"He who fears being conquered is sure of defeat."
-Napoleon Bonaparte
Nitong mga nakaraang araw, meron akong bagay na pinagninilay-nilayan at pinagmumuni-munian... Walang kwentang bagay na ito. Pero sa taong hindi naghahanap ng kumpitensya, may halaga ang kagag*hang ito. I meant no harm. Nanahimik ang Vintage Spy kahit ang LAHAT ng paratang at pangaalipusta ay nakaturo sa kanya. Ang Vintage Spy ay hindi ginawa upang ipaglantaran o isali sa isang internasyonal na patimpalak. Ito ay nagawa dahil sa isang balita na magkakaroon ng pera sa pag-blog. Naisip ng Vintage SPy na maari rin itong magsilbing sulatan ng anumang anunsyo o hangarin. Nang ito'y ginawa, hindi iisipin ng creator nito na isali ito sa kumpitensya. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. At umabot na sa sukdulan ang thermographic temperature.
Nakakapagtaka bakit ang awayang ABS-CBN at ng GMA ay hindi natatapos. Marahil na rin siguro sa ang bawat isa ay ayaw magpatalo sa isa. Sabi nga ng Chairman ng GMA, "If they stop accusing us, then we will stop answering." Well, naiiba ang Vintage Spy. Hindi sumagot ang Vintage Spy ngunit patuloy ang paratang at kung anu-anong kabulastugan. Muli ay inuulit ng Vintage Spy na hindi ito naghangad ng kumpitensya o maging TALENTADO sa lahat ng bagay. Marahil sa larangan na ito ay hindi talaga na-aangkop ang VIntage Spy SUBALIT, HINDI NAMAN SA LARANGANG ITO NAGBALAK PUMASOK ANG VINTAGE SPY. Marahil ay makapangyarihan at diyos kayo sa larangang iyan. Ngunit wag nyo naman ipagdutdutan na tanga, stupido, inutil at servenguenza ang VIntage Spy. Hindi naman ito ang sukatan ng pagiging madunong at makapangyarihan. Ang Vintage Spy ay namumuhay ng tahimik. Wag sanang masira ang pananahimik nito... Kung hindi kayo makakita, basahin nyo yung description sa taas...
Kung ikaw ay tinamaan o na-personal, wag mong isulat sa diary mo, sa bulletin board, sa whiteboard o sa isang pirasong papel o kahit saan pa. Lumapit ka at tanungin mo para naman matapos na ito. Kung may problema ka, sabihin mo, hindi yung mismong tao pa ang makakaalam ng iyong plano. Para naman ma- "bury na ang hatchet" Kung hindi ka man tamaan, then stop; have a break. Magpahinga ka muna dahil parang retarded na ang desisyon mo. Sana naman, wag mo sayangin ang tiwala ng Vintage Spy sa bawat isa. Ginagalang kita kaya sana galangin mo kung anuman ANG SINASABI MONG KAHINAAN.
Enough of that. Bahala ka na...
Siyempre ang mundo hindi lang naman umikot sa bagay kung saan wala itong halaga. Well kanina, mayroon kaming natagpuang corpse sa kabilang room. Narito ang ibang shots...
Ito naman ang iba pang nakuhang samples na maaring gamitin as proofs...
ANg iba pang photos ay ilalabas kapag malamig ang panahon...
Tuesday, January 29, 2008
Sige lang...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment