Meron akong update. Pero hindi about sa HK Case ngunit related din. Thief din siya pero wala na siyang case kasi matagal ko nang alam na thief talaga to.
Itatago natin siya sa pangalang "Pedro". Si Pedro ay isang master thief, mula sa pinakamababang bagay na pwedeng nakawin tulad ng papel, calculator, pulbos, salamin hanggang sa medyo mataas na pagnanakaw tulad ng scientific calculator, suklay na mamahalin up to money. Mula pa noon, si Pedro ay isa nang thief. Marami ang nawala lalo na sa pera na nag range mula P5-P500. Una, hindi ko inakala na meron palang thief na umaali-aligigid sa "grupo" namin noong nakaraang taon hanggang marami ang nagsabi na siya nga ay thief. This year, Pedro strikes back. Pero sa ibang pagkakataon. Ibang grupo na siya at thief pa rin. Isa sa mga nabalitaan kong bagong nawala ay pulbos. Sa ngayon, inaasahan ng Vintage Spy na marami ang mawawala. Pero wag naman lagi si Pedro. Siguro ang tanging paraan na matigil si Pedro sa kanyang thievery acts ay pagbili sa kanya ng tinapay.
Sa group ko ngayon, hindi pa naisara kung sino nga si Heisei Kaitou. Pero kahapon, narinig ko na maraming hinanakit ang iba kong kagrupo sa suspect na binigay ng isa kong signal na si Muge. Si Muge ay may kaya sa buhay. Pero sabi nga ng signal ko, si Muge daw ay palaging nakikialam ng gamit. Yun nga lang, wala pang balita na may nawala sa mga pinakialaman nya. Hindi hampas lupa si Muge at sa tingin ko, ginagalaw lang nya yung gamit nung mga taong naging close nya. And base nga sa variables na nabuo ukol sa HK Case, maaring ka-close ni Carlene ang thief na kumuha ng pera nya so hindi ko maiaalis si Muge. Marami ring galit kay Muge mula sa mga narinig ko. Dahil ito sa kanyang pagiging pala-hingi at pagtatampo sakaling hindi nabigyan. Pero hindi lang isa ang suspect ko. Meron pang ibang suspects...
1. Anim- Si anim. Primary suspect ng isa pang detective. Kung siya ang sisihin ko, wala pa akong clues na nakuha para gawin nya iyon. Pangalawa, kasama ko sa grupo mula nuong unang taon si Anim pero kahit minsan wala pang record siya ng thievery. Hindi man nakaaangat sa buhay si Anim, still hindi ko alam kung paano nya maisip na sakto pang kay Carlene ang mabiktimang bag.
Sa ngayon sila pa lang 2 ang suspects. Parehong walang malaking proofs na hinahawakan para maging sila pero malaki ang alibis nila na hindi maging sila. Everybody is a suspect. Maaring madagdagan pa ang suspects pero malalaman din ni Codus kung sino yung Heisei Kaitou.
Kahapon,
Narinig ko ang kinakanta ni Gianan with the lyrics, "Tik-tikman mo kamao, kamao..." Tapos naikwento nya yung music video nun. E di syempre pinanuod ko naman. Nakakatawa kasi yung description nya na parang mga "kalyeng rapper". Mukha silang gang na ewan. Tapos puro pasuntok suntok tapos ayoko na mag comment pa kasi baka gang bang-in ako nun.
Projects atbp...
Yung mga projects, yung sa Health, IT, at yung iba pang di ko maalala maliban sa sabayang pagbigkas ay di ko pa nagawa. Nagawa ko na yung sa IT at naipasa ko na. Sunod sunod kasi talaga. Tapos meron pa akong "bayarin" na 800 ata. Nakakaasar talaga. Pero what shall I do. Sa sabayang pagbigkas, meron pa kaming "unfinished business". Tapos periodicals na. May long test sa IT bukas na hindi ko alam ang coverage. Inaasahan ko na magsabayan din yung iba pang subjects.
Sa ngayon, hindi ko pa rin nagagawa yung pinapagawa sa BD. Tapos nagaaral uli ako mag-steno. Di ko alam bakit biglang nawili ako magaral uli ng steno at buksan ang nabili kong libro na Gregg Shorthand. Yung libro ni Anne Frank, di ko pa natapos maging ang cases ni Sherlock Holmes. Wala pa akong nai-rewrite dahil na rin sa hassle sa time. Yung flag, meron na akong na-pakiusapan ayusin yun.
Meron pa pala akong isang case na ginagawa... entitled...
THE LOCKER CASE
Nuong nakaraang araw, mayroong inabot sa akin si Migraso na mga sulat. Sabi nya galing daw sa locker namin. Tapos binasa ko ang mga nilalaman. Katunayan, may sulat duon para kay Gianan na naka-address as EFREIN. Ngayon, nalaman ko na mula pa noong ipinadala kay Gianan ang sulat. Dahil na rin sa clue na iniabot nya, alam ko na agad ang pangalan. Nagbigay pa kasi ng pahulaan mahuhulaan din naman. E di case closed na yung kay Gianan. Yung akin kasi, wala talagang clues. Wala kahit isa. And ang malupit pa, alam nya ang buong pangalan ko. Written in blue ink, naglagay siya ng codename. Pero yung codename ay hindi pwedeng clue dahil palagi na itong ginagamit sa pelikula, mula nuong grade 1 ako hanggang sa umabot ako sa ngayon. Hindi ko alam kung galing ito sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat na taon. Sa ngayon, walang variable na nabubuo sa utak ko.
Grabe ang laking chemical change na ginawa ng araw sa akin. Grabe talaga. Anlayo ng kulay ng paa ko sa braso ko.
Siguro magaaral na muna ako at ayun mamaya na lang siguro ako maguupdate...
Sunday, August 10, 2008
Each Group has a Thief...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:45 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment