Ito yung character na pinagawan sa amin ng script. Katunayan, hindi Gaspar at Victor kundo Pedring at Lukring. Wala rin sinabing malaki ang tiyan ni Pedring. Ang inaakala namin na nakaka-bagot na pag-aralan, ngayon, may natamo kami.
English Time, Mga 10, naisip namin ni Kuya Leonel [as everybody call him] na sumali sa Scriptwriting. Dahil na rin siguro sa katamaran magklase. We didn't expect for better at wala sa isip ko matuto.
Pagkatapos ko kumain ng 5 minuto, tumakbo ako sa may Mini Center. Nakita ko ang direktor ng Haw-Ang. Siya ang instructor.
Pagpasok, bumalik lahat ng adrenaline ko sa pagsusulat. Dahil nga sa gayon, Premise pa lang, mahirap na. Pati event at story. "Ang event yung pisikal na nangyayri, yung story, ito yung may premise." so yun na nga. For the first time. Naka-attend ako ng seminar kung saan hindi ako inantok. Pero sumakit lang yung ulo ko. Tumagal ito ng almost 4 hours. Pero astig. Natuto akong mag-imbento ng istorya.
TO make the story short, worth it naman yung punta ko. Yung inaakala kong waste of time, may pakinabang naman.
MOst importantly nalaman ko ang tunay na mensahe ng Haw-Ang. ISang paglilinaw sa inaakala ng lahat. ANG HAW-ANG AY HINDI TUNGKOL SA ISANG MADRE. ITO AY TUNGKOL SA PAGKABABAE. Na-realize ko based on it's scripts na pinapakita nga nito ang pagkababae...
Pauwi na rin ako. Ansakit ng ulo ko. Parang pinipiga na magbigay ng dramatic event. Nakasabay ko nanaman si Bb. Virgino. Yun nga lang hindi na ako nakapagpaalam o nakabati dahil talagang ansakit ng ulo ko. Pasensya na.
PAGUWI KO natulog muna ako. Kagigising ko lang ngayon. Sakto naman pagkabukas ko inabutan ko si ******. Siya ang taong una kong inibig bago pa ang PC ko. Hindi ko napansin ang kanyang presensya. Marahil ay dahil na sa aking masakit pa ring ulo. Nag- Message siya sa akin..
********* *******:musta na po?
May pumasok na bagay sa isip ko. "ganun na naman? Di bale na at least naabutan ko siya after 6 months of everyday existence ko sa YM.
Hindi na rin kami nakapag-usap ng matagal. Pa-logout na siya. Siyempre, meron na naman akong bagay na hindi nasabi. Failure na naman.
Katunayan, minsan kailangan kong gumamit ng Internal Conflict o Silent Conflict. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung tanga o gago ako. Pero yun nga hindi na talaga magbubukas ang puso ko. Well dahil na rin siguro sa mga pangyayari last year tuloy pa rin hanggang ngayon. [wag nyo nang pilitin tarukin] Kaya nagsara na ang puso ko. Wala ng pag-ibig. Malamang pag-ibig sa diyos at sa tinubuang lupa. Pero ayoko na magsinta ng isang "binibini".
Pero minsan, dahil nga tao lang ako, humahanga din ako. Pero ang prinsipyo ay prinsipyo. Siguro, isang tao lang ang makakabali ng prinsipyo ko about this. Si God. Kasi ayoko na maghanap pa ng mamahalin. Hahayaan ko siyang maghanap at iabot ito sa akin [LITERALLY] [intindihin nyo. Malalim ito]
Wala talagang kwenta akong nagawa sa buhay ko. Pero at least hindi ako nag-klase, nag-enjoy pa ako.
Monday, December 17, 2007
Si Gaspar edad 40 pero kakikitaan ng malaking tiyan, mukhang kotong cop, ayaw sa mga bakla. Si Victor III, estudyanteng bakla na nasa edad 13.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:36 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment