Friday, August 1, 2008

How Hard it is to Lose Something you Worked For...

Medyo malungkot ako ngayon...

It's not about "her" or anyone. It's about my videos. As you see, puro pardoy ang trip ng buhay ko. Pero nga dahil sa kaganapan ngayong araw na ito na ayoko nang ikwento, ayun, dinelete ko ang mga videos na pinaghirapan ng iba kong ka-members sa 3rd Avenue Productions. Hindi ko na iniwan pa iyon. Dinelete ko na. Wala rin akong copy nung mga videos sa PC ko. Kung meron kayo, good for you kasi deleted na at hindi nyo na makikita ang MOST DISCUSSED na tawa.

Bawat hagkis ng panitik sa pambansang kamalayan...

Napili ang konsepto namin. Ang pinagisipan at pinagnilaynilayan ay nagkaroon ng fruit. Pero hindi ko sinabi na mataas ang grade natin. Ang sinabi ko lang, napili ang konsepto ng aming grupo. Di ko alam kung sinong lalaban sa taas. Pero ito lang, NO HARD FEELINGS...

Lam nyo ba, nung nakita ko ang presentasyon ng kabilang grupo, gusto ko na bumalik ng HQ. Una, nakumpleto nila ang sanaysay samantalang kami kulang, maraming mali at hindi ganuon ka-ganda ang execution. Hindi ako nagkaroon ng hard feelings. Kahit ang team namin, wala. NO HARD FEELINGS TALAGA. Pero this time, this is NOT AN INTUITION. Based kay Arsene, marami daw ang masama ang loob. Di ko alam kung anong dahilan. Pero wag naman sana ganun. We all played fairly. Sabihin man ninyong may tumayo na ST dyan sa tapat namin, WE DID NOT GET ANY IDEA. SARILING IDEA LAHAT. Malinaw nanaman. Kaya grabe na rin ang galak ko ng mapili ang aming konsepto...

Anyways, sino yung balak lumaban sa kolehiyo?


Good Days ata ngayon ng kaunti. Una kasi nga napakaganda "nya". Tapos pangalawa ayun nga, yung kaganapan sa Sabayang Pagbigkas. Tapos may mga iba pang nangyaring kaliga-ligaya...

Merong updates sa 2 cases na pinagaaralan ko...


SEATMATE'S CASE

This time, hindi nangyari ang pagiging malapit ni Dencio kay Mara. Base kay Arsene, habang ang HIGH SCHOOL DETECTIVE ay wala, siya muna ang pina-take over ko. Meron siyang mga bagong report at narito ang isa...

Nakaupo si Mara sa labas ng kanilang opisina. Dumating si Dencio na may hawak na isang bagay (ayoko sabihin yung bagay, kung magbasa nya, alam na nya na siya si Dencio). Nilalapit-lapit ni Dencio kay Mara ang bagay na nabanggit. Siyempre hindi maiiwasan na matuwa si Mara na hindi ko alam kung ikinatuwa ni Dencio. Medyo may MUTUAL AGREEMENT na napansin si Arsene, pasimpleng kalabit ang lahat ng naganap. Pahawak-hawak sa kamay atbp. Isa pang pangyayari, minsan nagtatrabaho si Mara sa kanyang desk ng dumaan si Dencio sa cubicle nya at kinalabit si Mara sa ulo. Hindi nila alam na may poging matalino at mautak na ispiya ang nakatayo at nagmamasid, si Arsene. Sabi ni Arsene, ginagawa lang ni Dencio ito kung 1. Ka-tropa nya yung kaganunan nya or ikalawa, may pagsinta siya sa tao. Ano nga kaya? Yun pa rin ang katanungan. May pagsinta ba si Dencio kay Mara? Vice versa?

Sa ngayon parami ng parami ang clues. Parami ng parami ang mga information na naeespiyahan ni Arsene. Pero malayo pa ata ako sa kasagutan...


THE FUGITIVE'S CASE

Meron na tayong 3 suspects namely, Scalene, Mario Pozo and Cent. Base sa huling investigations, lumaki ang percentage ng kay Scalene na may 55% possibility, kay Cent na may 30% possibility at hindi pa rin nawawala si Mario Pozo with the 15% possibility. Dahil na rin ito sa masusing pageespiya ni Arsene sa mga kaganapan at mga bagay na nagagawa ng pasimple. Pero ngayon, may bagong suspect. Paano nagformulate ang bagong suspect? Mayroong mga napapansin si Arsene this days, about sa mga bagay bagay na umiikot TECHNOLOGICALLY. Isinawalang bahala ito ni Arsene at inisip na pangtitrip at pabiro ang lahat. Pero isang araw, habang nakaupo si Arsene at nagmumuni-muni, may narinig siyang conversation. And it involved this new suspect. Medyo di naman nagrereact ang listener pero may mga reactions siya na nagsignify na pwede ngang maging suspect ang taong ito. Kung sino siya, siya ay si...
Vladimir- Si Vladimir ay maaring maging suspect dahil kakilala siya nung taong iniimbestigahan mula nuon hanggang sa nakilala ni Arsene ang iniimbestigahan. May possibilites na si Vladimir dahil na pwede rin na totoo ang pangaasar, saan nga ba galing ang pangaasar kundi sa mga "MEDYO KATOTOHANAN". Siya ang bagong suspect. Si Vladimir, si Cent, si Mario Pozo at si Scalene ay magkakakilala. Di nga lang nila ganun ka-close si Vladimir. Medyo may kakapalan ng mukha si Vladimir sa pakikipagusap TECHNOLOGICALLY pero malay natin kaya naging ganun dahil na rin may hindi pala nalalaman ang HIGH SCHOOL DETECTIVE sa tulong ni Arsene?


Kung mapapansin, nadagdagan nanaman ang suspects, pero bakit wala pang sagot?


Sa ngayon, wala pa akong naisarang kaso sa 2 ito at medyo matagal pa siguro...

Nadagdagan na rin ang CO. May 2 bago at isang bumalik.

No comments: