Haizzzz....
Why haizz? Andaming hahabulin. Tambak uli...
Medyo busy ngayon. Una kasi yung Sabayang Pagbigkas. Ikalawa yung mahabang pagsusulit sa asignaturang Pilipino. Ikatlo ay yung unang markahang pagsusulit. Sabay sabay lahat ng suliranin. Pero hindi ko na nanaisin pang isalaysay ang iba pang mga suliranin.
Meron muna akong kwento o maari na ring tawaging "makahulugang tanong"
Isang lalaki ang nakatayo sa gitna ng entablado. Maari ring tawaging "platform" dahil na rin sa hindi naman ganuon kataas ang entablado. Meron lamang maliit na pagkakaangat sa sahig ang ginawang entablado. Habang siya ay nasa entablado at nagpapakita ng kanilang pinaghandaang presentasyon, nasa likod nya ang iba pa nyang ka-grupo. Wala sila sa "entablado" at nakatayo lamang sila sa sahig. Tanging ang lalaki lamang ang nakatayo sa entablado. Habang nangyayari ang kanilang presentasyon, marami ang nagkamaling ka-grupo ng lalaking nakatayo sa entablado. Ngunit ng tanungin ang mga hurado, ang nasabi nito ay "Maganda sana, kaso yung namumuno, andaming mali. Tapos di maayos yung pagprisinta." Natapos ang grupong iyon at pumuwesto ang ikalawang grupo. Babae ang tumayo sa entablado at halos naperpekto nya ang ginawa nila ngunit may mga kagrupo din siyang nagkamali. Napansin muli ng mga hurado ang babaeng nasa entablado. Napansin din naman nila yung pagkakamali ng ibang ka-miyembro ngunit hindi ganuon kalaki ang ekspektasyon nila.
Bakit nangyari iyon? Simple lang. Nakatayo ang isang tao na napansin nila dahil siya ang nakatayo sa entablado. Siya lang. Kaya madali siyang nakikita.
Usapang akademiko...
Sa P.E. grabe, post test pa naman. HIndi ganuon kataas ang scores ko. KAsi ba naman, sabay sabay lahat ng tests. Pero okay lang yun.
Sa Pilipino, merong mahabang pagsusulit. Napakahaba.
Marami ding mga pangyayari sa paaralan. Nakalulungkot isipin pero ang paaralan ay hindi ko maintindihan. Ayoko na magpaliwanag. Tinatamad ako...
Tapos ito siguro maiuugma ko ito sa usapang akademiko, "siya" kasi ay talagang nakakapagbigay inspirasyon. KASO LANG, ayun nga. Hanggang ngayon kasi wala pang lumalabas sa case na inaalam ko na hindi ko sinulat dito kasi nga sikreto ko na kung ano yun. Meron kasi akong kailangan malaman. Kasabay ng mga Fugitive at Seatmate, hindi pa nasosolusyonan ang mga problema ko about "her". Sana talaga, makuha ko na yung kasagutan...
Ayoko na sana ikwento to pero kailangan kasi talaga...
Ang aking ama, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagalit sa akin dahil sa aking paguwi. Mula pa noong ako'y nasa unang baitang, nakakasama ako sa mga kasiyahan na minsan pa'y umaabot ng hanggang 9 pero hindi nya ako napapagalitan. Siguro dahil na rin sa dami ng katunayan na ako talaga ay dumalo. Ngayong araw na ito, maraming beses pala siya tumawag sa akin. Tapos paguwi ko, grabe. Alam kong medyo galit siya pero wala akong magagawa.
Seatmate's Case
Napansin nanaman ni L at ng highschool detective, Meintaite Co ang pagirog ni Dencio kay Mara. Medyo merong ibang karagdagan lang siguro, narito ang scenario...
Nakaupo si Mara sa isang elevated area dahil na rin sa mini olympics na ginaganap sa kanilang opisina. Katabi nya ang kanyang kaibigan na "binabantayan" ni L na si Joy. Maya maya, tumabi si Dencio kay Joy. Hindi alam ni Codu-kun (highschool detective) kung ang tinabihan ni Dencio ay si Joy o may balak siyang makipag-communicate kay Mara. Pero agad napansin ni L, ni Codu ang paglapit ni Dencio kay Mara. Isa siguro itong matibay na ebidensya na si Dencio ay umiirog kay Mara...
Hindi nagtapos ang lahat sa ganyan. Dahil nga sa talino, dunong at intelektwal na pagiisip ni Codu, ginamit nya ang kanyang psychological test para malito si Dencio. Tinanong nya kung iniirog ba ni Dencio si Mara at ang tanging ginawa ni Dencio ay nagbigay ng reaksyon na ginawa din nya dati sa pagdeny sa pagirog nya kay "Jeanelley" (alamin kay L kung ano ito). Tinanong din ng detective kung iniirog nya si Joy at ang naisagot nya ay "di ah". Huli tinanong namin kung iniirog nya si "anim" at siya ay nagbigay na malakas na tawa. May 90% na posibilidad na masira ko ito at matapos ang unang tanong, "May gusto ba si Dencio kay Mara?" Confiramation na lang. Case closed na...
Tungkol sa ikalawang tanong...
Kalahok si Dencio sa mini olympics ng kanilang opisina at siya ay maglalaro ng basketball. Kahit nakatingin sa malayo si Codu, narinig nya ang pagbigay ng moral na suporta ni Mara at iba pa nitong kaibigan kay Dencio. Pero hindi ito matibay na ebidensya pero pwede na. Sa ngayon, malayo ko pang masagot ang ikalawang tanong...
Fugitive's Case
May update din. Bumaba ang chances na si Dell ang paghinalaan dahil nga sa malayo ito nakapwesto. Mababa rin ang chances na si Mario Pozo pero mataas ang chances para kay Scalene dahil maraming sources ang nagsasabi na si Scalene ang primary suspect pero hindi mawawala si Cent na base sa obserbasyon ni Arsene ay kumukuha din ng malaking porsyento sa pagiging suspect. Pero wala pang eliminated...
Sa ngayon, andami kong gagawin pero nakakuha pa ako ng oras mag-type. Marami akong gustong sabihin, maraming gustong ayusin. Pero nakalimutan ko at itutuloy ko bukas...
Thursday, August 7, 2008
The Memoir of a Bushed Student...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:34 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment