Isang madramang istorya ang aking ginagawa alang-alang sa kabutihan ng paaralan. Hintayin nyo na lamang ito lumabas dahil ayoko na magkuwento. Nakakatamad gawin ang mga bagay na nakakasira sa aking paglalaro. Ayoko na mag-enumerate. Pero dahil ako ay nagbyahe, may mga bagay akong nakita na unti-unting nagpapalinaw sa aking isip....
11 months ago, ako ay nanaginip. Well, hindi ito nakakatawa. Katunayan, nagsilbi itong palaisipan sa akin at hinanap ko ang lugar na ito. Nanaginip ako na ako ay nasa isang paaralan. Actually, hindi ko pa napuntahan ang paaralan sa buong buhay ko. Ang buong akala ko isa itong kathang-isip. Isa siyang paaralan na kung saan, ang uniform ay katulad ng sa Japan. Nakita ko lamang ang pasilyo ng school, ang kanyang gardens?, parang sumisibolo ito ng kayamanan at kapangyarihan. Lahat ng naglalakad ay mayaman. Actually, sikat ako. Medyo malabo ang paningin ko sa logo ng school pero may nakita akong touch of green. Ilang buwan ko ipinagtanong ang deskripsyon na aking nakita. Hanggang sa may nakapagsabi na ito daw ay ang De La Salle University sa Taft. Nung nakita ko yung university, somehow pareho siya. Hindi ko masyado nasilayan kasi ang bilis ng sasakyan. Ngayon, dahil na rin sa traffic, nakita ko ito ng maigi. Sakto ang pasilyo, mga upuan at ang gate. Parehong-pareho. Hindi ko pa rin maintindihan ko ano ang ipinapahiwatig nuon.
Pauwi na ako. Pagkasakay ko ng jeepney, isang mama ang biglang sumakay at bumati ng Merry Christmas sa driver. Sa aking pagaakala, isa siyang sira-ulo na ayaw magbayad kaya inuuto niya ang tsuper. Magkakilala pala sila, drunk lang siya.
Meron na lamang 3 araw bago sumapit ang kapaskuhan at ilang araw na lang tapos na ang Simbang Gabi ko.
Saturday, December 22, 2007
Umuwi ka na, hinahanap ka na ng ama mo....
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment