Di ko maintindihan talaga kung coincidences ang mga nangyayari pero ayos lang... Medyo nagulat lang ako ng kauti...
Ganito kasi ang representation na istorya...
Ang Germany ay nawalan ng contact sa Pilipinas nuong May 16. Ngayong araw na to at oras na to, ang presidente ng Germany ay naglalakad sa palasyo ng biglang lumapit sa kanya ang tauhan nya. Medyo masaya ang presidente at nagulat siya ng nakareceive siya ng isang message mula sa Pilipinas. Sa tagal nga nawalan ng komunikasyon ay akala nya nawala na ng Pilipinas ang kanilang Diplomatic Relations.
At ganun nga ang nangyari...
Anyways, habang nasa LRT ako, bound for Cubao, nakita ko itong quote na ito... This was originally written in Spanish...
Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran,
Alalahanin mo ako
Dahil hindi mapapagod sa paghihintay
Itong walang sawang tumitingin sa 'yo.
Natutuwa lang ako. Tapos nung pauwi, meron na akong nakita. This time kinuha ko na yung Spanish Version.
Tú justificas mi existencia:
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito:
si no te conozco, no he vivido;
Kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay;
si muero sin conocerte,
Kung ako ay mamamatay nang di kita nakilala,
no muero, porque no he vivido.
Hindi ako mamamatay, dahil hindi ako nabuhay.
So sa ngayon, wala pa akong na-accomplish na bagay... Puro computer, pelikula at TV ang inatupag ko... Kahapon naman bumili ako ng Type A..
Ang mga Kaganapan sa tapat ng FEU...
Alam ko nung Friday, sabi ko mga 1 na lang magkita kita para lahat nakakain na. Tapos kinagabihan nagtext ang iba kong ka-CO na 9 daw sila pupunta kasi magpapamdeical pa sila. Sinabihan ko silang mauna na. Dumating ako ng PUP at around 12:35. Nakita ko si Migraso sa labas ng gate. Nagusap ng matagal at lumabas nag 3 CO na naka Type-C. Ito ang hinaing.
Clarin:Ui, kanina pa kayo? Nung oras kayo nandito?
Martino: 9 pa kami dito, wala pang kain.
Bautista: Ako 8 pa.
Maglinte: Gutom na nga kami eh
Migraso: Asan na sila?
Martino: Nasa HQ
Maglinte: Tara kain muna tayo
Martino: Sa Jolibee lang kami.
Naghintay uli kami ng ilang oras o minuto hindi ko alam. Kasama namin yung nagtitinda ng mga sim. Marami kaming napagusapan. Katulad ng ilang cases ni Codus. Isa ang seatmate's case. Tapos marami pang iba. Maya-maya pa lumabas na ang iba pang mga CO na naka-uncover (di tulad nung unang 3 lumabas, naka Type C) maliban sa isa. nagdala din siya ng friends. Tapos dumiretso na kami sa Jolibee. Wala ang naunang 3. Naghintay kami ng ilang minuto at dumating na sila. Sumakay na kami ng jeep at dumiretso sa patutunguhan.
Nag-canvas sa 2 tindahan at dahil medyo tinamad na ay bumili na rin. Nakumpleto ko na lahat lahat ng kailangan bilhin. At bumili na rin ang iba. Ang iba naming kasama, sa ibang store bumili. Meron na rin akong name plate na nakatahi sa aking uniporme. (actually sinukat ko lahat and okay. Parang nakakatuwa na suot mo ang isang coat na may tatak ng pangalan mo at ang magkakasal sa iyo sa iyong profession.) Anyways, medyo nasiyahan ako at nakaramdam ng fulfillment. Nagusap-usap kami at meron ding mga hinaing na nailabas, samaan ng loob at mga kwentuhan. Marami ring issues ang nabunyag, mga buhay na napakialaman atbp. At umuwi na kami...
Tapos ngayon, wala ako masyadong maikwento. Una kong napanood mula sa pirated ang Dark Knight na di ko maintindihan ang ending kung patay na si Joker or what. Tapos yung Hancock naman na happy ending. Yung Godfather, di ko pa natapos. Tapos kahapon, pinanuod ko yung Indiana Jones. Happy Ending din. Tapos ngayon, dahil sa boredom, pinanuod ko yung Codename:Asero. TV Series yun. Hindi kumpleto, siraulo pa yung nagpirate. May mga parts na nagdidilim, nagiging abnormal, napuputol etc. Hanggang duon lang yung video sa tinawag siyang Agent Asero. Astigin din yung istorya at hindi nakakabagot na puro kwentuhan at baklaan lang. Ewan ko kung mageenjoy kayo kasi nageenjoy ako kahit nakaka-asar yung nag-pirate eh.
Tapos may mga announcements pala... Sa Entrepreneurship lang to. Sa iba, ewan ko, gawa kayo sarili nyong anunsyo...
ANUNSYO!!!
Sa Agosto 28, Huwebes, kailangan daw naka pang-Pilipinong kasuotan. Araw ng wika daw sa LHS sa nabanggit na petsa. Ito ay para sa lahat ng antas at seksyon. Walang pinipili. Walang sinabing parusa kung hindi sumunod (kasi di ko alam kung kanino manghihiram ng kasuotan.)
Tapos ikalalawa, kailangan natin ng magiging kalahok sa pagmomonologo. Kung ikaw ay taga III-Entrepreneurship, may talento sa pagsasalita magisa at gawain magsalita magisa, kumuha na ng sariling piyesa na kaya mong iprisinta sa loob ng 3-5 minuto at sabihin agad sa ating pangulo. Isa pa, kailangan din ng ipanglalaban bilang Lakan at Lakambini. Kasi ang napagbotohan nuon na Lakan ay si Cyrus Ignacio at ang Lakambini o lakan din ata ewan ba ay si Phil Jalandoni Maglinte. So baka magkaroon muli ng eleksyon para sa usaping ito.
Ikatlong anunsyo, para ito sa lahat. Kung wala naman kayong gagawin sa Miyerkules, Agosto 27, maari kayong pumunta sa PUP at dumaan ng LHS.
Ikaapat na anunsyo, NAWAWALA NA TALAGA YUNG LIBRO KO SA GEOMETRY. Hinanap ko ang bawat sulok na pwede nyang paglagyan ngunit bigo. Ang tanging alam ko na lang na hindi ko pa nahahanap ay sa mga estudyante sa buong LHS. Alangan namang isa-isahin ko yun. Pero kung sinuman talga ang kumuha nun, sana naman makonsensya ka na. Ibalik mo na yung libro. Kung makita man ito, pakibalik sa akin kaagad, mayroong naghihintay na malaking pabuya.
Ikalimang anunsyo, MABUHAY ANG PILIPINO!!!
Tama na ang anunsyo, wala nang kwenta.
PEro totoo lahat ng nakalagay dyan.
Sunday, August 24, 2008
Coincidence?
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment