Thursday, August 21, 2008

Dahil sa Pizza Hut, na-cut yung klase...

Grabe. Kahapon wala ako dahil nilagnat ako ng 40 degrees pababa (mga hanggang 38). Tapos ngayon, pinilit kong pumasok at habang tinatype ko ito, under nanaman ako sa 40 degrees Celsius (based on last counting).


Kahapon...

Bumagyo ng malakas. Pero di pa rin sinuspend yung klase. Napakasama din ng pakiramdam ko na parang merong ibang element na sumanib at nagcover ng aking pagka-Daniel. Kaya di na ako nakapasok. Na-suspend daw ang classes. Anyways salamat pala kay Larah sa pagpasa ng aking Post Test sa aming presidente at pagaayos ng Pretest ko. Tapos salamat din sa mga sumagot sa tanong ko kung anong takda. Pero anyways merong bad news na dumating sa akin.
(puro representation uli)

Di ko alam kung kailan ito nangyari pero kahapon ko lang nabalitaan. Isang "transmitter" ng Vintage Spy ang nasira at bumagsak. Malaki ang sinira nito including na ang mga "palayan, kabahayan at ang buong komunidad". Nawalan ng signal ang Vintage Spy maging ang buong community. Though meron pang ibang transmitter na nakatayo at nagbibigay pa rin ng signal, ito kasi ang pinakamalaking transmitter talaga. Pero meron pa namang ibang transmitter na nageexist.

Anyways, siyempre kahapon nagpahinga lang ako. Natulog, natulog, kumain ng kaunti, nanuod ng kaunting TV, tapos nagpahinga uli. In short wala akong nagawang productive.

Ngayon...

Di maganda pakiramdam ko. Pinilit ko lang talaga pumasok. Alang-alang sa lahat ng bagay. So kahit nanghihina, pinilit kong tumayo. At nakapasok ako sa school.

Sa buong klase medyo nanghihina pa ako... Tapos sumabay pa yung mata ko. Na-cut yung klase ng 3 at nagkaroon ng kaligayahan sa mukha ng iba kong mga kaklase. Yung iba masaya, yung iba ewan. Tapos naguwian na. Dahil nga sa sobrang sakit ng mata ko, nauna na ako umuwi. Iniwan ko muna yung iba kong ka-CO. Sana talaga naghintay na lang ako kaso ayun nga, yung mata ko kasi... Haizz...

Pero dahil nga sa pumasok ako, merong updates...

SEATMATE'S CASE

Obviously, Case Closed na ang first question. Yung "May pagsinta nga ba si Dencio kay Mara?" Ang sagot ay yes. Actually Dencio is courting Mara. Kani-kanina, around 3:30 p.m. kanina, huling huli sa mga mata ni Meintaite Codus ang ginagawang pag-court ni Dencio kay Mara. Base kasi sa narinig ko at napapansin ko, ganun siya mag-court. And sakto sa lahat ng speculations na binigay ang naganap. Di ko alam kung inanyayahan siya ni Mara na sumama o siya ang nagprisinta na sumama kay Mara. So ngayon the first question is CLOSED. Yung ikalawang tanong, yung "vice versa", walang matibay na proofs.



FUGITIVE'S CASE

Tumaas ang percentage ni Scalene over kay Vladimir. Base sa isang signal at observations, nakakakuha na ng 65% si Scalene at paghahatian na nila Cent, Mario Pozo at Vladimir yung iba. Bigo si Vladimir. Pano ba yan?

Medyo tinatamad na ako... Tapos ang sakit pa ng ulo ko... As of now goodnight... Saka na yung ibang updates...


P.S. Anyways, about pala sa title? Kasi sakto talaga pagdating nung Pizza Hut delivery, nag bell na naghuhudyat na uwian na.

No comments: