Hahahaha! After almost 5 months [hindi pa kasama ang mga dati kong laro sa computer shop] Natapos ko na ang San Andreas ALL BY MYSELF!!! Napakasaya ko talaga at napakadrama ng ending. Namatay si OFficer Tenpenny ng walang ka-kwenta-kwentang pagkamatay. Nalaglag lang yung firetruck na sinasakyan nya. Namatay siyang nakabuka ang bibig.
Ang ending ng San Andreas ay credits na napakahaba. Hindi ko lang naintindihan yung ginawa ni CJ habang nagkakasayahan sa bahay. Nagtanong si Kendl [ang kapatid nya] sa kanya kung saan siya pupunta. "Just hitting the block. See what's happening"
Ayun. Grabe. Napaka-saya ko talaga. Natapos ko na ang San Andreas!!! Wahahaha! Astig yung laro kasi nagpapakita ito ng determinasyon. Umunlad kasi si CJ. Ang gagawin ko nalang ngayon ay manakop pa ng territories at i-date ang lahat ng girlfriends ko para magkaroon ako ng 100% Saved GAme. Tatapusin ko na ang Taxi, Vigilante, Emergency, Trucking Missions pati na rin ang Schools, gagawin kong Gold lahat.
Sa ending, hindi na suportado ni CJ si OG LOC kundi si Madd Dogg na kaya si MAdd Dogg ay meron nang gold record.
Ako ay lubos na nag-enjoy sa laro at hinihintay ko nalang ang paglabas ng GTA IV at GTA V!
Sunday, December 16, 2007
End Of Line
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:25 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment