Wednesday, January 23, 2008

Banned for 3 days

Dahil ako ay na-ban ng 3 araw, marami akong hindi naipost. Simulan natin nuong Lunes

JANUARY 21, 2008- Unang Araw
Unang araw ito ng exams. First exams: English, P.E., Health, Social Studies
Sisimulan ko ang aking pinaka-abnormal na subject. Ang HEALTH
Napaka-walang kwentang quarter ang 3rd Quarter para sa health. Nag-improve lang ng kaunti ang 2nd quarter. Nagbigay daw ang taong itatago natin sa palayaw na J-JO ng REVIEW ITEMS para sa Health. Ang masaklap, binigay nya ata ito ng gabi. Kung saan 12% lang ng estudyante sa LOYALTY ang nakakuha! Ayun na nga. Natapos ko in 10 minutes ang Health Test. Wag niyo na alamin ang istilo ko.
Susunod naman, ang SOCIAL STUDIES. HIndi ito mahirap. Pero abnormal. Napakaraming TYPOGRAPHICAL ERRORS. Hindi ko maintindihan kung False ang statement or typographical lang. Ang nakakatuwa pa ay ang sagot sa likod ng papel. Parang dayaan sa board exam. Naka-liquid eraser lang ang ibang sagot sa vocabulary, Pero kung nagaaral ka, hindi mo na kakailanganin ang walang kwentang sagot at mali-maling spelling.
Ang English ay medyo nakakalinlang. Ang P.E. naman, wala lang...

JANUARY 22, 2008- SPOT THE KNOT
Ito na ang ikalawang araw ng exams. Naroon ang Math, Stenography at Filipino
Unahin ko nanaman ang pahirap. Ang PA. Napaka-******* ng pangyayari. Di-bale sana kung ako lang ang nahihirapan. Ang nakakatuwa ay ang lahat ng estudyante na kumukuha ng Steno ay natagalan din. Hindi ko alam kung transcription o sa Vocabulary ba. Luckily, 1 lang ang kulang ko sa vocabulary. Sumunod ang Math. Hindi siya abnormal. Ang sayang sagutan ng test paper. Wala lang. Filipino... Andami kong erasures. Sana hindi mamali.

JANUARY 23, 2008- BLOG REFORMATTING
Ang EASIEST of ALL. Madaling sagutan, mahirap pag-isipan. Ang mga inexam: Statistics,Biology at Keyboarding. Ayoko magsalita about sa exams dahil unsure ako kung tama ang sagot ko. Hindi kami nakapunta kanila Migraso dahil marami ang nag-back-out. Kaya yun. Inubos ko ang oras ko sa tapat ng PC. Pero worth it naman dahil ito ngayon. Unique na ang blog ko. GAGO KA *****************. Hindi ka man makaintindi ng tagalog, wala akong pakialam. Ayan. Iba na ang layout ko kumag!


Iyon ang mga pangyayari. Meron nga palang isang kumag na wala lang. Gaya nga ng sabi ko, ilalabas ko ang mods na pink and black mod ko. Pero dahil mahaba ang post ko, magpopost na lamang ako ng 3 pictures...


PINK AMBULANCE


PINK FIRE-TRUCK

Lastly...

BLACK TAXI


Marami pang projects ang Vintage Spy Pictures. Katulad ng OWIMOWE Music Video. Ang La Doctrina y Conocimiento at ang 48. Maliban duon, marami pang pinaplano ang Vintage Spy Pictures na mga proyekto ngayong 2008. Salamat sa patuloy ninyong pagtankilik...


Siyanga pala, wala na.

TEKA! BAgo ko makalimutan, ngayon ko na pala isasagawa ang malawakang paggamit ng directory. Kaya wag kayo magtaka kung bakit kayo nakakatanggap ng mga invites!

No comments: