Friday, December 28, 2007

Omega City

Dahil na rin siguro ito ang pinaka-una kong production na nagawa, ako ay proud kahit na basura ang series. Well, proud ako sa series na iyan dahil may nag-subscribe sa akin dahil sa series. Well, it's a lot of nonsense. Hindi ko nga masyado alam ang account setting sa YOutube eh! BAsta sa akin may ma-upload lang ako. Mayroon pang gagawin na pang-akademiko. Ang Algebra na gawa ni Capitulo. At ang Makabayan. Ang MAKABAYAN ay naiwan ko sa aking locker kaya hahabulin ko nalang ito sa 7. Gagawin ko nanaman ang aking walang kwentang sagot. Ang Capitulo ay napakahaba. Nakakatamad at napakahirap. Pero kailangan magtiis.

Dahil tinatamad pa ako gawin ang Algebra, ginawa ko ng 100% Saved Game ang San Andreas. Tapos na lahat ng missions, submmissions, girlfriends, nasa akin na lahat ng damit, gold lahat ng schools at kung anu-ano pa. Well, mahirap at nakatatamad din mag-100% Saved Game kaya nanood din ako ng mga pelikulang pinag-uusapan pero hindi ko pa napanood..
-------------------------------------------------------------------------------------
HITMAN
Ang Hitman na siguro ang pinaka-astig na napanood ko. Kaya nga gusto ko bumili ng Hitman Blood Money at Silent Assassin na laro eh. Pero kung meron kayo, just inform me. Tungkol lamang ito sa isang hitman o mamamatay tao.

THE KINGDOM
At first hindi ko naintindihan ang plano ng mga terorista. Pero nakuha ko rin ang gusto nila. Manggulo. Ang Kingdom ang kaharian ng Saudi Arabia. Nagkaroon lang ng kaunting labanan sa ending dahil na rin sa paglusob nila sa lugar ni Abu HAmzah

AMERICAN PIE:BETA HOUSE
Ito lang ang napnood ko sigurong American Pie kasi may mga iba na nangangako na magpapahiram pero wala naman. Anyway, ang Beta House ay isang fraternity na kung saan puro enjoyment. Well ang kanilang initiation ay masarap at nakaka-enjoy.

DA VINCI CODE
Alam ko matagal na ito pero ngayon lang ako nagtangka manood nito. Siguro alam nyo na ang istorya kaya hindi ko na ikukwento basta ang istorya ay SATANIC kung ibabase mo sa bibliya. Nasa manonood na yan kung paano nila tingnan ang istorya. KUng bakit kasi history pa ni Jesus Christ ang kinuha eh.

Meron pa akong 2 natitirang napanood pero ayoko na sabihin yung title. Kasi hindi lang naman ako ang nagbabasa ng blog ko kaya mahirap na. Pero ang pelikula ay Filipino at ito ay hindi angkop sa edad 17 pababa. Nasa mambabasa na iyan kung ano ang iisipin nila.
-------------------------------------------------------------------------------------

Balik tayo sa San Andreas. Binalikan ko ang Smoke's Crack Palace. Napakarami kong snapshots sa site pero baka hindi magkasya dito kaya baka ilagay ko nalang sa MotherVictor City Website. Pero ilalagay ko ang aking kuha mula sa tuktok ng Mount Chiliad (ito ata ang pinakamataas na bundok sa San Andreas)




Nakita ko na rin ang kinalalagyan ng SUICIDAL PHOTOGRAPHER sa San Andreas. Meron akong 3 photo dito ng unti unti nyang pagkakamatay. Makikita mo siyang kumukuha ng picture tapos sasabihin nya "You Thik, you're better than me?" tapos ayun, nalunod agad.







PAgpasensyahan nyo na medyo madilim gabi kasi yan lummilitaw eh. Mga madaling araw. Ito na ang last. Ito ay isang parody sa pelikulang TERMINATOR ni Arnold S. [mahirap yung spelling]. Nasa Los Santos lang ito. Ito ay isang poster.




Mahaba-haba ito dahil hindi ko ito naipasok sa Centennial Post.

No comments: