Friday, January 25, 2008

Ang Problema ng Mayaman...

Christopher Gardner: [about the spelling mistakes in the graffiti of a building] It's not H-A-P-P-Y-N-E-S-S Happiness is spelled with an "I" instead of a "Y"
Christopher: Oh, okay. Is "Fuck" spelled right?
Christopher Gardner: Um, yes. "Fuck" is spelled right but you shouldn't use that word.
Christopher: Why? What's it mean?
Christopher Gardner: It's, um, an adult word used to express anger and, uh, other things. But it's an adult word. It's spelled right, but don't use it.

Isang paguusap sa isang pelikula...

Karamihan sa mga mahihirap, tinitingnan nila ang mayaman na walang problema. Pero ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ganoon yun. Isang pangyayari ang nagbigay problema ang nagbigay aral sa akin. Kanina... Buo ang pera ko. Napakahirap pala kumilos sa Pilipinas lalo na kapag malaking halaga ang dala mo. Hindi masuklian. Ikaw pa ang mamomroblema maghanap ng pambayad! OGAG TALAGA...


"You got a dream... You gotta protect it. People can't do somethin' themselves, they wanna tell you you can't do it. If you want somethin', go get it. Period."
Ito na nga siguro ang araw na magpapabagsak sa akin. Lahat ng aking pinagsumikapan sa loob ng 3 buwan ay mawawala dahil sa isang malagim na pangyayari. Pero siyempre, kailangan ko pa rin maghintay ng milagro. Sabi nga ng kasabihan sa ibabaw na walang makakapigil kung anuman ang aking nais. Pagsusumikapan ko pa lalo sa 3 pang buwan na natitira. Sayang talaga. May mga bagay talaga na unexplainable katulad ng nangyari ngayong araw na ito. Maihahalintulad ang lahat ng pangyayari sa saying na ito: It was right then that I started thinking about Thomas Jefferson on the Declaration of Independence and the part about our right to life, liberty, and the pursuit of happiness. And I remember thinking how did he know to put the pursuit part in there? That maybe happiness is something that we can only pursue and maybe we can actually never have it. No matter what


KANINA: Meron akong nakuhang clue about sa 2369 Code. Nakalagay kanina sa isang upuan ang mga katagang MATALANG 2329. Tanga man ang taong nabanggit, hindi pa rin siya inutil para isulat ang pangalan nya sa upuan using a liquid eraser. Pero ito ang maganda. Isang numero lamang ang hindi nagtugma sa phrase. Ikakansela ko na ang fact na mayroong gagong nagbabalak buksan ang aking locker. Maging si LUPIN. Meron pang isang taong unknown. SI UNNAMED. Kung mababasa sa post kahapon, si Unnamed ang 2nd suspect. Well, nahati siya sa dalawa ngayon. Si UNNAMED AY NAIS MAGPARATING NG MENSAHE SA VINTAGE SPY. Meron tayong 2 sub-suspect kay unnamed. Una ay si "DUSK". Isang dambuhalang tao. Hindi ko alam pero may malaking posibilidad kung bakit nya isinusulat ang 2329. Ang ikalawang sub-suspect ay si NO NAME. Muli, hindi ako makakapagbigay ng detalye kung sino ang NO NAME na ito. Pero isisiguro ko na mula ito sa 2nd year. Malakas din ang kutob ko na galing ito sa "Cordially". Kaninang umaga, nakita ko nanaman ang evil code na 2369. Pero ang hindi ko maintindihan ay parang ako pa lamang ang unang taong pumasok sa locker dahil ako pa ang nagbukas ng ilaw. KUNG SINO KA MAN, MAKIKILALA DIN KITANG KUMAG KA...



Kanina muli. Habang papauwi na ako. Kasama ko si Dan. Nadaanan ko ang room sa college ng mga aktibista. Ang ANAKBAYAN. Nakita ko ang katagang, "REPORMA SA PAMAHALAAN" Mayroong isang salita na tila bang napaka-liwanag at nagningning na nakapulang tinta sa tarpulin na self-made. Ang REPORMA. Sa talasalitaan, ang ibig sabihin nito ay pagbabago. Nuon kami'y nasa unang taon ng pagaaral, nagkaroon ng grupo ang kabataan na naghahangad ng pagbabago. Wala silang pangalan dahil ang tanging hangad nila ay pagkakaibigan. Nakagawa sila ng napakaraming istorya, may mga bagay na nabago dahil sa kanila, at marami ang nalugod sa kanilang pagkakaibigan. Walang lamangan though minsan ay nagkakatampuhan. Marami silang taong nabigyang inspirasyon at walang nakakaranas na panggagago. Umabot ang Pebrero 14. Ang unang araw ng pang-aasar kay Vic. Mula noon nagkaroon ng diskriminasyon sa mga negro. Pero ayun. Wala pa ring gaguhan at alam naman ni Vic na joke lamang ang lahat. Dumating ang pagtatapos ng school year. May mga panahon na karamihan nagpapadala sa pagibig. Pero siyempre, hindi pa rin todo. Mayroon palang nangyari bago matapos ang school year. Si Najor at si Tap ay nagkatuluyan. Nasunod ang sinulat ni D. S. Clarin sa Season II ng Captain Nguso. Nagawa ang Captain Nguso dahil sa matatag at di natitinag na samahan. Ang Captain Nguso ay hindi lamang nagsilbing Record of Past Events ngunit nagsilbi din PREDICTION OF DESTINY. Karamihan ng nasulat AY NANGYARI SA TUNAY NA BUHAY. ITo man ay kathang-isip lang ni D. S. Clarin, nakakapagtaka bakit ito nagnyari...

Dumating ang ikalawang taon. Ang iba ay napunta sa S, ang isa ay naligaw sa H, ay karamihan ay napunta sa L. Isa ang Vintage Spy sa L. Noong mga naunang buwan, medyo nagpapakita na ng karupukan ang tinawag na REPORMISTA. Dahil na rin siguro sa iba ibang seksyon, nagkaroon ng distinction at siyempre meron kang mga bagong makakasama. Ang naligaw sa H, ay nagbunga din ng maganda. Nabago ang kanyang pananaw sa buhay. Merong isa na nasagot na ng sinisinta nya. Ang iba naman nagiba na rin ang pananaw. Nawala ang tunay na Repormista at sa ngayon, wala na nga ata. Naalala ko na si Dan na lang pala ang palaging sumasama sa akin. Minsan si Leo. Minsan din si Ephraim pero karamihan go into their own businesses. Sina Rojan, Victor at iba pa ay tinitingnan kami as mga stupid boastful fags. Pero nasa kanila iyon. ISang pagpapatunay na hindi matibay ang Repormista.... Haha....

Napakahaba na ng aking post at sportsfest na sa Lunes. Bukas naman sasama ako sa isang outing kung saan OP ako. WALA AKONG MAGAGAWA. IT IS A COMMAND. Minsan, kapag nakikita ko ang "Unitzy?" (medyo nakakaurat ang title nila), I was enlightened to see na buo pa sila though sometimes may tampuhan sila. Sana ma-attain natin lahat ang KEVALA or kahit NIRVANA. SAna rin tigilan na natin ang gulo at ipatupad ang AHIMSA.

-tama na. Puro social na...

Kung mapapansin, andaming kabulastugan na nakapaligid sa title ng Vintage Spy. KAYA BAGO MATAPOS ANG POST AY ♣♣♣♣

No comments: