FUGITIVE'S CASE
Halos case closed na ang naganap kanina. Ito ang representation ng scenario na ikweinento ni Arsene...
Nakaupo si Arsene at nagbabasa ng biglang napatingin ang lahat sa labas dahil naroon at nakatayo ang may-ari ng Dell Computers na si Joseph Dell. Siya ay multi-millionaire na nilalang na hindi naisip ni Arsene at ng high school detective na gawing suspect. Kasi si Dell ay parang malayo sa katotohanan. Pero dahil nga muntik nang ma-confirm at kitang-kita talaga ni Arsene ang lahat ng tingin ng tao kay Dell na tila SIYA ang FUGITIVE...
Siya nga kaya ang Fugitive? Ang may-ari nga kaya ng Dell Computers na si Joseph Dell ang Fugitive? Merong 70% possibility na si Dell nga si Fugitive based na rin sa scenario kanina. But of course, THE CASE ISN'T CLOSED pa rin...
Walang updates sa seatmate's case dahil inantok si Arsene. Pero si Dencio ay namataan ni Arsene na katabi ang isang babae during ng pagdating ni Manny Villar sa PUP. Ang babae ay itatago natin sa pangalang Gabriela. Si Gabriela ay matagal nang rumored kay Dencio at based na rin sa sources at galing na rin kay Arsene, alam ng mundo ang tungkol duon so walang case, walang issue. It's only between Mara and Dencio...
Kanina...
Dumating si Kgg. Manny Villar (based po ito sa nakabandera sa labas. Siguro Honorable yun kapag tinagalog, Kaggalang-galang), halos tapat ko lang dahil nga nakatayo lang kami sa may pinto. Pero wala lang. Parang just another human na dumaan at nakasalubong ko. Mahaba ang life story nya pero di ko na naisip ikwento.
Maraming kaganapan. Konti ang klase. Malapit na ang periodicals. Pero ang "kanyang" kariktan di pa rin kukupas...
Wahahahahahahahahahahaha
Monday, August 4, 2008
Almost Case Closed...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:02 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment