Kahapon, December 24, 2007, 9:30 p.m., ako ay dumiretso sa simbahan upang tapusin na ang Simbang Gabi. Pagkatapos ng 8 araw ng paggising ng madaling araw, narito na ang ika-9 araw. Astig lahat ng preparations. Marami-rami ring tao. Sa dami, isa ako sa mga nakatayo. Masaya ang lahat. Napaka-solemn, holy at historic. Pero isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang gumulat at sumira sa seremonya...
Tumingin ako sa orasan ko, 22:50. Paglingon ko sa altar, isang pigura ang aking nakita. Lalaking naka-pula. Medyo maliwanag ang aking paningin kaya nakita ko ang mukha ng lalaki. Isa siyang diablo. Tumingin muli ako. Hindi siya dyablo, isa siyang gorilla. Pero duda ako. MAy naalala ako sa kanyang pagmumukha. Isang demonic figure siya. Madumi ang lalaki, naka-pula at tumatawa. Tinignan kong maigi. Imposibleng may gorillang nakapasok sa simbahan! Mukha man siyang dyablo, isa siyang tao. Naalala ko yung larong ilalabas sa January 1. He/She is MOTHERVICTOR. You read it right. Victor Gaspar III. Kaya pala siya nandun dahil isa sa choir ang nanay nya. Hindi na ako nag-atubili lumapit dahil masisira lang ang solemnity ng mass...
Hindi na ako magkukwento ng nangyari nang sumapit ang 2400 hours. Dahil baka mainggit lang kayo at magresult sa pag-kidnap nyo sa akin. Pero ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga bumati, nagbigay ng regalo, nakaalala at kahit sa mga nang-api, nanuri, nagbigay ng kapintasan, nainggit, nabilib, nagtraydor, nagsukab, kumalimot, nagbubulagbulagan, nagbibingihan, sa lahat ng manhid, tanga at estupido at kahit na sa mga nandumi ng polo ko at naninira ng pangalan ko. Salamat pa rin dahil may pasko.
Bago matapos ang post na ito nais ko kayong bigyan ng palaisipan. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ni Akon at Victor?
Tuesday, December 25, 2007
Ang Huling Gabi...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:11 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment