Wednesday, December 5, 2007

20 days

20 days na lamang at sasapit na ang kapaskuhan. Ang araw na pinakahihintay ng karamihan. Sa ating mga pilipino, napakahaba ng pasko, yung iba, oktubre pa lang may dekorasyon na ang bahay at umaabot ang pasko hanggang sa unang linggo ng Enero. Meron pa man 20 araw na natitira, meron na lamang 2348 oras para sa belen bukas.

Hindi mataas ang aking posisyon. Ako ay isang abnormal na townsmen lamang. Ang masaklap, merong "kabute" na biglang sumulpot at laging pinagdidiinan sa isip namin ang POC or sa kanya, pokus. Inabot na kami ng gabi sa kanyang "pokus-effect". Ang masaklap, hindi ko alam kung saan siya galing, sino siya o kung ano man. Ang alam ko kabute siya.

KADETE
1 year ago, nahulog ang loob ko sa isang napakagandang dilag na officer sa Citizenship Advancement Training. Mula ng maputol ang aming koneksyon at lahat ng tungkol sa amin: noong dumating ako sa ikalawang taon, hindi na natuto pa umibig ang puso ko at tinuon ang sarili sa laro. Tama na ang drama, natatandaan ko, tuwing nagkikita kami at naguusap, palagi nyang tinatanong kung gusto ko maging isang kadete. [alam nyo na yun.] Ang masaklap noong first year ako, napakasama ng loob ko sa mga iyan dahil nga sa laging pagsita sa aking buhok [kahit ako'y halos kalbo na] at ang madalasang paghuli, pagkuha ng ID, pagharang, pakikipagprotesta, pagwasak ng karapatan, at pakikipagtalo. Natatandaan ko pa ang pagtatalo namin ni _ _ _ _ _ _. Pero least sya. Kaya sa tuwing tinatanong nya kung mag kakadete ako ang sagot ko ay hindi. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pero buo ang desisyon ko. Minsan, kahit sa SMS o text ay napaguusapan din namin ang pagkakadete. Nuong magtatapos na ang lahat, tinanong nya muli ito sa akin,
"Gusto mo ba mag kadete?"
"Ayoko po talaga eh"
"Bakit naman?"
"Mahirap yun eh, pinahihirapan, inuutusan at kung anu-ano pa"
"Hindi naman. Saka masarap kaya maging officer"
"Pero sa dulo pa po iyon, kailangan ko pa dumaan ng pahirap, ang gupit na hindi ko gusto at ang pagpasok ng polo sa loob ng pantalon"
"Madali lang kaya yun! Saka tingin nyo lang mahirap pero masaya yun!"
"Ewan ko po."
"Mag-kadete ka kasi! Sige, babalik ako dito pag kadete at officer ka na!"
Naantig ang puso ko. Pero buo ang desisyon ko
"Balik na lang po kayo kapag CAT na ako."
"Ayaw mo ba talaga mag kadete?"
"Naiilang po kasi ako sa panlabas na anyo eh. Saka parang hindi ko po tipo ang ganong mga gawain."
"Maari mo ba akong samahan? May bibilhin lang ako?"
Pinutol na nya ang conversation. Nuong nalaman ko na lahat ng kanyang mga naging nobyo ay Officer at magsusundalo, hindi ako natinag. Buo talaga ang desisyon ko. Mula noon, wala na uli pang nagtanong.

Isang gabi nakita ko siya na kasama ang mga bagong kadete. Kailangan ko talaga umiwas para matigil ang issue. Ngayong umaga na ito, tinanong ako ng isang kadete na may balak manghuli sa amin dati.
"Mag kakadete ka ba?"
Bumalik sa akin ang pangyayari dated back 8 months ago.
"Hindi po."
"Eh si Gianan?"
"Lalo na po! Pareho kami nyan eh!"
"Eh si LJ? [tinatawag nilang LJ si Aljon, hindi ko alam.]"
"Hindi rin yan. Buo po ang isip namin."
"Kasi yung mga mag kakadete sa susunod na taon ay panay maliliit eh. Saka bagay ka maging kadete."
Sa buhok kong ito?!?! BAgay? E lagi nga ako nagpapahuli sa kanila eh!
"Ayoko po talaga nun."
Ipinaliwanag nya sa akin ang kagandahan ng mga kadete, medyo mahaba-haba ang usapan hanggang sumagot ako.
"Kasi po, parang hindi ko talaga gusto."
May pumasok na isa pang kadete. Kinausap ng kadeteng kausap ko ang dumating at tinanong,
"Nahikayat mo na sila?"
"Hindi ko pa nakakausap eh!"
Lumingon uli siya sa akin. Ang akala kong papatay at kikitil sa aking buhay ay nagmukhang mabait na salesman na nang aalok ng pagka-kadete. Parang nawala ang galit ko sa mga kadete, ang kanilang anyo, ang buhay nila at ang hinanakit.
"Saka lagi kang dumadaan sa likod eh."
"Nasanay lang po ako, mula pa kasi 1st year, dyan na ako. Ayoko kasi masyado sumabay sa mga tao eh."
"Sagarin mo na hanggang 4th year-"
Hindi na nya natuloy pa ang kanyang pagsasalita. Hindi ko rin naitanong kung bakit LAHAT ng opiser at kadete ay duon dumadaan....

THE 100 MOB
Meron akong bagong acquaintance ngayon. Siya ay si Herodes o sa tunay na buhay ay Matthew pero mas kilala sa tawag na Dako. Dahil wala kaming magawa, naisipan nyang manloko ng mga tao. Umabot sa point na lumalapit pa siya at nakikipagkilala para lang sa walang dahilan. Babae, lalaki, bakla nilalapitan nya. Mula tangahli hanggang gabi yun lang ang ginagawa nya at kami naman ay nageenjoy sa expression ng lahat ng tao. Pakilala nya isa siyang transferee na foreigner na galing sa Michigan. Siya ay si Travus. Madaming nauto. Kung susumahin mo nga lampas 100 ang natanong nyang pangalan. Almost only 8% ang hindi nagpakilala kasama ang isang bakla. At 74% ang tuwang-tuwa kasama din ang baklang si Rapahael. Marami din akong nalaman tungkol sa mga nakaraang pangyayari sa PUP bago pa kami dumating. Para ngang LHS Stories. Sana nga meron ako kahit half of his courage to do that...


Wala akong maikukwento sa mga classroom dahil sa whole day akong wala doon... Pero I consider this day as a SHAME DAY. Dahil na rin siguro sa pag-aacting sa Freedom Park sa harap ng mga mapanlait na baklang mata. Lalo na nuong ni-recite namin ang Alphabet ng malakas, talagang nakakahiya.

Kahit nakahihiya, maraming nangyari at bumalik sa aking alaala, mga taong nakausap na dating inaakalang dudurog sa akin, makipaghalubilo sa mga taong hindi ko kilala atbp...

No comments: