Friday, January 18, 2008

Isang Dosena

Kanina... I was shocked na naka 92 pa ako sa Steno. Goodthing, magkasunod na kabisado ko ang pinabasa! 12.4? at 12.5! Haha! Siyempre kunwari nahihirapan pa ako pero kabisado ko na iyon kahit closed book! Isa pang magandang pangyayari ay hindi kami nangulelat sa race ng points sa Steno. Naka 3rd pa kami. Ang nakakabilib ay nagsimula kami sa negative at bumaba pa sa -50 pero sabi nga ni Bonilla, "nagpapahuli ang bida" Hindi man kami nanguna, safe pa rin! Haha...

Nakakatamad manood sa Youtube ng 12 parts ng Magnifico. Antagal mag-loading. Buti na lang, may FDM ako kaya na-download ko ang 11 parts. Ang part 10 ay hindi nakuha. Katunayan, as a critict, maganda yung takbo nung istorya. Though walang luha na pumatak, nararamdaman ko ang bawat isang karakter na nasa pelikula. Amazing talaga kasi iba yung istorya nya. Hindi lang basta struggle na umahon sa hirap or mailibing ang lola nya, napakalalim ng istorya. Yun nga, unang beses ko napanuod ito kasi nga wala akong kahilig-hilig sa mga madadrama na pelikula. Pero amazing talaga. Actually, hindi siya heavy drama na tungkol sa walang kwentang pag-ibig. Struggle talaga lahat ng pangyayari. Naalala ko tuloy ang sinabi dati ng isa kong kaibigan, sabi nya "Makikita lang ng mga tao ang kabutihang dinudulot mo kapag wala ka na." Haizzz...


Kanina rin ay pumunta ako kanila Dan. Kumuha ako ng kaunting files sa kanila. Kaso yun! Virus Infected ang pc nila. Haizzz... Ang USB kong bago, Virus Carrier na kanina. Pero nalinis ko na.

Kanina muli. Nagkaroon ng conference ang 3rd Avenue. Nabuksan ang aking isip sa bagong misteryo. Meron kasi akong kaibigan na itatago ko sa pangalang Lucio. Si Lucio ay nagkakagusto sa babaeng si Manuela. Well, bigla kasing naipasok ang isa ko pang kaibigan na si Angelo. Well ayun na nga. Biglang nasabi ng isa sa miyembero ng 3rd Avenue ang kaganapan nuong Christmas Party. Hindi ko na ilalahad. Pero yun nga. Nakakapagtaka ang pangyayari. Biglang na-OP ang iba. Well, nang tanungin namin si Lucio ang tanging nasabi nya ay World War II. Ano kaya yun? Saka anong panlaban nya, dagger? Nasa kanila na iyan. Basta ang alam ko, merong bagong *.

Exams na this coming Monday. Ang masama, amy hahabulin pang project sa Filipino. Good thing, tapos ko na si Magnifico kaya sulatan na lang ito. At kay Bernardo nga pala, may mensahe ang Vintage Spy, kung maari ay huwag na nyang gamitin ang email ni Danilo Montano kung ayaw nyang ma-electric shock. HIgh Voltage ito.

Maaring ito na ang last post ko dahil exam na. Gago lang ang hindi mag-review. Muli, sana matugunan ang lahat ng aking pangarap at wag matulad kay Miong. Sana ay hindi ito mawala ng isang iglap lang. Allah Uakbar.



It has been many days and weeks na ata na hindi nag OL ang aking hinihintay. Baka nga hindi na siya mag-OL. Nauurat ako sa primary photo nya kaya wala lang. Bakit ako magpapatiwakal eh marami pa namang marikit, matalino at kaakit-akit na binibini na pumapaligid sa mundo? Isang kabaliwan ang magpaka-martir para sa minamahal. Hindi tunay na pagmamahal ang tawag dyan. ITo ay katangahan katulad ni Lemoncito or Boy Ano.

Umabot na ako ng 2 taon sa LHS pero parang wala pa kaming naging marikit na ST. Ang sa Entre naman ay si Dabiana DAW. Okay. Calm down. Hindi ko na siya aabutin. Okay


Matutulog na ako dahil kailangan na. Bukas ko na tatapusin ang Magnifico...

No comments: