Buti pa ang sandwich, masarap kapag pinagpatong patong mo. Di tulad ng buhay, kapag problema ang patong patong di na masarap. Para siyang sandwich na nilagyan ng mayonnaise at ketchup, hot sauce, vinegar, fish sauce, lettuce, mga dilis, liver spread at coco jam. HIndi masarap...
Academically and "skill related": ang dumadatal na problema sa akin ngayon. Skill related referring to school pa rin. Sabi nga ng uncle ni Spiderman, "The greater the power the greater the responsibility". Kaso wala ka pa ngang power, anlaki na ng responsibilidad na naka-atang sayo. Pero okay lang yan. HIndi lang yan ang mga suliraning kakaharapin ko. Wala pa ako sa climax ng nobela ng 3rd year ko...
Academically dahil parating na ang periodical exams and for sure, may tatambak na quizzes, chapter tests, exams and kung anu-ano pa. Ang masaklap, lesser ang time ko magbukas ng libro dahil na rin sa di ko maintindihang mga pangyayari...
Isa pang pinagtataka ko, parang ang bilis ng panahon. Parang nung isang araw lang, nakita ko yung mga bago kong kaklase sa Entre tapos ilang araw na lang tapos na ang 1st Quarter. ANg bilis talaga ng panahon. Ang bilis din ng panahon na nasilayan ko "Siya". Haizzz... Anyways, hindi pa naman ako todong nagaaral sa periodicals ngayon though pa-bukas bukas na ako ng libro.
Kung mapapansin, puro periodicals ang nasa utak ko. Yun kasi yung pinakamalaking issue ngayon na bumabagabag sa akin. Anyways, maiba tayo. Sa lunes, meron akong inaabangang signos. Signos na sasagot sa lahat ng katanungan na umiikot sa utak ko. Sana dumating yun.
May mga updates din sa 2 cases na pinagaaralan ni Arsene (dahil nga mageexam kami!)
THE FUGITIVE'S CASE
Technologically speaking uli, andaming clues. Pero yung clues walang pinatunguhan. Yung tipong may mga tooot and ******* pero di naman sakto yung bilang. Medyo di na rin maisip ni Arsene kung ilan ang tunay na nakakaalam about sa Fugitive's Case pero nakakaramdam siya na maraming nakakaalam. Ang ibang sources maliban kay Arsene ay hindi na rin gaano nakakapagbigay ng infos. Kaya nagkakalabuan. Pero merong designated time na darating na maaring malaman na ni Arsene kung sino ang Fugitive. Meanwhile, wala pang malinaw na pagpapahayag kung ano talaga.
SEATMATE'S CASE
MAy mga updates din dito. Ito nanaman ang isa pang scenario...
Napagalaman ng napakatalinong si Arsene na nagpadala ng sulat si Dencio kay Mara. Hindi direkta ang kanyang pagbibigay komento sa kariktan at ang paghanga nya kay Maria pero makikita ang nature ng sulat ay para duon talaga. Kung titingnan, para lang siyang isang pangaasar at joke or something na medyo may papuri. Pero kung kikilatisin ng isang utak ng katulad ng akin at ni Arsene, makikita na medyo may meaning ang sulat ni Dencio. Kung paano nakuha ni Arsene ang letter, ay dahil ito sa spying skills nya na di na dapat ipagkalat.
Ganito man ang naganap, dumadagdag lamang ito sa possibilities na iniirog ni Dencio si Mara. Sa ngayon, wala pang malinaw na pahayag at clues na iniirog din ni MAra si Dencio. Ito ay isang "WHAT IF" pa lamang. Pero yung pagirog ni Dencio at kay Mara ay naghihintay lamang ng klaripikasyon.
Dahil nga sa bago ang TV na 31" at flat (talagang pinaliwanag eh no?) siyempre mas maganda kung linawan din ang cable. Kung sinong nakakaalam ng oras ipapalabas ang mga "magagandang" palabas, paki-inform lang ako thru this site or thru my ym.
Sunday, August 3, 2008
Ang Buhay na Parang sandwich...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:13 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment