Sunday, January 27, 2008

Nakabibinging Transportasyon

Alas-5 na ng naisipan na ng aking ama na lumisan. Wala kaming sasakyan kaya kailangan makarating kami ng Laguna gamit ang mga transportasyon sa Pilipinas. Nagsimula ang byahe sa Quezon Avenue. Kailangan pang sumakay patungong MRT. Lumubog na ang araw at nakapila pa rin kami sa MRT. Maraming baklang nangunguha ng pagkakataon. Kaya sa sobrang galit ko, dinukot ko ang cutter ko at nasugat siya dahil muntik na siyang dumikit sa akin. Naka-tusok ang aking cutter. Buti nga. Kulang pa yun. Pagbaba ng Magallanes, sakay na naman. This time, patungong Alabang. Mabilis sa Skyway. Nakabibingi ang bus dahil wala itong aircon at ramdam ang hampas ng hangin. Para pang suicidal yung driver at naka-full speed ang bus. Narating ko naman ang Alabang safely though naapektuhan ang aming estimated time of arrival na 8 p.m. Nakarating kami sa Alabang ng 7:30 p.m. Nakahanap din kami ng byaheng Calamba. Pagkarating sa lugar ng Laguna, nakaramdam ako ng todong inip. Napaka-tagal ng bus dahil sa fucking traffic jam. Nilakad na lamang namin at napag-alaman na isang gagong truck ang nakaharang. Wala rin ginagawa ang pulis na kumag. Hindi mo naman pwede sapakin yung pulis dahil magkakaroon ka ng 2-star wanted level...

Nakarating din kami sa designted area. Siyempre OP. Hindi ko na ikukwento pa ang mga naganap hanggang sa nakauwi ako. Bago pala kami nakauwi, nakasalubong ko ang dati kong school mate. Hindi na siguro ako maaalala ng binibini na iyon...

Ngayon, napagkadisketahan ko mag-download ng fonts. At dahil napakarami ko ng font, hintayin nyo ang paglabas ng 48 at ng pinakabagong LOGO ng Vintage Spy Pictures...

No comments: