Wednesday, December 12, 2007

La Homme Sans Identite

Last Episode

Lumapit si Norman at Louie at agad na itinago ang hawak
"Ano yun?" mausisang tanong ni Norman.
"Ano, yung hawak ko?" kalmadong sagot ni Ken
"Ano yun? Parang makinang eh!" dagdag ni Louie na may himig na nang-gagago
Dahan dahan nilabas ni Ken ang isang relo na mula sa na-raid na store. Peke ito pero makinang. Nakasilid ito sa isang plastik na ginagamit sa imbestigasyon.
"Relo?" pagkagulat ni Louie at Norman.
"Gagamitin ko ito sa imbestigasyon ko kung sino ang mastermind sa nasabing smuggled fake goods." sagot ni Ken
"Ay, Man, samahan mo muna ako kay Henry." anyaya ni Louie
"Sige na Ken, sana mahuli na natin yung pinakautak ng gang dito lalo na ang kumidnap sa asawa mo." sabi ni Norman.
Umalis na ang dalawa. Habang naglalakad...

"Muntikan na mawalan ng aasawa si Ken pero ganon pa rin siya, hindi pa rin nya isinusuko ang dyamante."paliwanag ni Norman
"Ewan ko ba kay Ken! Siyanga pala, pansinin mo si Henry sa mga sumunod na araw, mukhang tuliro." pag-ayon ni Louie
"Bago ibigay ang dyamante, narinig ko ang pagkainggit ni Henry kay Ken dahil sa pagkakakuha nito nung dyamante. Ang masaklap pa sinabi nya na kukunin daw nya iyon dahil bawal sa batas iyon." kwento ni Norman
"Teka, ibig sabihin may pagnanasa si Henry sa dyamante? Nahahalata ko ito pero tuwing kasama ko siya, minsan lang siya magsalita ukol sa dyamante. Laging nakatuon ang pansin nya sa misyon natin.." pagdududa ni Louie
"Pare, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa mundo. Lahat ng nakakaalam gusto nung dyamante!" balisang sagot ni Norman
"Maliban sa atin." sagot ni Louie
"Asan si Manuel?" tanong ni Norman
"Malamang andun sa ibang departamento. Ewan ko nga kung may gusto siya sa dyamante eh." sabi ni Louie
"Pare, hindi lahat ng inaasahan mo, iyon ang nangyayari. Minsan imposible pero yun pala." sagot ni Norman.


Ilang araw ang lumipas. Nag-absent si Norman sa pulisya. Wala siyang iniwan na note o nao man. Lumabas na lamang na patay na siya at ang hinihinala na pumatay sa kanya ay ang gang na hinahabol nila. Dahil sa pangyayari, tinanggal sa mission ang natitira pang pulis na sina Kenneth, Manuel, Louie at Henry. Nawala din ang dyamante na tinatago ni Ken at inamin nya ito kay Louie. Si Henry naman ang pinaghihinalaan ni Louie na nagnakaw ng dyamante. ISang araw nagkasalubong sila.
"PAre, sagutin mo nga ako." pagalit na pahayag ni Louie
"Bakit?" tanong ni Henry na tila bang natatakot
"Nasaan ang dyamante. Alam ko matagal mo na gusto ang dyamante. Pero kailangan mo bang magsukab sa ating kaibigan?!?!" Tanong ni Louie
"Hindi! Wala akong intensyon dun!" pagalit na sinabi ni Henry
"PATUNAYAN MO!"sagot naman ni Louie
Nagpaliwanag si Henry. Umalis si Louie at dumiretso sa kanyang kwarto sa pulisya. Nagdrawing siya ng diagram.

"Ken, Henry, Manuel at Norman. Patay na si Norman, slash. Si Ken ang nagmamayari, slash. Si Henry, umamin, slash. Si Manuel, hindi nakikipag-usap, slash. Walang natira kundi ako. Pero wala akong tangka sa dyamante! Iniwan ko na ang buhay kong ganyan noong nakaraang taon! Teka, ano nga ba ang unang nangyari. Ang pag-raid. Nakakuha si Ken ng dyamante. Ramdam ko na gusto ito ni Henry. Walang pakialam si Manuel. Si Norman, laging nagkukwento tungkol sa maaring kapalit pero wala kaming tangka duon... Tapos may nagkidnap sa asawa ni Ken. Maaring nagbigay si KEn ng pekeng dyamante dahil nasa kanya pa rin ang dyamante. Then, namatay si Norman at nakita ang bangkay na lamog. Si Henry, sabi hindi nya kailangan ang dyamante... Hindi kaya pakana ito ni Ken? Para maitago ang dyamante? PEro teka...... NGAYON ANG PAGSISIMULA NG PANIBAGONG MISYON."


Kinaumagahan, wala ng gamit si Louie sa mesa. Nagiwan siya ng mensahe na nakalagay "Goodbye Cruel World" at may initials sa ibaba na L.V. Napapabalita na rina ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao na hinihinalang may koneksyon sa gang. Nagalit ang Human Rights at ipinangako ang pagbitay sa gumawa nito. LAhat ng namatay ay iniiwan ng calling card na nakalagay BC-IHI-FAC. Akala nila ito ay isang pangalan, lugar nya at departamento sa pulisya. Makalipas ang ilang araw, namatay ang isang senador. May katabi siyang tape recorder na naglalaman ng kanyang kasamaan..
Pinaghihinalaan sa departamento nila Ken na si Louie ito pero pagkatapos niyang umalis ng opisina, tumawag siya at sinabing nasa probinsya siya dahil may karamdaman siya. Nakapagpaalam din pala siya sa Regional Director nila.

Tinawag ang killer na LHSI o La Homme Sans Identite. Isang salitang French na nagsasabing The Man Without Identity.

Ilang linggo pa ang lumipas habang naglalakad si Ken ay nagulat siya sa nakita nya. Ito ay ang bangkay ni Norman. Halatang kababaril lang sa tao.
"Shit! Patay na siya dati! Pero, siya talaga ito!" pagkagulat ni Ken
"Gulat ka no?" biglang litaw ni Louie
"Louie? Ikaw yan?" pagdududa ni Louie.
Hindi sumagot ang lalaki. "Narito ang dyamante mo. Siyanga pala, identified yang taong yan as Norman Legaspi, leader ng grupong hinahabol ninyo. Kumidnap sa asawa mo at nagtago sa mahigit 50 pangalan."
"Pero-"
"Nagulat ka dahil alam mong patay na siya. Isa itong kalokohan. Ang taong lamog ay isang tao na nagngangalang Lloyd Jose. Isa sa mga pulis. Pinatay siya ni Norman at ginamit na sarili nya. May kasabwat siya sa NBI para palabasing si Norman talaga ito. Pagkatapos, lalo nya pinalakas ang gang nya. Ang masaklap ang hawak mong dyamante ang tangi nyang gusto." paliwanag ni Louie
"Pero, kaibigan ko siya! Saka maari nya itong dukutin sa akin kahit kailan! Saka-"
"Yun ang akala mo. Gusto nya ang dyamante. Paano nya madudukot kung nagkukunwari siyang walang tangka sa dyamante?" kalmadong sagot ni Louie
"Ano bang meron dito? KAsi mahal siya?" mausisang tanong ni Ken
"Hindi. Iyan kasi ang kanilang natatanging bagay na maari nilang gamitin sa pagbubukas ng Vault nila sa Gregg Bank. Ang vault na naglalaman ng milyong-milyong dolyar."
"Pero- Teka! San ka pupunta?!?! May itatanong pa ako!"
"Tama na. Aalis na ako. Umalis ka na para hindi ka masisi." sabi ni Louie habang naglalakad palayo.
"Anong pangalan mo?!?!" pasigaw na tanong ni Ken
"LV 107"


Kinaumagahan, nakita ni Ken ang note ni Louie bago siya nag-resign sa pagiging pulis. Mga kaibigan ko, AALIS AKO DAHIL ako ay may sakit. MERON PANG MISYON tayo dati na AKO ang namumuno. Sana ay okay lang kayo. ITo nga pala ang ID number ko, 23989613. LV

Agad tumakbo si KEn sa kwarto nya.

"LV? Tapos 23989613, BCIHIFAC. Shit. At yung mga all caps na letters... Hay naku Louie..."

No comments: