Friday, August 29, 2008

The Real Hitman

Ayun nga. Nagpaharicut na and para akong si Hitman. Di ko maintindihan... Haizz..


Maganda ang weather. And maganda rin ang ibang nangyari. Wala akong maikwento pero maraming updates.

FUGITIVE'S CASE

Bingo. Kanselado na ang isang suspect. SI Vladimir. Si Vladimir nga ay isang napakalaking "asaness" lang kaya mali ako na siya ay maaring si Fugitive. So wala na sa suspects si Vladimir kasama nya si Dell to "sleep with the fishes". Anyways, tumaas ang probability na si Scalene at nawalan kay Cent. PAti na rin kay Mario Pozo.

SEATMATE's CASE

CASE CLOSED

Saka na yung ibang updates. INaantok na...

Sunday, August 24, 2008

Coincidence?

Di ko maintindihan talaga kung coincidences ang mga nangyayari pero ayos lang... Medyo nagulat lang ako ng kauti...

Ganito kasi ang representation na istorya...

Ang Germany ay nawalan ng contact sa Pilipinas nuong May 16. Ngayong araw na to at oras na to, ang presidente ng Germany ay naglalakad sa palasyo ng biglang lumapit sa kanya ang tauhan nya. Medyo masaya ang presidente at nagulat siya ng nakareceive siya ng isang message mula sa Pilipinas. Sa tagal nga nawalan ng komunikasyon ay akala nya nawala na ng Pilipinas ang kanilang Diplomatic Relations.

At ganun nga ang nangyari...

Anyways, habang nasa LRT ako, bound for Cubao, nakita ko itong quote na ito... This was originally written in Spanish...

Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran,
Alalahanin mo ako
Dahil hindi mapapagod sa paghihintay
Itong walang sawang tumitingin sa 'yo.

Natutuwa lang ako. Tapos nung pauwi, meron na akong nakita. This time kinuha ko na yung Spanish Version.

Tú justificas mi existencia:
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito:
si no te conozco, no he vivido;
Kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay;
si muero sin conocerte,
Kung ako ay mamamatay nang di kita nakilala,
no muero, porque no he vivido.
Hindi ako mamamatay, dahil hindi ako nabuhay.

So sa ngayon, wala pa akong na-accomplish na bagay... Puro computer, pelikula at TV ang inatupag ko... Kahapon naman bumili ako ng Type A..

Ang mga Kaganapan sa tapat ng FEU...

Alam ko nung Friday, sabi ko mga 1 na lang magkita kita para lahat nakakain na. Tapos kinagabihan nagtext ang iba kong ka-CO na 9 daw sila pupunta kasi magpapamdeical pa sila. Sinabihan ko silang mauna na. Dumating ako ng PUP at around 12:35. Nakita ko si Migraso sa labas ng gate. Nagusap ng matagal at lumabas nag 3 CO na naka Type-C. Ito ang hinaing.
Clarin:Ui, kanina pa kayo? Nung oras kayo nandito?
Martino: 9 pa kami dito, wala pang kain.
Bautista: Ako 8 pa.
Maglinte: Gutom na nga kami eh
Migraso: Asan na sila?
Martino: Nasa HQ
Maglinte: Tara kain muna tayo
Martino: Sa Jolibee lang kami.

Naghintay uli kami ng ilang oras o minuto hindi ko alam. Kasama namin yung nagtitinda ng mga sim. Marami kaming napagusapan. Katulad ng ilang cases ni Codus. Isa ang seatmate's case. Tapos marami pang iba. Maya-maya pa lumabas na ang iba pang mga CO na naka-uncover (di tulad nung unang 3 lumabas, naka Type C) maliban sa isa. nagdala din siya ng friends. Tapos dumiretso na kami sa Jolibee. Wala ang naunang 3. Naghintay kami ng ilang minuto at dumating na sila. Sumakay na kami ng jeep at dumiretso sa patutunguhan.

Nag-canvas sa 2 tindahan at dahil medyo tinamad na ay bumili na rin. Nakumpleto ko na lahat lahat ng kailangan bilhin. At bumili na rin ang iba. Ang iba naming kasama, sa ibang store bumili. Meron na rin akong name plate na nakatahi sa aking uniporme. (actually sinukat ko lahat and okay. Parang nakakatuwa na suot mo ang isang coat na may tatak ng pangalan mo at ang magkakasal sa iyo sa iyong profession.) Anyways, medyo nasiyahan ako at nakaramdam ng fulfillment. Nagusap-usap kami at meron ding mga hinaing na nailabas, samaan ng loob at mga kwentuhan. Marami ring issues ang nabunyag, mga buhay na napakialaman atbp. At umuwi na kami...

Tapos ngayon, wala ako masyadong maikwento. Una kong napanood mula sa pirated ang Dark Knight na di ko maintindihan ang ending kung patay na si Joker or what. Tapos yung Hancock naman na happy ending. Yung Godfather, di ko pa natapos. Tapos kahapon, pinanuod ko yung Indiana Jones. Happy Ending din. Tapos ngayon, dahil sa boredom, pinanuod ko yung Codename:Asero. TV Series yun. Hindi kumpleto, siraulo pa yung nagpirate. May mga parts na nagdidilim, nagiging abnormal, napuputol etc. Hanggang duon lang yung video sa tinawag siyang Agent Asero. Astigin din yung istorya at hindi nakakabagot na puro kwentuhan at baklaan lang. Ewan ko kung mageenjoy kayo kasi nageenjoy ako kahit nakaka-asar yung nag-pirate eh.


Tapos may mga announcements pala... Sa Entrepreneurship lang to. Sa iba, ewan ko, gawa kayo sarili nyong anunsyo...

ANUNSYO!!!

Sa Agosto 28, Huwebes, kailangan daw naka pang-Pilipinong kasuotan. Araw ng wika daw sa LHS sa nabanggit na petsa. Ito ay para sa lahat ng antas at seksyon. Walang pinipili. Walang sinabing parusa kung hindi sumunod (kasi di ko alam kung kanino manghihiram ng kasuotan.)

Tapos ikalalawa, kailangan natin ng magiging kalahok sa pagmomonologo. Kung ikaw ay taga III-Entrepreneurship, may talento sa pagsasalita magisa at gawain magsalita magisa, kumuha na ng sariling piyesa na kaya mong iprisinta sa loob ng 3-5 minuto at sabihin agad sa ating pangulo. Isa pa, kailangan din ng ipanglalaban bilang Lakan at Lakambini. Kasi ang napagbotohan nuon na Lakan ay si Cyrus Ignacio at ang Lakambini o lakan din ata ewan ba ay si Phil Jalandoni Maglinte. So baka magkaroon muli ng eleksyon para sa usaping ito.

Ikatlong anunsyo, para ito sa lahat. Kung wala naman kayong gagawin sa Miyerkules, Agosto 27, maari kayong pumunta sa PUP at dumaan ng LHS.

Ikaapat na anunsyo, NAWAWALA NA TALAGA YUNG LIBRO KO SA GEOMETRY. Hinanap ko ang bawat sulok na pwede nyang paglagyan ngunit bigo. Ang tanging alam ko na lang na hindi ko pa nahahanap ay sa mga estudyante sa buong LHS. Alangan namang isa-isahin ko yun. Pero kung sinuman talga ang kumuha nun, sana naman makonsensya ka na. Ibalik mo na yung libro. Kung makita man ito, pakibalik sa akin kaagad, mayroong naghihintay na malaking pabuya.

Ikalimang anunsyo, MABUHAY ANG PILIPINO!!!

Tama na ang anunsyo, wala nang kwenta.

PEro totoo lahat ng nakalagay dyan.

Thursday, August 21, 2008

Dahil sa Pizza Hut, na-cut yung klase...

Grabe. Kahapon wala ako dahil nilagnat ako ng 40 degrees pababa (mga hanggang 38). Tapos ngayon, pinilit kong pumasok at habang tinatype ko ito, under nanaman ako sa 40 degrees Celsius (based on last counting).


Kahapon...

Bumagyo ng malakas. Pero di pa rin sinuspend yung klase. Napakasama din ng pakiramdam ko na parang merong ibang element na sumanib at nagcover ng aking pagka-Daniel. Kaya di na ako nakapasok. Na-suspend daw ang classes. Anyways salamat pala kay Larah sa pagpasa ng aking Post Test sa aming presidente at pagaayos ng Pretest ko. Tapos salamat din sa mga sumagot sa tanong ko kung anong takda. Pero anyways merong bad news na dumating sa akin.
(puro representation uli)

Di ko alam kung kailan ito nangyari pero kahapon ko lang nabalitaan. Isang "transmitter" ng Vintage Spy ang nasira at bumagsak. Malaki ang sinira nito including na ang mga "palayan, kabahayan at ang buong komunidad". Nawalan ng signal ang Vintage Spy maging ang buong community. Though meron pang ibang transmitter na nakatayo at nagbibigay pa rin ng signal, ito kasi ang pinakamalaking transmitter talaga. Pero meron pa namang ibang transmitter na nageexist.

Anyways, siyempre kahapon nagpahinga lang ako. Natulog, natulog, kumain ng kaunti, nanuod ng kaunting TV, tapos nagpahinga uli. In short wala akong nagawang productive.

Ngayon...

Di maganda pakiramdam ko. Pinilit ko lang talaga pumasok. Alang-alang sa lahat ng bagay. So kahit nanghihina, pinilit kong tumayo. At nakapasok ako sa school.

Sa buong klase medyo nanghihina pa ako... Tapos sumabay pa yung mata ko. Na-cut yung klase ng 3 at nagkaroon ng kaligayahan sa mukha ng iba kong mga kaklase. Yung iba masaya, yung iba ewan. Tapos naguwian na. Dahil nga sa sobrang sakit ng mata ko, nauna na ako umuwi. Iniwan ko muna yung iba kong ka-CO. Sana talaga naghintay na lang ako kaso ayun nga, yung mata ko kasi... Haizz...

Pero dahil nga sa pumasok ako, merong updates...

SEATMATE'S CASE

Obviously, Case Closed na ang first question. Yung "May pagsinta nga ba si Dencio kay Mara?" Ang sagot ay yes. Actually Dencio is courting Mara. Kani-kanina, around 3:30 p.m. kanina, huling huli sa mga mata ni Meintaite Codus ang ginagawang pag-court ni Dencio kay Mara. Base kasi sa narinig ko at napapansin ko, ganun siya mag-court. And sakto sa lahat ng speculations na binigay ang naganap. Di ko alam kung inanyayahan siya ni Mara na sumama o siya ang nagprisinta na sumama kay Mara. So ngayon the first question is CLOSED. Yung ikalawang tanong, yung "vice versa", walang matibay na proofs.



FUGITIVE'S CASE

Tumaas ang percentage ni Scalene over kay Vladimir. Base sa isang signal at observations, nakakakuha na ng 65% si Scalene at paghahatian na nila Cent, Mario Pozo at Vladimir yung iba. Bigo si Vladimir. Pano ba yan?

Medyo tinatamad na ako... Tapos ang sakit pa ng ulo ko... As of now goodnight... Saka na yung ibang updates...


P.S. Anyways, about pala sa title? Kasi sakto talaga pagdating nung Pizza Hut delivery, nag bell na naghuhudyat na uwian na.

Sunday, August 17, 2008

What in the WORLD???

Hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap geometry kong libro... Lintik talaga...


Tapos sunod-sunod pang problema. Kaninang umaga, nilagnat ako ng mataas. Umabot ng 40 degrees Celsius yung aking temperature. Alam ko na yung dahilan. Nagkaroon pa ako ng cough. Pero ayoko na ikwento kung why pero I know the primary reason. Actually hindi pa maganda ang pakiramdam ko though I try to be good. Kasi nga "That I would be good if I got and stayed sick".

Andami kong nabiling DVD. Nauna ko nang pinanuod yung Dark Knight. Nasiyahan naman ako. Tapos sa pc na ako nanuod nung GOdfather. Sa kasamaang palad, nag-lag ang pc at di na natuloy ang panunuod ko. Tapos lag na rin yung CD, di na magplay ng matino. Parang moving pictures na lang pinapanuod ko ambagal pa ng interval kaya bukas ko na lang itutuloy. Connected talaga yung Godfather na laro sa Godfather na movie. Yung movie 1. Kasi nga sa GOdfather na laro, ikaw yung player. Meron kasing mga utos sa Godfather Movie na nirerelay sayo sa Godfather na laro na siyempre wala sa movie. Halimbawa na lamang ay yung pagplant ng baril sa CR. Sa pelikula, di pinakita kung sino gumawa nun pero sa game ikaw yung gagawa nun. Basta connected sila.


Andami ko pang aayusin. Para kasing binagyo yung table ko at kwarto ko dahil sa exams.

Anyways, tamaan na ang tamaan wala akong pakialam tutal wala na rin namang mawawala pa sa akin...

These days, marami ang insensitive. Sensitive sila para sa sarili nila na masabihan mo lang ng lol ay akala nya minura na siya. Pero para sa ibang tao wala siyang pakialam kahit murahin nya ng gago. Bakit ko ba na-tackle ang issue na to? Dahil na rin siguro sa sandamakmak na troubles ko. Napagisip-isip ko na bakit nga ba may insensitive na mga tao? Yung iniisip lang nila eh yung part nila samantalang yung sa iba ay isinasawalang bahala na nila? Yeah, such people exists at marami sila...

Of course, as I know, hindi ako ganuon ka-insensitive. Siguro nagkukunwari ako minsan na wala lang pero sa totoo lang meron akong nararamdaman nun. Firstly, hindi espesipiko yung binigay ko kaya kahit sinong magbasa nito basta masyadong insensitive eh tatamaan. Bahala ka kung maapektuhan ka. Eh kung sa wala ka ba talagang pakialam sa pakiramdam ng iba eh. This time, I'll be insensitive into what you might feel. (hahaha.. ramdam ko tinatamaan ka na)

Bakit nagexist ang Noli Me Tangere? Di ba dahil sa insensitivity ng mga kastila na nahihirapan na ang mga Pilipino pero tuloy pa rin sila. Just to get wealth, power, fame ginawa nila ang lahat in the expense of the Filipinos. Why do heroes exist? Dahil din sa mga insenstive villains na walang pakialam basta makapatay lang at maenjoy ang pagiging villain. Maraming kaganapan sa mundo na nagmumula lang sa insensitivity.

Ang insensitivity ay hindi lang dahil sa words. Maybe hindi ko mauuri na insensitive yung tao na sabihin na "Alam mo ba mukhang gago yung artistang si Daniel" at ako yung fan nya. Okay lang yun. Opinyon mo yun eh. Wala akong pakialam. Pero yung tipong ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo tapos papakita pa sayo at mapagaalaman mo pa na parang wala ka pa ring ginawa. Si Anne Frank, bakit sumikat ang diary nya? Kasi wala siyang mapagsabihan ng mga nararamdaman nya. Isa pa, naging insensitive din yung mga Nazis sa nararamdaman ng mga Jews. Pero kailan lang nalaman na may diary pala si Anne Frank? Nung nakita lang ito ng kanyang ama. Isa pang halimbawa, yung pagtitipid. Kung titingnan, parang napakaogag ng isang tao na may baong P100 araw araw na bumili ng 5 pandesal pang tanghalian. Pero yun pala nagiipon siya. Ganun kasi lahat ng bagay. Makikita mo lang ang katotohanan sa dulo. Habang nagiipon siya iisipin mo na napakalaki nyang tanga, Pero pagdating ng dulo masasabi mo na "ah, di pala tanga to. MAS TANGA AKO."

Nararamdaman ko na napakaraming insensitive beings na nageexist ngayon. Kung bakit hindi ko alam. They think only for themselves but never for others. Ni hindi nila binigyan ng pagkakataon marinig ang panig ng kabila. Kasi nga kahit anong mangyari naman sila pa rin ang powerful sa tingin nila. Mas superior kaya why do we care for others? Isang magandang halimbawa, isang magkaibigan. si A saka si B. Si A pinabili si B ng kendi. Ngayon si B bumalik at walang nabili. Nagalit si A at pinarusahan, minura at pinatay si B. Hindi man lamang inalam ni A kung bakit di nakabili si B. DI nya binigyan ng pagkakataon ito. Ang sa kanya, nagalit siya kaya nya pinatay si B. Yan talaga ang palaging pinagmumulan ng paghihiwalayan ng magasawa, magkakapamilya, magkakaibigan at pagkakaroon gn rebolusyon. Insensitivity. Kung ang nobya/nobyo mo, asawa mo, kaibigan mo, insensitive din sayo ang pamahalaan sa mga hinaing mo bilang isang mababang manggagawa, disaster talaga ang mangyayari...

Ayun. Tinatamad na ako magkwento sa mga insenstive. Bahala na sila. Kung gusto nila magsuicide e di gawin nila. Pucha.

Saturday, August 16, 2008

Andaming Updates...

Heisei Kaitou Case

SI Muge. Sinasabing meron siyang ugaling cleptomaniac. Yung kahit meron naman siyang pambili ay nagnanakaw pa rin siya. Base sa isang signal, meron daw inumit si Muge sa labas ng campus. Di ko alam kung siya talaga pero medyo tinatamad na ako...

Seatmate's Case

Tama ang intuition ko. Kasi meron akong natanggap na signal. At base na rin sa studies, si Dencio ay medyo sumisiple kay Mara kung saan hindi halata pero halata na rin ng kaunti. Di nga lang halata dahil sa text dumadaan lahat ng bagay. Malinis kumbaga... So siguro hindi ko pa rin i-close yung tanong na may gusto si Dencio kay Mara at pinagaaralan pa ang vice versa nito.

Fugitive's Case

Walang malinaw na update. As in WALA...

Maraming naganap. Ayoko magkwento.

Sa sabayang pagbigkas naman, ayun. Kinakabahan ako. Tinatamad din ako magkwento.

Lahat ng aspect ng problema meron ako. Physically, Mentally, EMOTIONALLY, Spiritually, Socially, Morally. Grabe. DI ko rin maintindihan. Ang dami kong problema.

Tapos kung mapapansin mas magandang di na lang ako nagpost kasi wala talagang kwenta. Pero ayun nga. GUmagawa ako ng isang story ngayon. Wala pang title. Pero ang ganda ng plot. Wala lang.

Nakakatamad magbasa ng blog lalo na kung ito yung makikita mo.

Friday, August 15, 2008

For Every Job Perfectly Done, an Inspiration is Behind...



Obviously, yung pauna kong photo ay napakaganda. Ito ay logo ng isang dyaryo na malapit na sumikat. Ang WIKIPAPER. Anyways, bago ang lahat, ikukwento ko muna lahat ng istoryang pang-periodical ko...

12th of August, 2008

Nakita ko ang finished product ng Wikipaper. Ngunit 3 bond paper lang ang used. Kasama na duon ang covers (which means front and back). Ang konti talaga kasi ng isusulat namin sa dyaryo. Short commands lang. Naisip namin itanong kay ma'am kung maari pang magdagdag. Pumayag siya at takbo agad kami sa "repair shop" ng WikiPaper. Hindi kami nakapunta sa publishing dahil sa lack of time at medyo na-insecure kami sa ibang dyaryong naglipana. Anyways, isang page lang ang nadagdag namin. Tapos kasama pa ang pagkalate sa isang subject. Meron din kaming dinagdag na column, ang "The Blind", isang pahulaan kung saan walang ka-kwenta kwenta ang mga pinahuhulaan, walang koneksyon sa IT at wala lang at puro pangti-trip lang lalo na sa part ng editor in chief ng WikiPaper. At luckily, naihabol namin. Tapos marami pang naganap sa araw na ito. Merong mga PC na naglag na syang nagpatalo sa amin sa laro, CONFIDENTIAL file na nakasulat "For Your Eyes Only", at marami pang ibang kaganapan. If I remember it right, nagonline ako at umalis kaagad.

13th of August, same year


Examination day. Mahirap lahat. Di ko maintindihan ang mga pinagsasagot ko. Duda ako. Pero bahala na. DI tumalab ang kapangyarihan ng chocolates. Anyways, natapos naman ako ng matiwasay at nakauwi ng matiwasay na walang sayang mababakas.

14th of August, same year

Examination day pa rin. This time, merong mga nagkopyahan, naka-tip at kung anu-ano pa. Pero siyempre ako, doing fine pa rin. Walang tanong tanong. Puro stock knowledge ang pinagana. Di ko alam kung may maidudulot na maganda ito. Tadtad ng enumerations. Tapos ang matindi pa, nalipasan ng gutom. As always, ang matagal ko ng sakit, migraine. Once na hindi ako nakakain after 2 p.m., grabe. Migraine. DIsaster. Yun nga ang naganap. Pagkauwi ko akala ko maidadaan ko sa tulog. Nagising ako ng masakit pa rin ang ulo pero mas matindi na. Uminom na ako ng gamot at natulog uli. IN short, di ako nakapag-aral dahil sa pesteng sakit ng ulo. Pero magkagayunman, meron akong nabalitaan na masaya. Ang WikiPaper, na may pinakamagandang logo na naimbento, pinakamagandang articles na nagawa ay naging "BEST NEWSPAPER" ayoko na sabihin ang award-giving body na nagbigay pero kasiya-siya. Kinanta na rin ang Muge. Meron ding mga nagpapadalawang isip sa akin ngunit firm ako sa decision ko, meron akong inspirasyon. Kumain na nga ako sa Jolibee, hindi pa rin sapat...

15th of August, same year...

Ngayon. Exams pa rin. Dahil nga sa walang dunong ang naging sagot sa bawat pagsubok ay "bahala na". Medyo marami ring naganap. Naisip kong kumain sa isang carinderia sa di maintindihang dahilan. Tapos dahil naiinip na ako ay dumiretso ako sa Gateway. Pumunta sa BreadTalk at bumili ng makain. Grabe, 2 tinapay lang, almost 100 agad. Pero okay lang. Kasi yung isa balot na balot ng cheese tapos yung isa, punong-puno ng white chocolate. OO. Tinapay na may white chocolate na balot. Grabe. Ansarap. Tapos meron pang tumutugtog na grand piano. Nakakaenjoy makinig ng mga awitin at the same time nakakapagpabalik ng masasayang alalala. Anyways, nakalimutan ko nga pala, pumunta ako ng gateway or umabot ako duon na naka-CO outfit. Nakalimutan ko at naalala ko lang ng napansin ko na maraming nagtitinginan. Kaya yun. Tapos pagbalik, maraming kaganapan tulad ng tungangaan atbp. Marami ring expected na maganap. Masaya ako ngayon pero hindi ganuon kasaya. Ayoko na magkwento. Pero ayun nga. Kinakabahan din ako sa sabayang pagbigkas...

Marami akong expected na mangyari...


Tapos ayun nga, meron akong isang kwento...

Noong 18th Century, nagexist ang isang batang pickpocketer sa Paris. Siya ay si Andre. Magaling siya mandukot at magnakaw. Dahil sa kanyang husay, marami siyang nanakawan at sumikat siya sa buong Paris. Sa edad na 15, naging sikat siyang figure sa Paris. Kinatatakutan siya. Imbes na gawing Public Enemy number 1 siya katulad ng kay Jack the Ripper, siya ay inalagaan ng pamahalaan. Pumasok sa Imperial Soldier si Andre. Duon siya ginantihan ng mga nasa otoridad. Duon naramdaman ni Andre ang lahat ng hinanakit ng mga nasa otoridad sa kanya dahil sa kanyang husay sa paglabag sa batas lalo na sa pagnanakaw. Hindi makalabas ng Imperial Guard si Andre. Nakasama nya ang isang kaibigan nya na hindi naman magnanakaw na si Leone. Si Leone ay manghuhula ng mga maaring mangyari. Pero karamihan ng hula nya ay tama. Naisip ni Andre na wag na lumabas sa pagiging Imperial Guard dahil sa isang inspirasyon. Pilit inaalam ni Leone kung sino ang inspirasyon ni Andre sa hindi pagalis sa posisyon. At ang hula nya, ang reyna ng United Kingdom.

Dahil nga sa angking talino ni Andre, nagagamit nya ang art of deception.

At ang istorya ay WALANG KATOTOHANAN!!!! HINDI TO TRIVIA, HISTORY OR SA ANU PA MAN!!! WAHAHAHAHAHHAHAHA

Anyways, wala pa nga sigurong makakakilala... Anyways uli...

FUGITIVE'S CASE

Ang confirmation na hinihintay ko ay dumating na. Tama ang hinala ko. May ginawa ngang masama si Vladimir. Pero ayun nga, ang sagot, HINDI. So, hindi case closed. Walang sinabi ang signal ko kung si Scalene or si Vladimir nga. Pero hindi pa rin talaga maalis si Mario Pozo at si Cent, eliminated na si Dell.

Sa ibang cases, walang updates. Sana, walang bumagsak.

Sa ngayon, nagcocompose ako ng kanta. Actually binabago ko lang yung lyrics. Dedicated to sa lahat ng matatapang na CO na tatagal...

Medyo masakit nanaman ulo ko. Pero bahala na. Naulanan kasi ako. Katangahan ko sinabihan nang uulan tapos di pa ako nagdala. Sana buhay pa ako bukas hanggang sa matapos ang buong 3rd year. Kaya dahil dun, andami kong nakalimutan sabihin. Anyways, ito lang ang huli kong masasabi, maliban sa title ng post ko, ito pa ang sasabihin ko...


"Sa bawat pawis na papatak sa lupa, mayroong titik na mamumunga, at ang bawat bunga ay matamis na tagumpay..."

-Daniel S. Clarin

Anyways, bago ko tapusin ang post na ito. Kung mapapansin, mayroong mga products of tecnology o bansa na sundalo rin. Katulad ni WASHINTON DC. BAkit DC? Tingnan nyo sa taas nito... Tapos si NINTENDO DS. Bakit DS? Naku, tingnan nyo uli. Tapos ito walang konek, si WINDOWS XP. Malupit na pangalan yan. Basta. Yang mga yan, sundalo din ata yan.

Monday, August 11, 2008

WikiPaper

Isang bagong imbensyon dahil sa project... Ang WIKIPAPER!!!


Bakit kaya napakaganda ng pagkakagawa ng logo na to? Sino ang gumawa? Siguro napaka-talented nun, matalino atbp. Galing talaga. Well ito na ang tunay na caption, ito ang logo ng WikiPaper.


HIndi po bakla ang gumawa ng wikipaper. Hindi rin connected sa wikia. Wala lang. Imbensyon ng mapaglarong isipan. Mula sa KATAS NG TALINO, naging WikiPaper.

Bukas pa ang official publication nito. Sana makita nyo...


Anyways, wala gaanong updates. Ay meron pala...


THE FUGITIVE'S CASE

Ayun nga. Base nanaman sa technology, nakakuha nanaman ng tip si Arsene (siyempre, may exams si Codus). Malaki ang percentage na si Vladimir at malapit nang ma-case close. Sa ngayon, si Vladimir ang primary suspect. Dahil na rin sa text messages at technological aspects, si Vladimir talaga. Hindi ko ma case close dahil walang confirmation. Pero sa ngayon partially CASE CLOSED.


Wala nang ibang updates. Haggard ang mundo. Yoko magkwento...

Sunday, August 10, 2008

Each Group has a Thief...

Meron akong update. Pero hindi about sa HK Case ngunit related din. Thief din siya pero wala na siyang case kasi matagal ko nang alam na thief talaga to.

Itatago natin siya sa pangalang "Pedro". Si Pedro ay isang master thief, mula sa pinakamababang bagay na pwedeng nakawin tulad ng papel, calculator, pulbos, salamin hanggang sa medyo mataas na pagnanakaw tulad ng scientific calculator, suklay na mamahalin up to money. Mula pa noon, si Pedro ay isa nang thief. Marami ang nawala lalo na sa pera na nag range mula P5-P500. Una, hindi ko inakala na meron palang thief na umaali-aligigid sa "grupo" namin noong nakaraang taon hanggang marami ang nagsabi na siya nga ay thief. This year, Pedro strikes back. Pero sa ibang pagkakataon. Ibang grupo na siya at thief pa rin. Isa sa mga nabalitaan kong bagong nawala ay pulbos. Sa ngayon, inaasahan ng Vintage Spy na marami ang mawawala. Pero wag naman lagi si Pedro. Siguro ang tanging paraan na matigil si Pedro sa kanyang thievery acts ay pagbili sa kanya ng tinapay.


Sa group ko ngayon, hindi pa naisara kung sino nga si Heisei Kaitou. Pero kahapon, narinig ko na maraming hinanakit ang iba kong kagrupo sa suspect na binigay ng isa kong signal na si Muge. Si Muge ay may kaya sa buhay. Pero sabi nga ng signal ko, si Muge daw ay palaging nakikialam ng gamit. Yun nga lang, wala pang balita na may nawala sa mga pinakialaman nya. Hindi hampas lupa si Muge at sa tingin ko, ginagalaw lang nya yung gamit nung mga taong naging close nya. And base nga sa variables na nabuo ukol sa HK Case, maaring ka-close ni Carlene ang thief na kumuha ng pera nya so hindi ko maiaalis si Muge. Marami ring galit kay Muge mula sa mga narinig ko. Dahil ito sa kanyang pagiging pala-hingi at pagtatampo sakaling hindi nabigyan. Pero hindi lang isa ang suspect ko. Meron pang ibang suspects...
1. Anim- Si anim. Primary suspect ng isa pang detective. Kung siya ang sisihin ko, wala pa akong clues na nakuha para gawin nya iyon. Pangalawa, kasama ko sa grupo mula nuong unang taon si Anim pero kahit minsan wala pang record siya ng thievery. Hindi man nakaaangat sa buhay si Anim, still hindi ko alam kung paano nya maisip na sakto pang kay Carlene ang mabiktimang bag.

Sa ngayon sila pa lang 2 ang suspects. Parehong walang malaking proofs na hinahawakan para maging sila pero malaki ang alibis nila na hindi maging sila. Everybody is a suspect. Maaring madagdagan pa ang suspects pero malalaman din ni Codus kung sino yung Heisei Kaitou.

Kahapon,

Narinig ko ang kinakanta ni Gianan with the lyrics, "Tik-tikman mo kamao, kamao..." Tapos naikwento nya yung music video nun. E di syempre pinanuod ko naman. Nakakatawa kasi yung description nya na parang mga "kalyeng rapper". Mukha silang gang na ewan. Tapos puro pasuntok suntok tapos ayoko na mag comment pa kasi baka gang bang-in ako nun.

Projects atbp...

Yung mga projects, yung sa Health, IT, at yung iba pang di ko maalala maliban sa sabayang pagbigkas ay di ko pa nagawa. Nagawa ko na yung sa IT at naipasa ko na. Sunod sunod kasi talaga. Tapos meron pa akong "bayarin" na 800 ata. Nakakaasar talaga. Pero what shall I do. Sa sabayang pagbigkas, meron pa kaming "unfinished business". Tapos periodicals na. May long test sa IT bukas na hindi ko alam ang coverage. Inaasahan ko na magsabayan din yung iba pang subjects.

Sa ngayon, hindi ko pa rin nagagawa yung pinapagawa sa BD. Tapos nagaaral uli ako mag-steno. Di ko alam bakit biglang nawili ako magaral uli ng steno at buksan ang nabili kong libro na Gregg Shorthand. Yung libro ni Anne Frank, di ko pa natapos maging ang cases ni Sherlock Holmes. Wala pa akong nai-rewrite dahil na rin sa hassle sa time. Yung flag, meron na akong na-pakiusapan ayusin yun.

Meron pa pala akong isang case na ginagawa... entitled...

THE LOCKER CASE

Nuong nakaraang araw, mayroong inabot sa akin si Migraso na mga sulat. Sabi nya galing daw sa locker namin. Tapos binasa ko ang mga nilalaman. Katunayan, may sulat duon para kay Gianan na naka-address as EFREIN. Ngayon, nalaman ko na mula pa noong ipinadala kay Gianan ang sulat. Dahil na rin sa clue na iniabot nya, alam ko na agad ang pangalan. Nagbigay pa kasi ng pahulaan mahuhulaan din naman. E di case closed na yung kay Gianan. Yung akin kasi, wala talagang clues. Wala kahit isa. And ang malupit pa, alam nya ang buong pangalan ko. Written in blue ink, naglagay siya ng codename. Pero yung codename ay hindi pwedeng clue dahil palagi na itong ginagamit sa pelikula, mula nuong grade 1 ako hanggang sa umabot ako sa ngayon. Hindi ko alam kung galing ito sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat na taon. Sa ngayon, walang variable na nabubuo sa utak ko.


Grabe ang laking chemical change na ginawa ng araw sa akin. Grabe talaga. Anlayo ng kulay ng paa ko sa braso ko.

Siguro magaaral na muna ako at ayun mamaya na lang siguro ako maguupdate...

Saturday, August 9, 2008

The Haizzz Week

Obviously puro haizzz ang sinasabi ko sa isang buong lingo na to. Wala akong masayang nabanggit.

Kahapon. Yeah. Sabi nila lucky day daw. Pero for me? NO. Hindi siya lucky day. Walang maswerte sa araw na yan. Nakalimutan ko sa Filipino yung sikulate, tapos yung ibang quizzes...

Hindi ko alam ang magiging grade ko this 1st Quarter. Sana naman maging mabuti. All is in the papers to be issued on Wednesday. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Naguguluhan, nalilito, kinakabahan. Sa araw-araw na ginawa, ayan palagi ang nararamdaman ko. Mga bagay na hindi ko naman dapat maramdaman.


Obiviously, kahapon tinatamad akong magpost. Dahil na rin siguro sa may lagnat ako. Pero merong mga bagay na dapat alamin.

KAHAPON,

isang significant na bagay ang nakita ko sa whiteboard. Di ko alam bakit intuition ko ay significant ito pero dahil na rin sa na-curious ako, tiningnan ko ang blog post ko and luckily may nag-match. Secret ko na yung date. Basta yun na yun. Di ko alam kung tama ang hula ko na may konek ito duon pero ayun na nga. Kapag iniisip ko, kasiya-siya. Pero kapag meron akong ibang napagaalaman at naririnig, hindi na...

Kasi siyempre, kahit dumb ka meron ka pa rin naririnig at kanina marami akong narinig. Yung iba, clues, yung iba wala lang, yung iba naman, parang nakaka depress...

Kanina...

Merong pageensayo sa bahay nila Migraso. May kainan and etc. Pero dahil na rin sa secrecy na ginagawa ng entre, walang makakaalam ng lahat ng naganap...

Tapos bukas, tutulak ang aking ama patungong Mindanao dahil meron siyang trabaho duon. Bon Voyage and ayun...

Sa ngayon, medyo tinatamad pa rin ako. Pero merong update pala sa isang case...


THE FUGITIVE'S CASE

SI Fugitive ay malapit nang mapasakamay ng batas. Meron pa ring kaguluhan ukol sa Fugitive na yan. Merong malaking chances na si Fugitive ay napalitan dahil na rin sa mga pangyayari this days. Maaring ang na-case closed na Fugitive nuong nakaraang taon ay hindi na ngayong re-opened na ito. Pero anyways, narito pa rin ang possibilities...

Ang primary suspect ngayon ay si Scalene pa rin though siya ay ikalawa na lamang ngayon sa possible suspects. Lumaki ang proof na si Vladimir si Fugitive. Kasabay ni Scalene sa ikalawang rank si Dell. Tapos sumunod si Cent at malapit nang ma-eliminate si Mario Pozo.

Bakit nanguna bigla si Vladimir ay dahil na rin sa mga bagay bagay na napagaalaman ni Codus, sa tulong ni Arsene base na rin sa ibang "signals" na baka nga si Vladimir. Si Vladimir ay sumisimple pero halata. Kaya posible rin na siya nga ang bagong Fugitive. Hindi natin maiaalis si Scalene dahil siya ang Fugitive nung maisara ang case na to nuong nakaraang taon. At napakalaki ng possibilities na si Scalene dahil na rin sa ibang descriptions, napakaraming clues at halos lahat ng "signals" ay nagpertain sa kanya. KAya malaki siyang kalaban ni Vladimir kung saka-sakali. Si Scalene ay hindi gaanong napaghahalataan na may ideya sa mga nangyayari pero sa tingin ni Codus, meron siya. Si Dell, maaring hindi naman siya si Fugitive at siya ay sampid lamang na hinangaan. Si Dell ay merong admirer na si Anne. Her whole name? Anne Frank. Pero pwede rin na siya si Fugitive pero sa tingin ni Codus, na baka nga naisama lang ang name nya. Si Cent ay hindi rin ganuon kataas ang possibility gayong nakikitaan ng mga iba't ibang scenarios kung saan maaring siya nga si Fugitive. Ngunit ayun nga kaunti ang facts at hindi pwedeng palaging umasa sa intuition. Si Mario Pozo, isang napakalaking intuition lamang. Kaya baka one of these days, ma-cancel na siya as a suspect.


Mageexams na kaya baka di na rin updated ang blog ko. Tapos mag 12 na, inaantok na ako...

Friday, August 8, 2008

The Case of the Heisei Kaitou

Puro cases, pero lahat unsolved. Kahit mas magaling pa ako kay Kudo Shinichi, hindi pa rin magagawa ito ng isang araw lang sapagkat ako ay tao lamang. Pero ayun nga. May bagong case. Ang Case of the Heisei Kaitou or mas kilala sa tawag na HK Case.

Ganito kasi ang pangyayari chronologically...


Merong isang student na itatago ko sa pangalang Carlene ang nawalan ng pera this week.
Unang nawala ang 20 at sumunod ang 50 kahapon lamang. Hindi ko alam kung bakit siya lang ang nawalan and secondly, walang ibang nawala sa school na maaring magdulot ng malaking fortune sa kukuha. Siya lang talaga. 2 variables ang bumubuo sa utak ko...
Una, maaring nagastos nya at di nya maalala
Pangalawa, may thief sa room

May possiblility na ang thief ay malapit sa kanya dahil bakit sa kanya pa kumuha pero pwede ring hindi...

Anyways, about sa updates ng Fugitive at ng Seatmate, bukas na...


Marami akong gustong sabihin kaso lintik tong lagnat na to... ayun. Ngayon ay ang start ng olympics at 888

Thursday, August 7, 2008

The Memoir of a Bushed Student...

Haizzzz....

Why haizz? Andaming hahabulin. Tambak uli...

Medyo busy ngayon. Una kasi yung Sabayang Pagbigkas. Ikalawa yung mahabang pagsusulit sa asignaturang Pilipino. Ikatlo ay yung unang markahang pagsusulit. Sabay sabay lahat ng suliranin. Pero hindi ko na nanaisin pang isalaysay ang iba pang mga suliranin.

Meron muna akong kwento o maari na ring tawaging "makahulugang tanong"

Isang lalaki ang nakatayo sa gitna ng entablado. Maari ring tawaging "platform" dahil na rin sa hindi naman ganuon kataas ang entablado. Meron lamang maliit na pagkakaangat sa sahig ang ginawang entablado. Habang siya ay nasa entablado at nagpapakita ng kanilang pinaghandaang presentasyon, nasa likod nya ang iba pa nyang ka-grupo. Wala sila sa "entablado" at nakatayo lamang sila sa sahig. Tanging ang lalaki lamang ang nakatayo sa entablado. Habang nangyayari ang kanilang presentasyon, marami ang nagkamaling ka-grupo ng lalaking nakatayo sa entablado. Ngunit ng tanungin ang mga hurado, ang nasabi nito ay "Maganda sana, kaso yung namumuno, andaming mali. Tapos di maayos yung pagprisinta." Natapos ang grupong iyon at pumuwesto ang ikalawang grupo. Babae ang tumayo sa entablado at halos naperpekto nya ang ginawa nila ngunit may mga kagrupo din siyang nagkamali. Napansin muli ng mga hurado ang babaeng nasa entablado. Napansin din naman nila yung pagkakamali ng ibang ka-miyembro ngunit hindi ganuon kalaki ang ekspektasyon nila.

Bakit nangyari iyon? Simple lang. Nakatayo ang isang tao na napansin nila dahil siya ang nakatayo sa entablado. Siya lang. Kaya madali siyang nakikita.


Usapang akademiko...

Sa P.E. grabe, post test pa naman. HIndi ganuon kataas ang scores ko. KAsi ba naman, sabay sabay lahat ng tests. Pero okay lang yun.

Sa Pilipino, merong mahabang pagsusulit. Napakahaba.

Marami ding mga pangyayari sa paaralan. Nakalulungkot isipin pero ang paaralan ay hindi ko maintindihan. Ayoko na magpaliwanag. Tinatamad ako...

Tapos ito siguro maiuugma ko ito sa usapang akademiko, "siya" kasi ay talagang nakakapagbigay inspirasyon. KASO LANG, ayun nga. Hanggang ngayon kasi wala pang lumalabas sa case na inaalam ko na hindi ko sinulat dito kasi nga sikreto ko na kung ano yun. Meron kasi akong kailangan malaman. Kasabay ng mga Fugitive at Seatmate, hindi pa nasosolusyonan ang mga problema ko about "her". Sana talaga, makuha ko na yung kasagutan...


Ayoko na sana ikwento to pero kailangan kasi talaga...

Ang aking ama, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagalit sa akin dahil sa aking paguwi. Mula pa noong ako'y nasa unang baitang, nakakasama ako sa mga kasiyahan na minsan pa'y umaabot ng hanggang 9 pero hindi nya ako napapagalitan. Siguro dahil na rin sa dami ng katunayan na ako talaga ay dumalo. Ngayong araw na ito, maraming beses pala siya tumawag sa akin. Tapos paguwi ko, grabe. Alam kong medyo galit siya pero wala akong magagawa.

Seatmate's Case

Napansin nanaman ni L at ng highschool detective, Meintaite Co ang pagirog ni Dencio kay Mara. Medyo merong ibang karagdagan lang siguro, narito ang scenario...

Nakaupo si Mara sa isang elevated area dahil na rin sa mini olympics na ginaganap sa kanilang opisina. Katabi nya ang kanyang kaibigan na "binabantayan" ni L na si Joy. Maya maya, tumabi si Dencio kay Joy. Hindi alam ni Codu-kun (highschool detective) kung ang tinabihan ni Dencio ay si Joy o may balak siyang makipag-communicate kay Mara. Pero agad napansin ni L, ni Codu ang paglapit ni Dencio kay Mara. Isa siguro itong matibay na ebidensya na si Dencio ay umiirog kay Mara...

Hindi nagtapos ang lahat sa ganyan. Dahil nga sa talino, dunong at intelektwal na pagiisip ni Codu, ginamit nya ang kanyang psychological test para malito si Dencio. Tinanong nya kung iniirog ba ni Dencio si Mara at ang tanging ginawa ni Dencio ay nagbigay ng reaksyon na ginawa din nya dati sa pagdeny sa pagirog nya kay "Jeanelley" (alamin kay L kung ano ito). Tinanong din ng detective kung iniirog nya si Joy at ang naisagot nya ay "di ah". Huli tinanong namin kung iniirog nya si "anim" at siya ay nagbigay na malakas na tawa. May 90% na posibilidad na masira ko ito at matapos ang unang tanong, "May gusto ba si Dencio kay Mara?" Confiramation na lang. Case closed na...

Tungkol sa ikalawang tanong...

Kalahok si Dencio sa mini olympics ng kanilang opisina at siya ay maglalaro ng basketball. Kahit nakatingin sa malayo si Codu, narinig nya ang pagbigay ng moral na suporta ni Mara at iba pa nitong kaibigan kay Dencio. Pero hindi ito matibay na ebidensya pero pwede na. Sa ngayon, malayo ko pang masagot ang ikalawang tanong...


Fugitive's Case

May update din. Bumaba ang chances na si Dell ang paghinalaan dahil nga sa malayo ito nakapwesto. Mababa rin ang chances na si Mario Pozo pero mataas ang chances para kay Scalene dahil maraming sources ang nagsasabi na si Scalene ang primary suspect pero hindi mawawala si Cent na base sa obserbasyon ni Arsene ay kumukuha din ng malaking porsyento sa pagiging suspect. Pero wala pang eliminated...


Sa ngayon, andami kong gagawin pero nakakuha pa ako ng oras mag-type. Marami akong gustong sabihin, maraming gustong ayusin. Pero nakalimutan ko at itutuloy ko bukas...

Wednesday, August 6, 2008

Ang Magandang "Weather"

Yeah. Maganda ang weather. Parang may rainbow pero mabilis lang. Ewan. Pero maganda ang weather...


Anyways, kanina maraming naganap. Sabayang pagbigkas na nagkaroon ng aberya, tapos hmm madami pa akong nabalitaan. Etc...


EXAMS Results

Ewan ko sa Eko. Nalito ako sa instructions. Haizzz...

Tapos basta. Madaming di magandang scores. Lahat ewan. Tapos kanina natuto din akong gumawa sa Pagemaker...

Sa ngayon tumutugtog ang Very Special Love..

Parang tinatamad ako magpost. Pero ewan. Ay teka, bday pala ni Czarlaine ngayon saka ni Yee. HAPPY BIRTHDAY!!!

SEATMATE'S CASE

Kanina may scenario nanaman

Nakita ng High School Detective ang kinukwento ni Arsene sa kanya. Nakita rin ni L. Tapos wala naman masyadong naganap pero parang meron...

Sa mga kaklase ko pala, makipag-cooperate naman kayo. Alam nyo, wala akong pakialam kung di tayo sumali. WAlang pabor sa akin. mawawalan akong 5% sa grade sa project. Sana naman makipagcooperate kayo. Marami tayong mga kaklase ang umaasa dito. Sana naman kasi wag na tayo magsarilihan...

Wala na akong gana. Inaantok na ako.

Last message ko siguro?


Napakaganda talaga ng "weather"

Tuesday, August 5, 2008

My hand is stopping me from typing my will....

Haizzz... Hindi pa man nangyari, iniisip ko na ang maaring maganap. Sabi nila "The greater the power, the greater the responsibility." Medyo totoo pero dapat the greater the position... Haizz..


Periodicals atbp.

Periodical exams next week. Sabayang pagbigkas din. Anong mas matimbang, 5% na grade para sa project sa isang subject and pride na maaring madala para sa school at dignidad na may mukhang maihaharap sa PUP o ang periodicals consisting of napakaraming subjects na 30% ng grade sa 1st Quarter at pride na may mukhang maihaharap sa mga magulang at buong LHS??

Hindi ko maintindihan sarili ko. I should devote more time sa exams pero sinabayan ng sabayang pagbigkas. Naguguluhan, nagugulumihanan. This time, I AM NOT YOUR LEADER. LEt the president lead the class.


May mga nakasabay din ako sa jeep and etc. Tapos hmmm.. Wala na akong maikwento. Teka... Ayun. May nadagdag, may nabawas, may babalik. Kung saan man yan, wag nyo na alamin...


Isa pa. Walang updates sa cases. Walang report si Arsene. Natulog siya magdamag.

Monday, August 4, 2008

Almost Case Closed...

FUGITIVE'S CASE

Halos case closed na ang naganap kanina. Ito ang representation ng scenario na ikweinento ni Arsene...

Nakaupo si Arsene at nagbabasa ng biglang napatingin ang lahat sa labas dahil naroon at nakatayo ang may-ari ng Dell Computers na si Joseph Dell. Siya ay multi-millionaire na nilalang na hindi naisip ni Arsene at ng high school detective na gawing suspect. Kasi si Dell ay parang malayo sa katotohanan. Pero dahil nga muntik nang ma-confirm at kitang-kita talaga ni Arsene ang lahat ng tingin ng tao kay Dell na tila SIYA ang FUGITIVE...

Siya nga kaya ang Fugitive? Ang may-ari nga kaya ng Dell Computers na si Joseph Dell ang Fugitive? Merong 70% possibility na si Dell nga si Fugitive based na rin sa scenario kanina. But of course, THE CASE ISN'T CLOSED pa rin...


Walang updates sa seatmate's case dahil inantok si Arsene. Pero si Dencio ay namataan ni Arsene na katabi ang isang babae during ng pagdating ni Manny Villar sa PUP. Ang babae ay itatago natin sa pangalang Gabriela. Si Gabriela ay matagal nang rumored kay Dencio at based na rin sa sources at galing na rin kay Arsene, alam ng mundo ang tungkol duon so walang case, walang issue. It's only between Mara and Dencio...


Kanina...

Dumating si Kgg. Manny Villar (based po ito sa nakabandera sa labas. Siguro Honorable yun kapag tinagalog, Kaggalang-galang), halos tapat ko lang dahil nga nakatayo lang kami sa may pinto. Pero wala lang. Parang just another human na dumaan at nakasalubong ko. Mahaba ang life story nya pero di ko na naisip ikwento.


Maraming kaganapan. Konti ang klase. Malapit na ang periodicals. Pero ang "kanyang" kariktan di pa rin kukupas...


Wahahahahahahahahahahaha

Sunday, August 3, 2008

Ang Buhay na Parang sandwich...

Buti pa ang sandwich, masarap kapag pinagpatong patong mo. Di tulad ng buhay, kapag problema ang patong patong di na masarap. Para siyang sandwich na nilagyan ng mayonnaise at ketchup, hot sauce, vinegar, fish sauce, lettuce, mga dilis, liver spread at coco jam. HIndi masarap...


Academically and "skill related": ang dumadatal na problema sa akin ngayon. Skill related referring to school pa rin. Sabi nga ng uncle ni Spiderman, "The greater the power the greater the responsibility". Kaso wala ka pa ngang power, anlaki na ng responsibilidad na naka-atang sayo. Pero okay lang yan. HIndi lang yan ang mga suliraning kakaharapin ko. Wala pa ako sa climax ng nobela ng 3rd year ko...


Academically dahil parating na ang periodical exams and for sure, may tatambak na quizzes, chapter tests, exams and kung anu-ano pa. Ang masaklap, lesser ang time ko magbukas ng libro dahil na rin sa di ko maintindihang mga pangyayari...

Isa pang pinagtataka ko, parang ang bilis ng panahon. Parang nung isang araw lang, nakita ko yung mga bago kong kaklase sa Entre tapos ilang araw na lang tapos na ang 1st Quarter. ANg bilis talaga ng panahon. Ang bilis din ng panahon na nasilayan ko "Siya". Haizzz... Anyways, hindi pa naman ako todong nagaaral sa periodicals ngayon though pa-bukas bukas na ako ng libro.


Kung mapapansin, puro periodicals ang nasa utak ko. Yun kasi yung pinakamalaking issue ngayon na bumabagabag sa akin. Anyways, maiba tayo. Sa lunes, meron akong inaabangang signos. Signos na sasagot sa lahat ng katanungan na umiikot sa utak ko. Sana dumating yun.


May mga updates din sa 2 cases na pinagaaralan ni Arsene (dahil nga mageexam kami!)

THE FUGITIVE'S CASE

Technologically speaking uli, andaming clues. Pero yung clues walang pinatunguhan. Yung tipong may mga tooot and ******* pero di naman sakto yung bilang. Medyo di na rin maisip ni Arsene kung ilan ang tunay na nakakaalam about sa Fugitive's Case pero nakakaramdam siya na maraming nakakaalam. Ang ibang sources maliban kay Arsene ay hindi na rin gaano nakakapagbigay ng infos. Kaya nagkakalabuan. Pero merong designated time na darating na maaring malaman na ni Arsene kung sino ang Fugitive. Meanwhile, wala pang malinaw na pagpapahayag kung ano talaga.


SEATMATE'S CASE

MAy mga updates din dito. Ito nanaman ang isa pang scenario...

Napagalaman ng napakatalinong si Arsene na nagpadala ng sulat si Dencio kay Mara. Hindi direkta ang kanyang pagbibigay komento sa kariktan at ang paghanga nya kay Maria pero makikita ang nature ng sulat ay para duon talaga. Kung titingnan, para lang siyang isang pangaasar at joke or something na medyo may papuri. Pero kung kikilatisin ng isang utak ng katulad ng akin at ni Arsene, makikita na medyo may meaning ang sulat ni Dencio. Kung paano nakuha ni Arsene ang letter, ay dahil ito sa spying skills nya na di na dapat ipagkalat.

Ganito man ang naganap, dumadagdag lamang ito sa possibilities na iniirog ni Dencio si Mara. Sa ngayon, wala pang malinaw na pahayag at clues na iniirog din ni MAra si Dencio. Ito ay isang "WHAT IF" pa lamang. Pero yung pagirog ni Dencio at kay Mara ay naghihintay lamang ng klaripikasyon.


Dahil nga sa bago ang TV na 31" at flat (talagang pinaliwanag eh no?) siyempre mas maganda kung linawan din ang cable. Kung sinong nakakaalam ng oras ipapalabas ang mga "magagandang" palabas, paki-inform lang ako thru this site or thru my ym.

Friday, August 1, 2008

How Hard it is to Lose Something you Worked For...

Medyo malungkot ako ngayon...

It's not about "her" or anyone. It's about my videos. As you see, puro pardoy ang trip ng buhay ko. Pero nga dahil sa kaganapan ngayong araw na ito na ayoko nang ikwento, ayun, dinelete ko ang mga videos na pinaghirapan ng iba kong ka-members sa 3rd Avenue Productions. Hindi ko na iniwan pa iyon. Dinelete ko na. Wala rin akong copy nung mga videos sa PC ko. Kung meron kayo, good for you kasi deleted na at hindi nyo na makikita ang MOST DISCUSSED na tawa.

Bawat hagkis ng panitik sa pambansang kamalayan...

Napili ang konsepto namin. Ang pinagisipan at pinagnilaynilayan ay nagkaroon ng fruit. Pero hindi ko sinabi na mataas ang grade natin. Ang sinabi ko lang, napili ang konsepto ng aming grupo. Di ko alam kung sinong lalaban sa taas. Pero ito lang, NO HARD FEELINGS...

Lam nyo ba, nung nakita ko ang presentasyon ng kabilang grupo, gusto ko na bumalik ng HQ. Una, nakumpleto nila ang sanaysay samantalang kami kulang, maraming mali at hindi ganuon ka-ganda ang execution. Hindi ako nagkaroon ng hard feelings. Kahit ang team namin, wala. NO HARD FEELINGS TALAGA. Pero this time, this is NOT AN INTUITION. Based kay Arsene, marami daw ang masama ang loob. Di ko alam kung anong dahilan. Pero wag naman sana ganun. We all played fairly. Sabihin man ninyong may tumayo na ST dyan sa tapat namin, WE DID NOT GET ANY IDEA. SARILING IDEA LAHAT. Malinaw nanaman. Kaya grabe na rin ang galak ko ng mapili ang aming konsepto...

Anyways, sino yung balak lumaban sa kolehiyo?


Good Days ata ngayon ng kaunti. Una kasi nga napakaganda "nya". Tapos pangalawa ayun nga, yung kaganapan sa Sabayang Pagbigkas. Tapos may mga iba pang nangyaring kaliga-ligaya...

Merong updates sa 2 cases na pinagaaralan ko...


SEATMATE'S CASE

This time, hindi nangyari ang pagiging malapit ni Dencio kay Mara. Base kay Arsene, habang ang HIGH SCHOOL DETECTIVE ay wala, siya muna ang pina-take over ko. Meron siyang mga bagong report at narito ang isa...

Nakaupo si Mara sa labas ng kanilang opisina. Dumating si Dencio na may hawak na isang bagay (ayoko sabihin yung bagay, kung magbasa nya, alam na nya na siya si Dencio). Nilalapit-lapit ni Dencio kay Mara ang bagay na nabanggit. Siyempre hindi maiiwasan na matuwa si Mara na hindi ko alam kung ikinatuwa ni Dencio. Medyo may MUTUAL AGREEMENT na napansin si Arsene, pasimpleng kalabit ang lahat ng naganap. Pahawak-hawak sa kamay atbp. Isa pang pangyayari, minsan nagtatrabaho si Mara sa kanyang desk ng dumaan si Dencio sa cubicle nya at kinalabit si Mara sa ulo. Hindi nila alam na may poging matalino at mautak na ispiya ang nakatayo at nagmamasid, si Arsene. Sabi ni Arsene, ginagawa lang ni Dencio ito kung 1. Ka-tropa nya yung kaganunan nya or ikalawa, may pagsinta siya sa tao. Ano nga kaya? Yun pa rin ang katanungan. May pagsinta ba si Dencio kay Mara? Vice versa?

Sa ngayon parami ng parami ang clues. Parami ng parami ang mga information na naeespiyahan ni Arsene. Pero malayo pa ata ako sa kasagutan...


THE FUGITIVE'S CASE

Meron na tayong 3 suspects namely, Scalene, Mario Pozo and Cent. Base sa huling investigations, lumaki ang percentage ng kay Scalene na may 55% possibility, kay Cent na may 30% possibility at hindi pa rin nawawala si Mario Pozo with the 15% possibility. Dahil na rin ito sa masusing pageespiya ni Arsene sa mga kaganapan at mga bagay na nagagawa ng pasimple. Pero ngayon, may bagong suspect. Paano nagformulate ang bagong suspect? Mayroong mga napapansin si Arsene this days, about sa mga bagay bagay na umiikot TECHNOLOGICALLY. Isinawalang bahala ito ni Arsene at inisip na pangtitrip at pabiro ang lahat. Pero isang araw, habang nakaupo si Arsene at nagmumuni-muni, may narinig siyang conversation. And it involved this new suspect. Medyo di naman nagrereact ang listener pero may mga reactions siya na nagsignify na pwede ngang maging suspect ang taong ito. Kung sino siya, siya ay si...
Vladimir- Si Vladimir ay maaring maging suspect dahil kakilala siya nung taong iniimbestigahan mula nuon hanggang sa nakilala ni Arsene ang iniimbestigahan. May possibilites na si Vladimir dahil na pwede rin na totoo ang pangaasar, saan nga ba galing ang pangaasar kundi sa mga "MEDYO KATOTOHANAN". Siya ang bagong suspect. Si Vladimir, si Cent, si Mario Pozo at si Scalene ay magkakakilala. Di nga lang nila ganun ka-close si Vladimir. Medyo may kakapalan ng mukha si Vladimir sa pakikipagusap TECHNOLOGICALLY pero malay natin kaya naging ganun dahil na rin may hindi pala nalalaman ang HIGH SCHOOL DETECTIVE sa tulong ni Arsene?


Kung mapapansin, nadagdagan nanaman ang suspects, pero bakit wala pang sagot?


Sa ngayon, wala pa akong naisarang kaso sa 2 ito at medyo matagal pa siguro...

Nadagdagan na rin ang CO. May 2 bago at isang bumalik.