Sunday, August 17, 2008

What in the WORLD???

Hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap geometry kong libro... Lintik talaga...


Tapos sunod-sunod pang problema. Kaninang umaga, nilagnat ako ng mataas. Umabot ng 40 degrees Celsius yung aking temperature. Alam ko na yung dahilan. Nagkaroon pa ako ng cough. Pero ayoko na ikwento kung why pero I know the primary reason. Actually hindi pa maganda ang pakiramdam ko though I try to be good. Kasi nga "That I would be good if I got and stayed sick".

Andami kong nabiling DVD. Nauna ko nang pinanuod yung Dark Knight. Nasiyahan naman ako. Tapos sa pc na ako nanuod nung GOdfather. Sa kasamaang palad, nag-lag ang pc at di na natuloy ang panunuod ko. Tapos lag na rin yung CD, di na magplay ng matino. Parang moving pictures na lang pinapanuod ko ambagal pa ng interval kaya bukas ko na lang itutuloy. Connected talaga yung Godfather na laro sa Godfather na movie. Yung movie 1. Kasi nga sa GOdfather na laro, ikaw yung player. Meron kasing mga utos sa Godfather Movie na nirerelay sayo sa Godfather na laro na siyempre wala sa movie. Halimbawa na lamang ay yung pagplant ng baril sa CR. Sa pelikula, di pinakita kung sino gumawa nun pero sa game ikaw yung gagawa nun. Basta connected sila.


Andami ko pang aayusin. Para kasing binagyo yung table ko at kwarto ko dahil sa exams.

Anyways, tamaan na ang tamaan wala akong pakialam tutal wala na rin namang mawawala pa sa akin...

These days, marami ang insensitive. Sensitive sila para sa sarili nila na masabihan mo lang ng lol ay akala nya minura na siya. Pero para sa ibang tao wala siyang pakialam kahit murahin nya ng gago. Bakit ko ba na-tackle ang issue na to? Dahil na rin siguro sa sandamakmak na troubles ko. Napagisip-isip ko na bakit nga ba may insensitive na mga tao? Yung iniisip lang nila eh yung part nila samantalang yung sa iba ay isinasawalang bahala na nila? Yeah, such people exists at marami sila...

Of course, as I know, hindi ako ganuon ka-insensitive. Siguro nagkukunwari ako minsan na wala lang pero sa totoo lang meron akong nararamdaman nun. Firstly, hindi espesipiko yung binigay ko kaya kahit sinong magbasa nito basta masyadong insensitive eh tatamaan. Bahala ka kung maapektuhan ka. Eh kung sa wala ka ba talagang pakialam sa pakiramdam ng iba eh. This time, I'll be insensitive into what you might feel. (hahaha.. ramdam ko tinatamaan ka na)

Bakit nagexist ang Noli Me Tangere? Di ba dahil sa insensitivity ng mga kastila na nahihirapan na ang mga Pilipino pero tuloy pa rin sila. Just to get wealth, power, fame ginawa nila ang lahat in the expense of the Filipinos. Why do heroes exist? Dahil din sa mga insenstive villains na walang pakialam basta makapatay lang at maenjoy ang pagiging villain. Maraming kaganapan sa mundo na nagmumula lang sa insensitivity.

Ang insensitivity ay hindi lang dahil sa words. Maybe hindi ko mauuri na insensitive yung tao na sabihin na "Alam mo ba mukhang gago yung artistang si Daniel" at ako yung fan nya. Okay lang yun. Opinyon mo yun eh. Wala akong pakialam. Pero yung tipong ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo tapos papakita pa sayo at mapagaalaman mo pa na parang wala ka pa ring ginawa. Si Anne Frank, bakit sumikat ang diary nya? Kasi wala siyang mapagsabihan ng mga nararamdaman nya. Isa pa, naging insensitive din yung mga Nazis sa nararamdaman ng mga Jews. Pero kailan lang nalaman na may diary pala si Anne Frank? Nung nakita lang ito ng kanyang ama. Isa pang halimbawa, yung pagtitipid. Kung titingnan, parang napakaogag ng isang tao na may baong P100 araw araw na bumili ng 5 pandesal pang tanghalian. Pero yun pala nagiipon siya. Ganun kasi lahat ng bagay. Makikita mo lang ang katotohanan sa dulo. Habang nagiipon siya iisipin mo na napakalaki nyang tanga, Pero pagdating ng dulo masasabi mo na "ah, di pala tanga to. MAS TANGA AKO."

Nararamdaman ko na napakaraming insensitive beings na nageexist ngayon. Kung bakit hindi ko alam. They think only for themselves but never for others. Ni hindi nila binigyan ng pagkakataon marinig ang panig ng kabila. Kasi nga kahit anong mangyari naman sila pa rin ang powerful sa tingin nila. Mas superior kaya why do we care for others? Isang magandang halimbawa, isang magkaibigan. si A saka si B. Si A pinabili si B ng kendi. Ngayon si B bumalik at walang nabili. Nagalit si A at pinarusahan, minura at pinatay si B. Hindi man lamang inalam ni A kung bakit di nakabili si B. DI nya binigyan ng pagkakataon ito. Ang sa kanya, nagalit siya kaya nya pinatay si B. Yan talaga ang palaging pinagmumulan ng paghihiwalayan ng magasawa, magkakapamilya, magkakaibigan at pagkakaroon gn rebolusyon. Insensitivity. Kung ang nobya/nobyo mo, asawa mo, kaibigan mo, insensitive din sayo ang pamahalaan sa mga hinaing mo bilang isang mababang manggagawa, disaster talaga ang mangyayari...

Ayun. Tinatamad na ako magkwento sa mga insenstive. Bahala na sila. Kung gusto nila magsuicide e di gawin nila. Pucha.

No comments: