Friday, August 15, 2008

For Every Job Perfectly Done, an Inspiration is Behind...



Obviously, yung pauna kong photo ay napakaganda. Ito ay logo ng isang dyaryo na malapit na sumikat. Ang WIKIPAPER. Anyways, bago ang lahat, ikukwento ko muna lahat ng istoryang pang-periodical ko...

12th of August, 2008

Nakita ko ang finished product ng Wikipaper. Ngunit 3 bond paper lang ang used. Kasama na duon ang covers (which means front and back). Ang konti talaga kasi ng isusulat namin sa dyaryo. Short commands lang. Naisip namin itanong kay ma'am kung maari pang magdagdag. Pumayag siya at takbo agad kami sa "repair shop" ng WikiPaper. Hindi kami nakapunta sa publishing dahil sa lack of time at medyo na-insecure kami sa ibang dyaryong naglipana. Anyways, isang page lang ang nadagdag namin. Tapos kasama pa ang pagkalate sa isang subject. Meron din kaming dinagdag na column, ang "The Blind", isang pahulaan kung saan walang ka-kwenta kwenta ang mga pinahuhulaan, walang koneksyon sa IT at wala lang at puro pangti-trip lang lalo na sa part ng editor in chief ng WikiPaper. At luckily, naihabol namin. Tapos marami pang naganap sa araw na ito. Merong mga PC na naglag na syang nagpatalo sa amin sa laro, CONFIDENTIAL file na nakasulat "For Your Eyes Only", at marami pang ibang kaganapan. If I remember it right, nagonline ako at umalis kaagad.

13th of August, same year


Examination day. Mahirap lahat. Di ko maintindihan ang mga pinagsasagot ko. Duda ako. Pero bahala na. DI tumalab ang kapangyarihan ng chocolates. Anyways, natapos naman ako ng matiwasay at nakauwi ng matiwasay na walang sayang mababakas.

14th of August, same year

Examination day pa rin. This time, merong mga nagkopyahan, naka-tip at kung anu-ano pa. Pero siyempre ako, doing fine pa rin. Walang tanong tanong. Puro stock knowledge ang pinagana. Di ko alam kung may maidudulot na maganda ito. Tadtad ng enumerations. Tapos ang matindi pa, nalipasan ng gutom. As always, ang matagal ko ng sakit, migraine. Once na hindi ako nakakain after 2 p.m., grabe. Migraine. DIsaster. Yun nga ang naganap. Pagkauwi ko akala ko maidadaan ko sa tulog. Nagising ako ng masakit pa rin ang ulo pero mas matindi na. Uminom na ako ng gamot at natulog uli. IN short, di ako nakapag-aral dahil sa pesteng sakit ng ulo. Pero magkagayunman, meron akong nabalitaan na masaya. Ang WikiPaper, na may pinakamagandang logo na naimbento, pinakamagandang articles na nagawa ay naging "BEST NEWSPAPER" ayoko na sabihin ang award-giving body na nagbigay pero kasiya-siya. Kinanta na rin ang Muge. Meron ding mga nagpapadalawang isip sa akin ngunit firm ako sa decision ko, meron akong inspirasyon. Kumain na nga ako sa Jolibee, hindi pa rin sapat...

15th of August, same year...

Ngayon. Exams pa rin. Dahil nga sa walang dunong ang naging sagot sa bawat pagsubok ay "bahala na". Medyo marami ring naganap. Naisip kong kumain sa isang carinderia sa di maintindihang dahilan. Tapos dahil naiinip na ako ay dumiretso ako sa Gateway. Pumunta sa BreadTalk at bumili ng makain. Grabe, 2 tinapay lang, almost 100 agad. Pero okay lang. Kasi yung isa balot na balot ng cheese tapos yung isa, punong-puno ng white chocolate. OO. Tinapay na may white chocolate na balot. Grabe. Ansarap. Tapos meron pang tumutugtog na grand piano. Nakakaenjoy makinig ng mga awitin at the same time nakakapagpabalik ng masasayang alalala. Anyways, nakalimutan ko nga pala, pumunta ako ng gateway or umabot ako duon na naka-CO outfit. Nakalimutan ko at naalala ko lang ng napansin ko na maraming nagtitinginan. Kaya yun. Tapos pagbalik, maraming kaganapan tulad ng tungangaan atbp. Marami ring expected na maganap. Masaya ako ngayon pero hindi ganuon kasaya. Ayoko na magkwento. Pero ayun nga. Kinakabahan din ako sa sabayang pagbigkas...

Marami akong expected na mangyari...


Tapos ayun nga, meron akong isang kwento...

Noong 18th Century, nagexist ang isang batang pickpocketer sa Paris. Siya ay si Andre. Magaling siya mandukot at magnakaw. Dahil sa kanyang husay, marami siyang nanakawan at sumikat siya sa buong Paris. Sa edad na 15, naging sikat siyang figure sa Paris. Kinatatakutan siya. Imbes na gawing Public Enemy number 1 siya katulad ng kay Jack the Ripper, siya ay inalagaan ng pamahalaan. Pumasok sa Imperial Soldier si Andre. Duon siya ginantihan ng mga nasa otoridad. Duon naramdaman ni Andre ang lahat ng hinanakit ng mga nasa otoridad sa kanya dahil sa kanyang husay sa paglabag sa batas lalo na sa pagnanakaw. Hindi makalabas ng Imperial Guard si Andre. Nakasama nya ang isang kaibigan nya na hindi naman magnanakaw na si Leone. Si Leone ay manghuhula ng mga maaring mangyari. Pero karamihan ng hula nya ay tama. Naisip ni Andre na wag na lumabas sa pagiging Imperial Guard dahil sa isang inspirasyon. Pilit inaalam ni Leone kung sino ang inspirasyon ni Andre sa hindi pagalis sa posisyon. At ang hula nya, ang reyna ng United Kingdom.

Dahil nga sa angking talino ni Andre, nagagamit nya ang art of deception.

At ang istorya ay WALANG KATOTOHANAN!!!! HINDI TO TRIVIA, HISTORY OR SA ANU PA MAN!!! WAHAHAHAHAHHAHAHA

Anyways, wala pa nga sigurong makakakilala... Anyways uli...

FUGITIVE'S CASE

Ang confirmation na hinihintay ko ay dumating na. Tama ang hinala ko. May ginawa ngang masama si Vladimir. Pero ayun nga, ang sagot, HINDI. So, hindi case closed. Walang sinabi ang signal ko kung si Scalene or si Vladimir nga. Pero hindi pa rin talaga maalis si Mario Pozo at si Cent, eliminated na si Dell.

Sa ibang cases, walang updates. Sana, walang bumagsak.

Sa ngayon, nagcocompose ako ng kanta. Actually binabago ko lang yung lyrics. Dedicated to sa lahat ng matatapang na CO na tatagal...

Medyo masakit nanaman ulo ko. Pero bahala na. Naulanan kasi ako. Katangahan ko sinabihan nang uulan tapos di pa ako nagdala. Sana buhay pa ako bukas hanggang sa matapos ang buong 3rd year. Kaya dahil dun, andami kong nakalimutan sabihin. Anyways, ito lang ang huli kong masasabi, maliban sa title ng post ko, ito pa ang sasabihin ko...


"Sa bawat pawis na papatak sa lupa, mayroong titik na mamumunga, at ang bawat bunga ay matamis na tagumpay..."

-Daniel S. Clarin

Anyways, bago ko tapusin ang post na ito. Kung mapapansin, mayroong mga products of tecnology o bansa na sundalo rin. Katulad ni WASHINTON DC. BAkit DC? Tingnan nyo sa taas nito... Tapos si NINTENDO DS. Bakit DS? Naku, tingnan nyo uli. Tapos ito walang konek, si WINDOWS XP. Malupit na pangalan yan. Basta. Yang mga yan, sundalo din ata yan.

No comments: