Ang scheduled exams namin ngayon ay: Keyboarding, Filipino, English, graded recitation sa Steno, math, social studies. 1 out of 7 ang hindi nagbigay. Ang biology. Sunod-sunod. Mula pa noong lunes, steno, bio at stats naman ang bumanat. Walang araw na walang test. Bukas naman ay practical test sa music. ANG BUONG LINGGO AY PAHIRAP. Sabayan pa ng napakaraming items sa libro ni Capitulo, at ang "Re-write Magnifico PRoject" sa Filipino. Bago pa man dumating ang exam, tuyo na ang utak ko. Na-cancel ang isang exam ngayon, ang English. Bukas ako naman sa Steno. Puro pasakit at pagpapahirap ngayon ng mundo...
Kanina, ibinalik na ang aking Legendary Book. Ang Makabayan. Una dahil napakaganda ng mga kasagutan ko dito. Pangalawa ay na-chekan ang aking gawa. Gayunpaman, malupit ang checking. ISANG BLANKO LANG, INC NA. Nakakaasar talaga pero at least natapos ko. Maganda man ang kasagutan ko, mas maganda ang kasagutan ng aking kaibigan na si Migraso. Ang maganda pa ay nasa KABILANG PAGE LAMANG NILAGYAN NG C MULA SA PINKAMAGANDANG SAGOT NIYA.
Sa lahat pala ng Group 3 sa Biology na makakabasa ng blog na ito, NAIPASA KO NA ANG PROJECT NATIN. Kaya bukas hindi na tayo makikipaghabulan. Salamat sa inyong kooperasyon.
Kanina pagkatapos kong ipasa ang project ay na-shock muli ako, almost 2 weeks ko na pala siyang hindi nakita then bigla na lamang lilitaw ng parang may apparition. Siyempre I tried so hard na maging amnesiac pero bits of knowledge ay unti-unting pumapasok pa rin sa utak ko. Kanina rin ay may nakita akong magandang nilalang na may kamukha sa LHS. Malamang ate nya yun. Wala lang. wala na akong post.
BUKAS, isang malagim na exam nanaman at recitation. ANG masaklap pa ay abala ang mothervicking na si Magnifico. Hassle nanaman. First test ang Social. Kaya maghanda.
Kinakabahan ako sa lahat ng maaring mangyari sa akin. Maaring lahat ng hinahabol ko, pinapangarap at pinipilit abutin ay mawala na lamang bigla. Pero sana kahit isa sa mga ito ay matupad lalo na ang aking pinaghirapan mula November ata. Sano hindi ito walain ng tatlong magkakasunod na araw o walain ng dahil sa mga susunnod pang bukas. Sana hindi ko man maipasok ang entry sa naktataas kahit sa minor or groups lang. I hope god will hear all my prayers. Allah Uakbar
May mga kasama kami ng aking kaibigang si Leo na matatawag nating iresponsable. Nagpapakahirap kami gumawa tapos yung iba, wala lang. Wala lang, ako ba ang direktor? Bahala sila basta susunod ako sa utos na makakatulong naman.
Isang Sneak Preview sa mod na ginawa ko ay ito! The PINK POLICE CAR
Thursday, January 17, 2008
Examintation School
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:07 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment