5 ang nasa court, 2 lang ang NAG-SHOOT at yung iba ay taga-steal o taga -rebound lang! Si Dan, na laging nakaka-rebound ay binabakawan ng isang team member. ANG 2 LAMANG NA NABANGGIT ANG NAGPAPASAHAN O KUNG MINSAN, HINDI NA RIN. Ang nakakatawa ay pinasa ng isa sa 2 ang bola sa kalaban!!!! PArang kalokohan talaga. Doon napagtanto namin na ito ay scripted. Parang wrestling. Yun nga lang, MAARING tanging yung 2 lamang ang nakakaalam ng script at yung iba ay ginagamit nilang puppet. ISa si Dan sa mga naging DUmmy. Sa tapos ng laro, nasabihan pa si Dan na "BAKAW" samantalang SIYA MISMO ANG NAGBABAKAW AT ANG NAGPASA NG BOLA SA KALABAN!!!

Natalo din sila at alam naming depressed si Dan dahil sa pangyayari. Isang katangahan ang naganap dahil scripted na ang laro. Kailangan makalaban ng "UP" ang "ATENEO".


Pinanood namin ang championship at napansin ko ang kakaibang accuracy ni Julian. Nag-champion sila sa Volleyball with no losses.

Pumunta ako sa ikalawang "PLAY" na ginanapan ni Dan. Dito sa part na ito, talamak na talaga ang kalokohan. Maging ang mga ADMINISTRATORS, na NAKAUPO AT NAGRERECORD AT NAGBABANTAY SA MALINIS NA LARO ay nadungisan na rin. Nawalan ng kredibilidad ang sportsfest at sa 8 years ko nang lumalahok sa sportsfest at sa aking ikalawang taon sa paaralan, nawalan ako ng tiwala sa mga administrator. Hinayaan nilang mababoy ang laro. Malamang oras na nga rin para matalo ang team ni "RAIN" dahil sinasabi na hahaba pa ang laro kapag nanalo sila. NGunit maski-pa. KAILANGAN PA RIN BANTAYAN ANG KALINISAN AT KREDIBILIDAD NG LARO. Nawalan ako ng bilib sa mga taong namahala sa sportsfest na ito dahil sa pangyayari. And even na mag file pa ng complaint, siguradong hindi rin ito mananalo dahil nagkaroon naman ng labanan, basura nga lang. Sinasaad din na may mga players na HINDI NA NAGLARO na salungat sa iniutos nuong Lunes. Isang walang kwentang referee, administrators at mga captains dahil sa pangyayaring ito. Magaling man ang *******, kailangan pa rin natin makita ang tunay na laban.


Nakakaurat talaga ang mga pangyayari. Mga taong walang dignidad at kredibilidad na ipapatalo ang laro alang-alang sa isang bagay. Nakikita ko ang napakalaking depression ni Dan dahil sa pangyayari. At yung kumag na nagsabing bakaw si Dan, sana naman linawan nya ang isip nya at tingnan ang sarili nya, ano ang ginawa nyang kagaguhan during the game??? Though hindi affected ang team namin, (dahil Volleyball boys lang ang panalo namin) naiisip ko na kung ang simpleng sportsfest nga hindi ma-oragnisa at mapanitili ang kalinisan at kredibilidad ng laro, paano pa kaya pagdating ng panahon? O kahit sa malalaking bagay? Mapagkakatiwalaan pa rin ba ang mga taong minsa'y naging parte ng iskandalong ito?

No comments: