Wala namang nangyaring karumal-dumal ngayong mga araw na ito. Iyon nga lang bukas ay LONG TEST sa PA, BIOLOGY, saka SOCIAL. Ang nakakainis pa ay kung malapit na ang periodicals ay saka isisnabay ang mga nonsense MF things na ito...
Meron akong isang bagay na natutunan ngayong araw na ito. Ito ay isang life lesson. "Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pakiramdaman, minsan nangangailangan din ng pag-uusisang personal."
May isang pangyayari ang sumindak at "parang may balak sirain" ang lei ng LHS. Hindi ko papangalanan ang mga tao pero wala lang. Siyempre, ang bawat kasalanan ay may kabayaran. Kaya kung ayaw ninyo ma-suspend ng 2WEEKS, sundin ang lei ng paaralan.
Dahil nga ayun, there is nothing to talk about. At baka matagalan din ako sa pagpost dahil sa daming MF things na iniatang.
Isa pang MF thing na gusto kong linawin ay WALANG KATOTOHANAN ANG MGA ALEGASYON NG ISANG HINDI PANGANGALANANG NILALANG SA VINTAGE SPY. Alam ng Vintage Spy ang bawat winiwika ng nasabing tao. Hindi na rin pinagbalakan pa ng Vintage Spy na sayangin ang oras para sa pagimbestiga sa walang katotohanang alegasyon. Ang Vintage Spy rin naman ay hindi magsasampa ng kasong depamasyon sa nasabing tao. Bagkus ay wala lang. Sa huli, nasa inyo ang paniniwala. Pero siyempre naman yung mga nakakakilala naman siguro sa akin ay alam ang aking plano at panuntunan sa buhay at kailanman ay hindi sisirain ng Vintage Spy ang inyong tiwala at suporta. Kung itatanong nyo ang pangyayari, isang nilalang na UNNAMED ay nagkakalat ng alegasyon na ang Vintage Spy ay nagsasayang ng oras sa nasabing tao. Muli po, ang Vintage Spy ay maraming gawain at hindi kailanman sasayangin sa mga ganoong tao. At kung SAKALI MAN na mangyari ito ay imposible sa ganitong pangyayari. ANG VINTAGE SPY AY HINDI TANGA. Lumalaban po tayo ng patas para sa kalidad na gawain at masisira lamang ang Vintage Spy sa isang ganitong walang kwentang pangyayari. Muli, nililinaw po ng Vintage Spy NA WALANG TAONG PINAGSASAYANGAN NG ORAS ANG VINTAGE SPY. Kailanman ang Vintage Spy ay hindi matitinag at ito ay susunod sa kanyang panuntunan. Ang Vintage Spy ay hindi naiimbestigahan dahil na rin sa WALA NAMANG MAKUKUHA. Kung meron man, tanging ang Vintage Spy lamang ang nakakaalam. Lagi nating isaisip na wag maniniwala sa mga kasinungalingan bagkus ay pakinggan ang nasasakdal. Ang Vintage Spy ay nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta. Maraming Salamat mga Kapumirkada!
Monday, January 14, 2008
Series of Unfortunate Events
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment