Kaya pala naadik si Leo sa Detective Conan ay dahil na rin sa magandang tabas ng istorya nito. Kapapanuod ko lang ngayon nung Live Action at ako ay lubusang nagalak sa aking panunuod. UNA ay dahil na rin sa mabilis na loading ng PC namin kaya di ko na kailangan pang maghintay ng matagal para sa buffering. PANGALAWA dahil nga sa hindi ako mahilig sa anime, natuwa ako dahil Live Action. At kahit Part I pa lang ang napanood ko (Kasi ang sakit na ng mata ko), ay natuwa na ako... Marami kasing investigatory things na ineexplain na napagkokone-konekta. Saka para sa akin, bilang Vintage Spy, nakakatuwa ang manuod ng mga ganitong klaseng palabas...
Ang mga main characters lang ang ilalagay ko.
Siyempre una si Kudo Shinichi. Base sa ending ng istorya, dinukot siya at pinainom ng kung anu-anong gamot at umatras ang kanyang height at siya ay naging si Conan. Sayang na lamang si Ran, ang babaeng kanyang naiwan dahil umatras ang height nya. Ang gumanap sa Live Action ay si Oguri Shun. Parang nakita ko na ito sa Hana Yori Dango pero parang konti lang ang scripts nya.
Naisip ko na wag na ilagay ang pagmumukha nya. Oks na yun. Maari nyo sya hanapin. Next ay si Ran or Mouri Ran. Ang babaeng kasama ni Shinichi na ginanapan ni Kurokawa Tomoka.
Next naman ay si Suzuki Sonoko. SA istorya parang lagi siyang naghahanap ng pagmamahal na ginanapan ni Iwasa Mayuko.
Nakita ko ang photo ni Iwasa at di ko matiis na ilagay sa blog ko. Anyway, nag-agree naman kayo sa terms of Use eh! HAha Ito na.
Kung gusto nyo, maari kayo maghanap sa Google. Sige na. Tulog muna ako. Kanina pa akong 1 sa PC!
----------------------------------------------------------------------------------
ANG KATULOY NG TAONG MASAKIT ANG MATA...
Katunayan hindi na itong araw na ito ko ito sinulat. Next day na to. Pero lahat ng kaganapan ay kahapon pa.
Sisimulan ko sa aking pagpasok. Katunayan, wala akong gana pumasok dahil yung iba hindi rin naman papasok. Pero sabi ng iba at pati na rin ni Ephraim na kailangan pumasok kaya naisip ko na rin. Medyo late na ako umalis ng bahay dahil pinarami ko muna ang tao sa school. Pagdating ko sa Theresa, sa may Riles ng train, nakakita ako ng derailed na train. Yung ulo ay naroon sa kabilang riles. Hindi ko alam kung katuloy ito nung umaandar na car ng train o naputol sa ibang train. Pero base sa itsura nung train, parang nahiwalay talaga. Maraming usisero. Hindi na ako nakiisa pa. PAgdating sa paaralan, marami na rin ang lumisan. Siyempre sinulat ko na ang section ko. ENTRE at second ang BOOK.
Nabalitaan ko rin na meron palang naghahamon ng aming kakayahan. Meron lang akong ilang bagay na gustong linawin lalo na sa mga taong WALANG PAKUNDANGAN KUNG MAGSALITA. Unang una, alam ko hindi pagsisilbi ang gustong gawin nitong nasabing tao na ito. Gusto lamang nya ng KAPANGYARIHAN, OTORIDAD at PAGHIHIGANTI. Hindi ko alam ang problema nya. Mapapansin ito sa kanyang pahayag na siya ang magiging CORPS COMMANDER. Meron akong mensahe para sa yo, sakali mang magbasa ka ng blog ko. Una, mapagsukab ka. Pangalawa, kung naiingit ka, tigilan mo na. Mula pa 1st year, gusto mo na kami sirain or ako lang talaga. Kung gusto mo ng away, magsaksakan tayo. wag mong ipamukha na iresponsable akong tao dahil kung ako'y iresponsable, tanggal na ako sa paaralang ito. Isa pa, hindi kami nakikipag-kompitensya. Kung sa tingin mo nakikipagkumpitensya kami, bakit hindi mo kumpitesyahin ang sarili mo nang hindi ka makadamay ng ibang tao. Kung gusto mo akong sirain, wag talikuran. Magharapan tayo. Para ka namang duwag eh. Lumalaban ka ng patalikod. Wag mo na idamay SINUMAN ang related na tao sa akin. Ang pinakakinaiinisan ko sa testimonya mo ay ang aking kawalan ng kakayahan sa ganitong bagay. Bilang pandagdag na impormasyon, 2 taon ako naging isa sa pamunuan ng paaralan at 4 na taon bilang pangulo ng aming paaralan. One thing more, wag mo ipagmalaki na matalino ka ngayon. Natsambahan ka lang! Pataasan na lang ng ranking sa entrance exam! (yumayabang na naman ako. Tama na.)
Anyway, ito lang ang huling mensahe ko sayo, sakali mang hindi ko ituloy ang aking pagiging kadete, ito lang ang tandaan mo, IPAMUMUKHA SAYO NILA LEONILLE AT EPHRAIM ANG PAGKATALO MO. Pumasok man ako o hindi, wag mong asahan ang pagkakaroon mo ng mataas na posisyon dahil alam ko ang tanging pakay mo ay kaganiran. Kilala mo na kung sino ka. Para sa iyo ang buong mensahe na ito.
Nararamdaman ko na nalalapit na ang aking assassination at alam ko na maraming matutuwa. Sige ipagbunyi ninyo ang pagkalungkot ng buong mundo!
Natapos na ang aking pagsusulat. Humihingi din ako ng mga opinyon kung dapat akong mag kadete. Sabi ng aking ama, wag daw kasi baka atakihin ako ng hika. Pero meron naman akong maintenance kaya okay lang yun. Marami rin ang nagsasabi na maging kadete ako at yung iba, wag. Ngunit sa huli, nasa akin pa rin ang desisyon.
Naisipan kong tawagan ang iba kong kaklase na nabalitaan ko na WALANG PASOK sa lunes. Yung iba pumunta, yung iba, hindi.
Monday, March 31, 2008
Kaya pala...
Sunday, March 30, 2008
Ano ba talaga?
Medyo may kaunting confusion na nagaganap sa paligid ko ngayon. Base kasi sa mga naunang pahayag, wala na raw pasok bukas kung tapos ka na sa clearance at ID. Sabi naman nung ibang mga group messages, may pasok daw kasi mamimili daw ng section o magpapasa ng clearance etc. Sabi din ni Larah at ni Magat na walang pasok kung wala ka nang gagawin. Ngunit marami ang mukhang papasok bukas. Di ko rin alam kung saan ako lulugar.
Kanina. Hindi ako nakapag-online ng maaga dahil na rin sa isang kasal. Katunayan, hindi ko naman ka-close yun. Pero dahil naimbitahan ako, at naroon naman ang pangalan ko sa invitation, nakahihiya naman na hindi dumalo. Medyo elite ito. Kamag-anak ko sila. Actually, 2nd cousin ko ito. Gaya nga ng una kong sinabi, nakaaangat ito ng estado ng buhay. Kaya medyo bongga ang kasal at tila Marimar ang setting. Pati nga tugtog. Sabi dati ni Kim, ang title daw nun ay "Mahal Kita". Yun din ang tinugtog. During the nuptials, nagkaroon nanaman ako ng confusion. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto pagdating ng panahon. Kung ano ang aking susuotin sa mga panahon na iyon. Kailangan kong mamili kung puting abito na magkakasal o ang naka tuxedo/ barong na nakaharap sa isang dilag. Meron kasing mga nagsasabi na wag ko na ituloy ang aking pagpasok sa kumbento. Yung iba, oks lang. Yung iba, parang Bule, "No comment please'. Haizzzz. Pero oks lang naman ang kainan. Kasi nga naman bongga. Manila Hotel ba naman. Di rin ako nakakain ng todo kasi maraming kakau-kausap, nakikipagsosyalan at nagpapa-cute (wahahahahaha). Di talaga mawawala yun. Pero meron akong request. Sana naman next time na maimbitahan ako, ako na ang GODFATHER.
Pagkatapos ni Czarina, may lumitaw na bagong nanggugulo. Ayoko magsalita. Sabi rin ni Leo, mali ang aming perception on who is Czarina. Pero for me, siya ang salarin. At siya ang lahat. Yun lang.
Siyanga pala, sa mga tinamaan sa mga naunang pahayag ng Administrator about The Congo,. pagpasesnyahan nyo na. Ganyan talaga. Masyado lang talaga kaming masaya. Pero wag mo naman kaming Gaguhin. Well merong nagsabi na ang salitang "gago" ay hindi mura. Pero nakakasakit pa rin ito. Pero I would like to apologize SAKALI mang nasaktan ka.
Ano pa ba dapat kong ipost? Nakalimutan ko na rin. Pero paki-txt na lang sakaling may updates kung amy pasok bukas...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:12 PM
Saturday, March 29, 2008
Friday, March 28, 2008
So ano? Back to the Plan?
Andaming nangyari ngayon. Andaming desisyon na dapat pagisipan. Kaya medyo kailangan gumana ng utak ko ngayon...
ANG KADETE PART II
Nakapagbigay na ako ng Testimonya ko nuon pang December 2007. Kwinento ko na rin lahat ng naalala ko mula pa 1st year ako. Ang pagpilit nila sa akin bilang kadete. Nagbigay na rin ako ng matibay na pahayag na HINDI.
Ngunit nang kami ay naguusap-usap na magkakaibigan, napagisipan namin ni Ephraim at Leonille maging isang kadete kahit 1st quarter daw. Gagawa daw kami ng history sa headquarters. Gusto din namin itong mapasok. Ngunit isang araw habang nakatunganga ako sa tapat ng salamin, naisip ko ang aking magiging posibleng pisikal na anyo kapag naka-kadete na gupit na ako. Okay lang naman ang training, ang pahirap, at kung ano-ano pa. Ang masaklap lang talaga ay yung gupit. 4x10 ata yun eh. Pero yun nga hinahabol ko ang pin nila at yung malaking saklaw ng kapangyarihan. Saka sabi nga ni Leonille, makakapag-focus kami sa pagaaral namin.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagdesisyon. Ngunit sana talaga malinawan talaga ako kung ano ang tunay kong gusto.
ANGTRA
Kung sa pagiging kadete wala pa akong desisyon, sa section namin meron na. Entrepreneurship na talaga kahit itapon pa ako sa Pasig River. Base kay Leo nag gm (group message) daw si Carla na sa April 2 daw magdala ng 1/4 Index Card dahil duon daw isusulat ang 1st, 2nd at 3rd choice mo. Kung wala kayong index pwede kayo bumili sa akin. At a high cost.
CZARINA
To give a glimpse of Czarina, si Czarina po ay isang taong nagtatago sa katauhang anirazc. Siya ay nanggulo sa cbox ng II-Loyalty at nagbigay ng nakakasakit na mga salita. Nagkaroon ng sagutan at pilit nyang dineny na siya si CZARINA. Ngunit patuloy pa rin ako sa paggamit ng codename nya as Czarina. Tumigil si Czarina at lumitaw si black_princezs. Pinagtanggol nya si czarina at nakipag-debate din. nagkaroon din ng mainit na away mula kay Dick at black_princezs. Hanggang tumigil din si black_princezs. Nagkaroon kami ng kuro-kuro ni Leo hanggang sa lahat ng kuro-kuro ay binabantayan namin. Naisip ko pa na si black_princezs ay isa sa mga prof sa LHS. May lumitaw na bago na nagtago sa pangalang RYUZAKI. Meron siyang link pero hindi nageexist. Sabi nya PAULENE dating 4 entre. Compliment ang binigay nya. Nagkasisihan kami ni Leo sa pangyayari. Inisip ko na siya ang lahat ng ito at inisip nya na ako ang nasa likod ng lahat. May malaking possibility na AKO ang tunay na nasa likod nito dahil na rin sa last 3 digits ng IP ko ay pareho kay Czarina. Ngunit meron kaming isang bagay na ipinangako bago namin itinuloy ang investigation. TIWALA. MAy sumulpot na ang pangalan ay crying en voz. Nagbigay din siya ng magandang compliment sa blog.
Ngunit after ilang investigations, napagalaman na iisa ang IP ni Czarina at crying en voz. Ngunit magkaiba ang point of view nila. Umamin si czarina kung sino siya. Sabi nya 23 yo daw siya at sabi nya si black_princezs ay isang amerikanong exchange scholar. Part daw ng project ang mag criticize ng blog. Huling huli naman na kasinungalingan ito. Ngunit lahat talaga ng kasinungalingan ay nahuhuli, Nakita na ang IP ni black, ay nasa Makati. Isa pa, hindi na uso ang exchange scholar dito dahil wala nang tiwala ang mga ibang bansa sa bansa natin. Magkaroon man, naroon lang iyon sa top universities. One thing more, napakatanga naman nung Heather na yun para pumunta sa Pilipinas para lang mag criticize ng blog dahil sa project na yan. One last thing. ang Lussenhop ay hindi isang American surname. Sa pagamin ni czarina, maraming aberya ang nahuli. Marami siyang kapekeang ginawa sa buhay nya...
Nag-view ng friendster profile ang taong si CZARHIE. Nahuli na siya si Czarina. Hindi siya 23 yo at kasinungalingan ang lahat ng sinabi nya.
Blog Critics really exist pero hindi sila blog critics.
TERMINATION
Ang daming matatangal. Isa ang aming kaibigang sina Julian B., John Paolo M. atbp. Sa mga matatangal, goodluck. Sa mga natira. Hi.
May balita na dadagdagan pa raw ang matatangal. Wag muna tayo kampante. Andyan ang sleeping dragon.
------------------------------------------------------
Meron akong gustong sabihin. Kaso nakalimutan ko. Dadagdagan ko nalang kung sakali man.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:33 PM
Thursday, March 27, 2008
Then End is Near...
Meron akong nasagap na balita. THOUGH hindi talaga direktang sinabi ni Leo or ni Fatima sa akin, at narinig ko lang sa usapan, naitranscribe ko at nai-sequence ko na tungkol talaga ito sa akin. First of all, alam nyo kung ano ako. Bahala kayo kung anong pagtingin nyo. Ang mahalaga, buhay tayo at kaibigan ko kayong lahat. At hindi ako magtatangka sa inyo ng masama. So kung may balak kayo ikwento iyon, i-pm nyo lang ako. Pero ipapakwento ko naman kay Fatima iyon kapag nag online siya...
Meron akong inaabangan na hindi pa rin nagoonline. Busy ata...
Anyway, ayoko muna magpakasaya ng tuluyan dahil kuhanan na ng cards sa APRIL 2. Di ko lang sure kung kailangan kasama ang anak. One more, marami raw ang matatangal. MAy mga nabangit na na pangalan. PERO yung iba, undefined pa. Sigurado naman ako na bababa ako dahil sa bwisit na NAT. Ayoko na ikwento pa kasi naman maiiinis nanaman ako kay Jeslie LApus.
Medyo nagkakahalo-halo ang ideya na tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero habang nag-search ako ng JOHN PAOLO MEDRANO, nakita ko itong photo na ito.
Simula pa lang kita mo na si Medrano. Parang walang nagbago. Lalo pang nakalbo...
Kasama din ata dyan ang aking mga kaklase na sina Kim Alec Marcos at Oliver Evangelista NGUNIT hindi ko sila makita sa photo na iyan. Galing yan sa site na parang blog. Ito talaga school blog. Pero hindi siya blog. Nakalagay dito ang mga achievements ng kanilang school, ang P. Burgos Elem School. Batch '05-'06 ata ito. Merong nakapasok sa Phil. Science na siya ring naging moderator ng site, meron ding nakapasok sa Manila Science at yung iba PUP. Ang pinagtataka ko, yung kay Kim Alec ay walang result. Parang undefined. Pero nakalimutan ko yung exact words. Pero kay Oliver ata o Medrano, may resulta na... Bakit kaya ganoon? Anyway. Ito na yun. Hanapin nyo sila. Si Medrano lang nakita ko.
Kanina. Mula 8:30 hanggang 10:30 ay nakapila kami sa tapat ng registrar para makapagpapirma ng clearance. Napakatagal ng paghihintay at yung iba ay impatient na. Kaya impatient na rin ng kaunti si sir. Nakapagpapirma naman at ang nakakatuwa, di ko na kailangan pa magpa-renew ng ID. Okay pa ang ID ko hanggang next year o hanggang 4th year.
Speaking of next year, plano na namin mag-entrepreneurship talaga. Ang nakakapagtaka lang ay kung kailan makakapili ng first choice, second choice at third choice. Meron palang suggestion si Leo at Ephraim. Kung gusto nyo malaman, mas maigi kung tawagan nyo sila. To give you a shorter glimpse, hindi ito para sa buong loyalty. Pwede na rin kung gusto nyo pero para ito sa Team Ang. Next year din mababawasan ng gay sa mundo. Yung iba gagraduate, yung iba, tanggal.
Nagperform kami sa Filipino THOUGH hindi namin kagustuhan. Siyempre kapalit ng clearance.
Okay. Bago ko tapusin ang post ko, nais ko panoorin nyo ang bagong project ng Vintage Spy Pictures. (NOTE: Wag panoorin kung may magulang o nakatatanda sa paligid. Kung meron man, mas mainam na gumamit ng headset. Dahil sa lutong ng curses ni Bule, manlulumo ka) Ang sneak trailer ng
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:50 PM
Wednesday, March 26, 2008
Bakit pa kailangan gawing komplikado ang clearance???
Sa aking pinanggalingang school, mula Grade 1-6, hindi ang mga estudyante ang nagpapapirma ng clearance kundi ang adviser. Grade 6 lang kami nagkaroon dahil nga graduating kami at 3 oras lang ang pahirap na ito... Ngunit ngayon... Ibang level talaga...
Mula 1st year, andami nang aberya sa clearance namin. Dati ay yung kulang at nakalimutan namin ang resibo. Atbp. Medyo may mga naging importante rin during those times. Pero di gaano. Hassle din talaga. KAya ngayong 2nd year, SECURED lahat ng resibo ko, registration card at ID. Ngunit hindi na pala ito ang batayan ngayon...
Meron pa akong 5 natitirang di pa napipirmahan. Ang Book Society, Registrar, Principal, Homeroom at Filipino. Wala pa ako sa Book Society dahil nakaligtaan ang aking clearance. Hindi napirmahan. Tapos sa REgistrar at principal, kinakailangan muna ayusin lahat. Sa homeroom bukas pa raw kasi may deliberation pa. Sa FILIPINO, kung saan ang aming guro na si Jenalyn Lai, ay nagkaroon ng kaunting aberya... Kumpleto ang requirements at lahat ngunit may isang requirement na lumitaw na parang kabute. Bagong trip. KOMENTO NG IBA, para daw gawin tayong katatawanan, sabi naman nung iba, wala lang, sabi nung iba, no comment, sabi rin ng iba, okay lang yan, at sabi ko, ANO YUN? Yun talaga ang dapat itanong. ANO ANG ESSENCE NUN?? Ma'am, kung sakaling sa ngayon, binabasa mo ang post na ito, meron akong tanong na gusto itanong.
ANO ANG KONEKSYON NUNG PINAGAGAWA NYO SA CLEARANCE?
Para sa akin, it's another waste of time. Irrelevant to the subject. Masakit man sabihin, hindi ako natutuwa sa nangyayari. Well kung sila ay nasisiyahan, hindi ako natatawa. Walang nakakatawa dahil wala naman talagang konek. Isa pa, hindi makabuluhan at makatarungan ang pagsayaw at pagkanta kapalit ng isang pirma. Ang tunay na checking ay pagtingin kung talagang na-kumpleto ng estudyante ang TAMANG REQUIREMENTS at hindi SIDE REQUIREMENTS na irrelevant sa clearance at asignatura.
Nakakaasar talaga kung minsan. MAinit na nga, habulan pa, pila pa tapos pahiyaan pa. Ginawa namin ang kahihiyan kung talagang kinakailangan. Yung nagrerequire ng grade at relevant sa asignatura. Pero sa asignaturang Filipino na dadagdagan natin ng ka-echosan, parang katawa-tawa ang ganitong uri ng plano. Kung mabasa mo man ito ma'am, FINE. At least naibigay ko ang KARAMIHAN sa hinaing ng mga taong nag-perform sa harap nyo kanina. Or kung hindi nyo mabasa okay lang rin at least nailagay ko ang hinaing ko sa mga bagay na walang konek.
Sa SCO, 5 ang taong pipirma sa iyo. Ang ika-4 ay magbibigay ng katanungan. Anyway, nagpapasalamat pala ako kay Lloyd Angel Lemoncito.
Tapos sa Hi-y, nahuli pala ang aming napakasayang pagtakas. KAya pinabilang kami ng nawawalang bintana. Si Leo, kalunos-lunos ang ginawa. NAglinis ng binagyong locker room...
Isa pa, nakasira ako ng 2 locks sa locker room. Bukas ko itutuloy ang aking LUPIN MISSIONS.
Wala muna ako gana magpost kasi grabe pahirap talaga. Abangan ang mga mura ni Bule.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:01 PM
Tuesday, March 25, 2008
The WHEN is still unwritten...
Kung talagang may pera lang ako, bibigyan ko siya ng bagong PC, na may internet. Kasi may mga times talaga na nauurat na ako sa paghihintay kung kailan siya mag-oonline. Napakadalang... Haizzzz..... Ang mundo talaga.. Kung pwede lang.... Kaso hindi.... Di na nga rin ata siya magoonline ngayon.... Kakadepressed talaga... Huhuhuhu.. Wahahaha
Andrama pa ng sounds nung Loyalty. Kailan...
Anyway, merong isang nilalang; di ko alam kung 2 sila na meron talagang TRIP sa Section Blog namin. Ayoko na sila pagusapan kasi moron sila. Sabi ni "L" kilala na nya. Dahil dyan, IT's DESTABILIZATION TIME!!!!! Langhiya ka, pati trip ko inagaw mong moron ka. Sige lang...
Nagkaroon na ngayon ng eleksyon. Pero bago ang eleksyon, misa muna. Naging sakristan ako ng hindi ko inaasahan. Akalain mo yun? Ano kaya yun, Divine Intervention na kinakailangan ko na talaga magpari at talikuran ang sinabi ng 4 na tao na wag na ako magpari o talikuran ang pagpapari? 13 years ata yun. Pero napakaimportante para sa akin ang 4 na iyon. Hindi dahil humindi sila kundi dahil na rin sa talagang importante sila!!! HAHA!!! WOHOOO!!!!! Isa duon ang hinihintay ko sa PC ko...
Anyway, di ako nakuntento sa misa at dumiretso sa Baccalaureate Service pagkatapos sa Baccalaureate Mass. Magaling ang speaker at tinamaan kami ng kaunting kahibangan. Pero magaling magsalita ang speaker. Pang Oscar nominee. Galing. Di lang nya basta kwinento, inexpress pa nya! WITH SCRIPTS AND COMPLETE FEELINGS!!!! Lupit talaga magsalita. Kahanga-hanga. Yan ang mga taong masarap kausap. Andaming maikukwento.
Tapos eleksyon. Ang naalala kong binoto ko sa pagkapangulo ay isang kandidato sa presidency. Tapos ganun din sa Vice, sec, treasurer, at auditor. Pati sa reps. Sana nga paahunin naman nila ang paaralan para tumigil na ako kakareklamo...
Teka, RECOGNITION BA BUKAS???? Di naman ako nakatanggap ng sulat! SAka kay Marimar pala, sensya na kasi medyo tinotopak na kami kanina kasi andami sumisingit sa amin.
One thing more, wag nyo na alamin kung sino si Maria. Ito lang kasi ang pangalan na binuo ng mapaglaro kong isip. Hindi siya codename or something. Pangalan siya. Pero may apelyido na! Di lang halata pero ganun yun... Anyway, nahihibang nanaman ako... Parang lumalabas nanaman ang aking pagkamakata na pilit ko nanamang pinipigil.
Meron pala akong anunsyo. Isang sentence lang...
OO. Ikaw mismo. Ikaw ngayon. Bakit ka pa nagtataka eh nabasa mo naman! OO! IKAW! MALINAW! Haha. Sige. Itext mo ako in this number 09228xxxxxx... Haha
Anyway. Our mind is set. Kukunin namin ang Entrepreneurship bilang aming Section. Pero makakapili nga ba? Bakit wala pa? POWTEK. Sige na. Wala kasi siyang phone eh. Di ko tuloy ma text... Haizzzzz.... Kaasar talaga. Ang mundo.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:20 PM
Monday, March 24, 2008
The Pursuit of Happiness
Hindi kami nag-strive ng kasiyahan. Or ginaya si Will Smith bilang Chris Gardner. Ibang pursuit ang hinanap namin in the sense na sasaya din kami. Ito ang paglusot sa matitinding mata na nakabantay. Pero mamaya ko na siguro ikukwento...
Merong Meeting de Avance ngayon sa aming school. Kaya lang ang pagkakaintindi ata ng iba sa Meeting de Avance ay campaign. Ang ibig sabihin nito batay sa isang source ay Meeting in Progress. Dito mo sinasabi ang plano, plataporma at trip mong ayusin o baguhin sa administrasyong kasalukuyan. Ang ginawa ng iba ay kampanya kung saan sinabi nila na "Iboto nyo ako." Well unang una, nasa tao ang pasya kung iboboto ka nila. Dapat ganito, "Kung iboboto nyo ako... blah blah blah etc." At least sa ganoong paraan naipakita mo ang plataporma at plano mo para sa Laboratory Highschool. One thing more. Ang meeting de avance ay hindi lokohan. Hindi baklaan. Hindi sosyalan. Dito mo ibabase ang UTAK, PLANO, at IDEYA ng isang kandidato. Hindi ito mototrcade ng pangangampanya...
Sino kaya ang TANGING KANDIDATO na nangako ng isang promenade? Meron siyang 98% ng pagkapanalo. Una ay dahil marami akong nakakausap na naghahanap ng promenade. Palagi kasing retreat lang. Well kung ako naman ang tatanungin, okay lang sa akin ang kahit ano. Kasi di ba, may mga times na tila nakakapagod din ang pagtira mo sa Maynila. Minsan naghahanap ako ng repose kung saan maari at may malaking chances na makita mo sa isang retreat. Sa promenade naman, siguro nga MUST na maramdaman natin ito since nasa highschool tayo. Ito kasi siguro ang PINAKAMASAYA at PINAKAMAKULAY na araw sa iba. PAra sa akin naman, siguro nga, mas maganda kung magkaroon tayo ng ganyan sa 3rd year. Tapos pag nag 4th year tayo, retreat na. Para 2!!! WAHAHAHA... Anyway, Neutral pa rin ako at sa tingin ko ay wala akong maisip iboto. Siguro ganito na lang. Bukas ibibigay ang balota. Tapos pupunitin ko at manghihingi ako ng 5 pounds ng baboy.
Hindi kami gaano interesado sa Meeting de Avance dahil nga sa hindi namin marinig ang sound system. Meron kami dapat susuportahan pero hindi dumating. Kinausap pa namin ang 1st year. Sayang lang...
So ito na ang pursuit. Isa-isa kaming tumakas para lang kumain dahil mahirap maupo sa isang maduming sahig lalo pa't kumakalam ang iyong sikmura. Nakakain naman kami at tila di makapaniwala ang tindera ng sabihin ni Leo na 2nd Year lang kami. Well height pa lang ang nakita nya. Paano pa kaya kung ang nakita na nya ay yung nasa babang part???? Baka lalo siya magulat at di makapaniwala.. Anyway, don't take me wrong sapatos ang sinasabi ko. PAgbalik namin, isa-isa rin. Nakatakas kami though isang SINGER, mga kadete at mga kaklase, mapagsukab man o hindi ang nasa paligid.
Dumating ang kapatid ni Ephraim. Sayang at hindi namin siya matuturuan ng lessons di gaya ng kapatid ni Balicoco. Nakakita din kami ng isang lalaki kanina na inakalang BEACH RESORT ang LHS. Nagsama pa ng 3 dilag na siyang KINATAYUAN ni Leo. Ang lalaking nasabi ay naka-Hawaiian shorts at polo, naka-flip flops at sun-glasses. Angas nga. Hindi ako makapaglaro ng Godfather kasi naman ang dilim ng settings. Di ko makita sa liwanag.
Bukas na ang eleksyon. Meron pala akong mensahe bago ko tapusin ang post na ito. Isang pangungusap lang ito. "I did my best but I guess my best wasn't good enough." So nagawa ko na ang part ko. Wag nyo na ako sumbatan.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:24 PM
Saturday, March 22, 2008
All Hail, The New Godfather...
Sabi nila, wag nang pabukasin ang kaya naman ngayon, narito na ang bagong Godfather ng Corleone. Si Don Daniel. At narito ang kanyang evolution mula ng siya ay outsider pa lamang.
Ito ang kanyang gayak ng siya ay bugbugin ng ibang siga sa New York.
Tapos medyo umangat ang buhay nya pero Outsider pa rin...
NA-promote si Daniel bilang Associate.
Tapos naging Soldier...
Then the Capo. Base sa Encarta Dictionary, ito ang leader halos ng Mafia na organization. Pero base sa Corleone, 3rd rank ito.
Then the next in rank, Underboss, binigay ni Michael Corleone.
Sa aking Safehouse...
Bago pumasok sa Corleone Compound
Ang pagtatalaga bilang Godfather. (Meron ako nito sa cellphone video.)
Sa Safehouse...
Marami pang iba. Pero andami masyado. Ansakit na ng ulo ko kakalaro. Sige. Hanggang dyan na lang muna. Kailangan ko pa maging Don ng New York City...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:34 PM
Live for nothing, or die for something...
Tuwing Maundy Thursday, hindi gaano kagandahan ang mga pinapalabas na pelikula at shows sa TV. Siguro yung iba, trip nila. Pero di ko kasi minsan trip. Kaya napag-isip ko na bumili na lang ng DVD sa Quiapo. Siyempre kahit i-raid ng maraming beses yan, nandyan pa rin yan. Parang daga. Gabi na ako ng nagsimulang manood kasi naglaro pa ako ng Godfather. Ang una kong pinanood ay John Rambo IV.
Hindi ko napanood ang Rambo 1,2 at 3. Pero sabi ng tatay ko, sa Rambo 3, iniwan daw siya ng taong nagutos sa kanya. Ang colonel. Pagkatapos nyang gawin ang misyon nya sa Vietnam, iniwan siya. Kaya nagalit siya. Sa Rambo IV kasi, ang pinakasimula nasa isang lugar siya sa SouthEast Asi (hindi ko alam kung Thailand) kung saan ang kanyang trabaho ay manghuli ng ahas at i-trade ito sa isang Entertainer na ang business ay pakikipaglaro sa ahas. Hanggang nagpatulong sa kanya ang mga missionaries na pumunta sa Burma para magdala ng relief goods. During those times pala, ang Burma ay binabantayan ng mga KOmunista. Malupit ang komunista at brutal pumatay. Marami pang drama bago pumayag si Rambo na sumama sa Burma bilang boatman (yun ang sideline nya. Narating nila ang Burma kahit may humarang sa kanila. Hanggang hindi na nakabalik ang mga missionaries dahil nabihag sila ng mga komunista. Dumating ang pastor nung mga missionaries at naghire ng mercenaries (ito ang mga sundalo o mamatay tao na bayaran. Pero malulupit sa labanan). Hinire din si Rambo para ihatid muli ang mga mercenaries sa Burma. Wala gaanong script si Rambo. Narating nila ang Burma pero sumama si Rambo sa mga mercenaries dala lamang ang bow and arrow. To make the story short, nakuha nila lahat ng hostages at nagkaroon ng enkwentro sa gubat kung saan naubos ang mga komunista. May mga ilang bagay lang akong napansin na kakaiba...
Sa isang scene doon, mayroong sundalo na nagdala ng batang lalaki sa kwarto nung pinaka-leader ng komunista at sinara nito ang pinto. Siyempre, ibig sabihin nuon, BI ang leader. Brutal din ang patayan sa Rambo. ISang bala lang, lipad na ang ulo. Walang duda na nagustuhan ni Aljon. Brutal din ang pagkamatay nung leader dahil nailabas ang intestine at ang iba pang digestive system gamit lang ang kutsilyo ni Rambo...
Dahil nakita namin na 9 palang, sinaksak naman namin ang I Am Legend. Meron na ako nito. Matagal na. Masyado kasing manipis ang disk kaya hindi mabasa nung player. Tungkol ito sa isang nilalang na naiwan sa mundo matapos ang pagkalat ng virus. Marami lang siyang struggle...
Siyempre gabi na kaya di na itinuloy kaya kinabukasan naman ay ang Pistol Whipped. Siyempre, patayan din yun. Pero parang ayoko na ikwento. Ang haba kasi. Makikita nyo naman yan sa Quiapo along Echague.
Sa Godfather ko naman, patapos na ako. Last mission na. Ang konti lang pala ng missions dun!
-------------------GOODNEWS------------------------
Katunayan, ang Good News ay para sa akin lang. Nagagalak ako na nasakop ko na ang Stracci, Tattaglias, Cuneo at Barzinni. Siyempre ako taga Corleone. To explain it, ang lahat ng nasabing pamilya ay nasa Godfather. As a matter of fact, ngayong araw na ito, natapos ang pagiging underboss ko matapos kong bombahin ang safe house ng 4 na kalabang pamilya. Dahil dyan, ako na ang bagong Godfather at ang bagong Don ng mga Corleone. Ang porma pa eh. Papupuntahin ka sa Corleone Compound tapos may makikita kang lalaking naka-upo sa Swivel Chair. Pagkatapos, maraming taong nakapaligid at may hahalik sa kamay nung nakaupo. Haharap ang nakaupo at ikaw pala iyon. Haha. Ang drama ng promotion ko. Ito na. Last na ito. Game Completion. Ako naman ang tatanghaling Don of New York City. Whew. Sarap talaga maging Godfather!!!! Eenjoyin ko muna ang pagiging Don ko...
To give a brief background, magsisimula ka bilang Outsider. Tapos uutusan ka at ma-promote ka bilang Associate. Ito ang may pinakamaraming missions pagkatapos ng Outsider. Tapos magiging Soldier ka. Siyempre di mawawala ang mga traydor at inggitero sa istorya na may balak pumatay kay Don Vito Corleone. Ang pinaka-Don ng lahat ng Corleone Family. Tapos ma-promote ka uli as Capo. During Capo meron ka nang 3 ranks. Kumbaga sa Heneral, 3 star ka na. Mamamatay si Sam Corleone at siyempre may mga traydor pa rin tapos mamatay na rin si Don Vito. Darating si Micheal, anak ni Don Vito at pahihirapan ka ng kaunti para makita ang katapatan mo na magpo-promote sayo bilang Underboss. Sa pagiging underboss, napaka-konti lang ng missions. Bobombahin mo lang ang 4 na kalabang pamilya. Pero hindi madali. Ikaw lang magisa. Tapos pag natapos mo iyon, ikaw na ang magiging Godfather ng Corleones or magiging Don. So ang character ko ngayon ay si Don Daniel. Siguro bukas ko na ilalabas ang medyo nabagong itsura ng character ko...
----------------------Isang MALINAW NA PAGLILINAW-----------
Sa Motel, makikita natin ang TAXI ROOM at GARAGE ROOM... Hindi po ibig sabihin na mukhang taxi o mukhang garahe ang room katulad ng naiisip ko nung bata pa ako. ang Prince Court lamang ang may amenities na ang kama ay nasa eroplano, safari, vintage na kotse or kahit saan pa. Sa Eurotel naman ay may wallpaper ng tourist spots sa Europe. Pero ANG LAHAT NG MOTELS AY MAY TAXI ROOM AT GARAGE ROOM. Sabi ko nga kanina, hindi ito modeled as Taxi or Garahe. Kung mapapansin, ang motel ay mayroong stlyes. May ibang motel na may garahe. Ito ang Garage Room. Ang garage room ay mas mahal kaysa sa Taxi dahil ang Garage ay may garahe. Mas malaki ang Privacy sa garage room dahil kapag ipinasok mo ang sasakyan sa Garahe ay siguradong diretso na kayong kwarto or rooms. Kapag taxi room naman, ito ang mga rooms ng walang sasakyan. Iniikot lang ng taxi sa entrance at ikaw ay bababa at didiretso ka sa room. Ang pinagkaiba nila ay ang garage room ay may garahe samantalang ang taxi room ay walang garahe...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:46 AM
Thursday, March 20, 2008
Isang Pagbabalik Tanaw...
May posibilidad na umalis pala ako ng Manila at iwanan muna ang PC ko panandalian. Kaya naisip ko na ngayon gawin ang pagbabalik tanaw sa aking ikalawang taon...
Sisimulan ko sa unang araw. Siyempre kapag unang araw, kinakailangan magpagupit ng 3x5. Siyempre sumunod ako. Di naman pala i-check. Meron akong nakita na nakasuot ng uniform ng ama, or nang nakababatang kapatid. Karamihan naman eh sakto lang. Siyempre di ko pa kilala ang aking mga kaklase. Ang aking utak ay panay nuong ako'y nasa unang taon pa. Nakilala ko rin ang aming adviser. Nuong ako'y first year, bali-balita na siya ay kinatatakutan dahil sa kanyang kalupitan. Pero ng siya ay nag-introduce, mukhang hindi naman. Na-conclude ko na mali ang sinasabi sa akin. Sinabi nya na pwede na raw ang haircut na 2x3. Yun ang bagay na tinandaan ko sa nagdaang 10 mos. Yun na rin ang gupit na sinunod ko sa buong taon. Katunayan, mas madalang akong ilista sa ganoong gupit kaysa 3x 5, white side wall ko dati. Medyo magulo rin. Mayroong 2 bagong guro na itinalaga. Si Mam Del Rosario at Mam Lai. Kapalit ni Mam Udtohan at Bayani Agbaya-I mean Sr. Ortiz. Ngunit di nagtapos ang lahat sa ganun...
NAgkaroon ng lipatan ng upuan. Nalipat ako sa harap mula sa pinakalikod na kasalukuyang kinauupuan ni Harvy T. Dapat ang makakatabi ko ay si Aracelli B. Ngunit napalitan ng isang kaklase ko rin dati (hindi ko ibibigay ang description nya kasi nagbabasa siya ng blog ko) na si Fatima S. Sa aking kaliwa ay si Czarlaine B., sa aking harap ay kaklase ko rin na si Joseph B., at sa likod ko ay si Aljon L. Palagi kong nakakausap ang nasa likod ko na si Aljon dahil na rin siguro sa mahirap kausap ang galing sa mental, I mean si Fatima. Hindi ko rin naman nakakausap si Czarlaine kasi meron gap between sa upuan so halatang nakikipagkwentuhan ka kung sakali. Si Joseph naman ay kausap si Pat. KAya si Aljon ang nakakausap ko. HAnggang sumama na sa aming pagkain si Aljon. Si Leo ay nagkaroon ng unang crush na si !$!@*$^!@*$%&! (hindi sakto yung letra.).
Muling bumalik ang aking pagka-adik sa NFS. LAlo pa ngayon na naglabas ng NFS Most WAnted. Unang naglaban ay kaming 3 ni Leo at Ephraim kung saan Landslide Victory ang nangyari para kay Leo. NAgkaroon ng rematch and during those times Landslide Victory naman para sa akin (katunayan mula Mt. Everest ang landslide... Hehe.) Sumama na si Jeffery B. at nakita namin ang husay nya sa NFS. LAlo pa nuong sumama na si Julian B. kung saan mahirap manalo. Tinawag siyang Lord Julian dahil sa mga pangyayari. Tuwing nag NFS kami, ginagamit namin ang pangalan ng mga "crush". Ang ginamit kong ARJAES ay isang PANLITO. Upang di makita ang tunay na tangka ko. It never existed. Ginamit ni Leo ang pangalan ng crush nya at si Ephraim ay HADO. Dahil sa kagustuhan namin malaman kung sino si HADO, pinangalanan namin kung sino ang mga taong nakapaloob. Ginamit ko si Rosabelle kahit napakatagal ko na siyang nakalimutan. Ginamit ni Jeffrey si $!@$^!*$ (di rin sakto) at ginamit ni Leo ay yun pa rin. Pero si Ephraim, HADO pa rin...
Gumawa ng issue ang HADO. NAging usap-usapan kung sino siya. Pero bago kami umuwi, sinabi ni Eph sa amin ang salitang "englishin mo" na ang pagkakarinig namin ay "baliktarin mo". May nanghuhula na si Jade at si PAtricia daw. IBa-iba rin ang kuro-kuro ng bawat isa. Nagkaroon ng harrasment until sinabi din ni Eph kung sino. Si Jade nga. Hindi ito nagtagal dahil napalitan ito ng taga ibang section at napalitan muli galing din sa section na yun na siyang naging asawa nya. Si Leo naman binago ang pangalan sa NFS bilang Songsong. Napapansin namin ang hindi pagdalo sa amin ng adviser namin. Di siya pumapasok. Parang wala kaming adviser. NAbuhay kami thru the efforts of some of our officers...
Nagbago ang lahat ng bagay. Natigil ang NFS. Natigil ang kung anu-ano pa. Natapos ang first quarter. Nagkaroon ng blog ang Loyalty atbp. Nagiba rin ang crush ni Leo. NAging si ^$!*@^$&*! (di uli sakto). Ngunit one day, nalaman ko na sila na ni Songsong. Well nagkaroon kami ng bagong buhay nila Ephraim. Pumupunta kami sa MAster Daks (computer shop) tuwing uwian. Located ito sa Hipodromo St. Nag-San Andreas ako at kung ano ano pang trip. Sumasama din si Leo. Hanggang isang araw, sarado ang computer shop at dumiretso kami kanila Medrano. Duon kami nag Freestyle ni Ephraim. Ang larong di ko nabuksan sa loob ng 2 taon mula mag 1st yr ako. Ayoko na sabihin ang nangyari kasi baka ipalaro nyo sa akin ang mga accounts nyo. Natigil ang paglalaro namin nang magsungit ang kuya ni Medrano na si Medrano din.
Marami ring pagbabago ang naganap. Hindi na sumasama sa amin si Leo tuwing breaktime at uwian. Nagbago rin ang ugali ng iba ko dating ka-tropa maliban kay Dan. NAgkaroon ng kaunting kaguluhan sa aking neutralism ngunit di ko na bablakin pang ikwento iyon. He's my friend. Nagkaroon ng kung anu-anong kaguluhan. Nakakuha ako sa kauna-unahang pagkakataon ng 79 sa Algebra.
Nagkaroon ng Foundation Day pero as usual, di pa rin ako nahuli UNLESS nagpahuli talaga ako. Then dumating ang Christmas Party. Lahat ng section mayroong adviser. Dumating ang aming adviser. Ngunit nagbigay lang ng 2 minute message. Lubos ang aming pagkainggit sa ibang sections dahil wala kaming Homeroom. Hindi namin ramdam ang isang section na may adviser. Kung titingnan, kami ang pinaka-kawawang section. Pero dahil sa tapang namin, ginawa namin ito ng kusa. Walang nakatatandang tumutulong. Natapos ang Christmas Party. NAgkaroon ng pasko at bagong taon. Pagbalik last quarter na. Lumabas ang galing at tunay na talento ng aking mga kaklase. Ang kanilang tunay na ganda at skills na hindi ko nakikita dati. 50 sila. Andami para i-enumerate. During the 4th Quarter, pinanganak ang Team Ang. Nagkaroon ng Pop Idol kung saan kasama sa TAF 6 si Songsong. NAgkaroon ng Sportsfest kung saan nanalo kami as 2nd place together with the III-Bookkeeping. Nagkaroon ng Golden Dynasty ang Team Ang. Ngunit hindi ko inakala na 3 buwan ang 4th quarter. NApakabilis lumipas ng 4th Quarter at nariyan na ang NAT at CLearnace na nasa bond paper na. Hindi pa naiaanounce ang pagkapanalo namin sa TEAM ANG...
Nagkaroon ng The Congo. Nang makita ko ang kooperasyon at pagkakaisa ng aking mga kaklase, ngayon ko lang naisip na napakaganda palang section ang kinabilangan ko. Ngayon ko lang na-appreciate lahat ng bagay. NGayon lang namulat ang mata ko, na napakalinis pa pala ng records namin. During this times ko lang nakita na kahit anong pangaapi, ay nalmpasan na namin without any adviser. Kaya at least, bago natapos ang taon na ito ng Loyalty 07-08, maipagmamalaki ko na mula ako dyan at dyan ako nagmula (medyo magulo)...
Malapit na ang Eleksyon. DI na ako tumakbo kasi ayoko na magpagamit. Pero I hope na suportahan natin ang mga classmates natin.
Merong gagong nilalang siguro na nainggit sa blog nating Loyalty at nanggugulo. Nagtatago siya sa pangalang anirazc. KApag binaliktad mo ay Czarina.
NGayon magtatapos na ang ating taon, naiba ang perception ko sa mga kaklase ko ngayon di tulad nung una kaming magkaroon ng class picture...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:51 PM
Wednesday, March 19, 2008
Ang una at huling kahihiyan
NAbasa ko sa blog ni Leo ang posibilidad ng 3 biktorya (victory). Mayroong 50% possibility na talagang magkaroon ng victory ang Golden Dynasty ng Group 5. Ang ANG. Pero kung manalo ang Group 1, ang tanging masasabi ko ay HAIZZZZZZ.
NAgloko kahapon ang signal ng SUN. Di makatawag at maka-text. Suck the Sun.
NAgsayawan din kami in the tune of my favorite song, Canon. Dahil na rin sa aming ingenuity, mukha kaming gentleman pero tanga. Pero okay na rin yun. Kaysa wala kaming gagawin...
Ano bang dapat kong i-post? Ang masasabi ko lang ay mula pa kahapon ay masaya ako. Hanggang ngayon!! YAHOOO!!!!
ITO ANG KATULOY NG WALANG SAWA KONG PAGSUSULAT...
Hindi ko muna siguro i-summarize lahat ng nangyari sa section ko dahil baka hindi ko kayanin ang pressure. Basta ang naiisip ko, parting nanaman. Naalala ko ang mga araw ng ako ay first year pa. Actually, buhay pa ang keychain na binigay (actually, pinapabayad yun, di ko binayaran) ng treasurer. Merong isang bagay sa Loyalty na hindi ko siguro makakalimutan. Ito na siguro ang taon na nagkaroon ako ng indiidwalidad, sariling pagiisip, at pagiging isang neutral. Buong taon ako naging neutral dahil na rin sa aking pagiwas sa gulo. Pero kung ang Thailand nga, nagbuffer-state nagkaroon pa rin ng kaguluhan, ako pa kaya na isang indibidwal lang? Bago pa man ako pumasok ng 2nd year, alam ko na ang seksyon ko ay Loyalty. Katunayan, naging masaya ako dahil 2 sa mga katropa ko dati ay magiging kaklase ko. Si Ephraim at Leonille. Pero nasama si Julian. SI Dan napahiwalay at nagsama si Rojan at Victor. Hindi nga ako nagkamali. Naging masaya ako. Hindi masaya in the sense that puro halakhakan. Naging adventurous ang taon. Na-meet ko siguro ang bawat karakter ng aking kaklase. Though nuong 1st year ako, medyo kilala ko na yung iba, hindi ako focused sa mga ganoong bagay. Focused ako dati sa adjusting. Sabi nga sa ROMEO ANG JULIET, "Parting is such a sweet sorrow,but I shall say goodbye until tomorrow." Actually wala talagang bagay na permanente. Lahat natatapos. Hindi naman pwede magsiksikan uli tayo sa iisang seksyon. Dati, sabi nila ang 2nd year daw ay mahirap. Puro aral. Pero ngayon ko nalaman na medyo totoo pero di gaano. Mahirap siya in the sense that talagang aral. Dagdagan pa ng NAT. Pero once na naitapak mo na ang paa mo, mararamdaman mo na malamig pala. Sabi ko nga di ako mag-reminisce pa. SAka na. Sa Lunes na lang siguro...
As a matter of fact, meron nanaman akong pasasalamatan sa aming sinayaw ngayon. Una, si Joseph. Siya ang choreographer at kahit may sinat siya, pinilit pa rin nya pumasok. Sensya na pala sa mga kagrupo ko. Pangalawa, kay Leo. Siya kasi ang nagpagamit ng bahay at sounds. At sa lahat ng Sinatras, salamat sa kooperasyon. Ito ang HULING KAHIHIYAN na ginawa natin. Katunayan, ito ang kahihiyang inenjoy ko.
Pinapanood ko uli ang The Congo natin. Medyo may napansin ako. Si Patricia ay masyadong magalaw. Yung iba rin ay magalaw. May mga ngummiti din. PEro who cares? NAnalo naman..
Anyway classmates, Sinatras and people, nasa akin ang FULL FOOTAGE ng The Congo ng II-Loyalty at Jazz ng Sinatra. Kung nais nyong kumuha ng kopya, makipagugnayan lamang sa akin o kay Leo. Hindi pa siya ilalabas pero pwede na kayo mag-place ng reservations!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:18 PM
Tuesday, March 18, 2008
I Offer my Salutes to my Section
ITo ang araw na pinakahihintay. Ang presentation ng THE CONGO. Ginanap ito sa AVR kung saan naglaban ang dalawang seksiyon. Well I had hoped for it and the people guessed that we should really the contest. Siyempre efforts ito ng buong section. Nagbunga ang paghihirap ng approximately 4 practices, 2 days of the choreography at ang cramming na costume. Grabe talaga. Haizzz. Andami kong gustong pasalamatan. Una ay si Larah na walang sawang pagtiisan ang aming section, then si Joanah na nakapagtiis at nagpakahirap din sa breathtaking choreography natin, kay Don Kim na nagpahiram sa akin ng sutana, salamat sa mga taong humiram ng bass drum. Your efforts are appreciated. Di rin nagamit. Salamat din sa nagdala ng bamboo kasi nakatulong ito dahil hindi rin nakapagpahiram si mam ng bamboo, I also thank the people na talagang ginawa akong pari. Nagpapasalamat din ang II-Loyalty sa mga taong nangapi, nangalipusta o nangasar sa aming ginawa. You made us strong enough para tibayan ang aming loob. SAlamat din kay Dan sa pagkuha nya ng video ng Congo namin. Salamat din kay Oliver na nagtulak sa amin, salamat kay Leo sa kanyang madamdaming pagganap bilang mumbo jumbo. Salamat kay Ephraim dahil sinabayan nya ang aking ginagawa ng hindi ko na alam ang script. And nagpapasalamat talaga ako sa II-Loyalty dahil sa inyong cooperation.
Meron pala akong message sa II-Honesty...
Hindi ako pumunta sa Guidance office to seek war. Or para magkaroon tayo ng gulo by section or 1 vs. 53. Hindi ko rin inisip na pumunta sa guidance para sirain ang kasiyahan nyo. Hindi namin tinangka na guluhin ang anumang scheduled activities nyo ngayong araw na ito. Ginawa ko iyon para mabigyang hustisya ang aking pagkakabasa. Hindi ko sinumbong na nagbabasaan kayo or whatsoever. Sinumbong ko na nabasa ako. Wag nyo akong husgahan BATAY SA INYONG SARILING KURO-KURO O MGA TAONG NAGSASABI NG KASIRAAN PATUNGKOL SA AKIN. Humihingi ako ng paumanhin kung sakaling nagulo ko ang kasiyahan nyo. Ngunit wag nyo naman ako sisihin. Ginawa ko ang dapat kong gawin. Unang una, bilang paglilinaw, HINDI KAMI NANUOD O NAKISAMA SA BASAAN NGUNIT MAYROONG NAGTANGKA MAMBASA SA AMIN AT AKO ANG TINAMAAN. Sa susunod kasi, kung sino man ang gumawa nun, ingatan nyo ang binabasa nyo. PAngalawang paglilinaw, HINDI AKO NAGHAMON NG SAPAKAN. Ikatlong paglilinaw, KAILANMAN AY HINDI AKO NAGHANAP NG GULO. GINUSTO KO ANG KAPAYAPAAN NGUNIT ANG GULO ANG LUMAPIT SA AKIN. Yun lamang. At sana naman sa mga kaklase kong nagpapadala rin sa sabi-sabi, Timbangin nyo ang pangyayari. Yun lang.
NAg-practice kami ng sayaw. Abangan ang Sinatras bukas!!
Dadagdagan ko nalang ito pag trip ko na!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:38 PM
Monday, March 17, 2008
Ang mga taong nakuhaan ng aking CAMera.
Bago ko simulan ang Nakatutuwa at nakaaaliw kong post, meron akong isang bagay na nais sabihin sa isang napakagandang dilag. Tatawagin natin siyang "Maria". Hindi ko nais gayahin si JOseph sa Tanaga nya. On the spot ito. Kung ano lang ang pumasok sa utak ko. Una sigurado ako na hindi nya alam na para sa kanya ito dahil na rin siguro sa minsan lang siya nagbabasa ng PORN (Philippine Organization of Respected Networks) site. At ang aking blog ang isa sa mga nabanggit. Pero kahit hindi nya alam, at least sinulat ko rin. Para na rin maging record of past events ito. Haha...
Sa tuwing ang ulap ay nahahawi,
Aking puso'y di mabawi,
Pinukaw mo ang aking damdamin
Tila liwanag na nagniningning.
O aking sintang Maria,
Ika'y sa aki'y nagbigay tuwa,
Iyong kariktan at ngiti
Sinisira maging ang salapi
O pagsintang labis na di inasahan
Pag pumasok sa puso ninuman,
Hahamakin maging magpakailanman
Maging ang walang hanggan
Itong sulati'y wala mang lasa
Lagyan mo ng maraming suka
O kung ika'y kinulang pa,
Samahan mo ng aking pagdadalita
Kung ang babasang pantas,
Di nasiyahan sa patatas,
Masisiyahan din nang makita
Ang site kong puno ng hiwaga
Maaring ako'y nahibang,
Dahil na rin sa pagka-tigang,
Hinihintay iyong kasagutan,
Panakip sa aking kalungkutan.
Ika'y nagbigay kulay,
Sa bawat daanang buhay
Nawa'y ika'y maging tulay,
Nang hindi mawalan ng saysay...
Katunayan hindi ko pinaghirapan yan. Kung ano lang ang pumasok sa utak ko. Teka, kanino nga ba addressed yan? Wala lang akong magamit na pangalan kaya Maria ang naisip ko. HAha. Sabog na naman siguro ako kasi binasa ko uli ang Florante at Laura.
Back to the MAIN DISH.
WAla klase ngayon. Kaya puro conggo ngayon. NAtapos naman namin. Pero may isang nangyari na nasaktan ang karamihan sa amin. Pero hindi ko na ikukwento kasi humingi naman ng apology. OKay na yun. Tapos since taga Pilipinas lang naman ang nasabing dilag, siyempre masaya ako. MInsan ko nga lang makita yun eh. (NP: gaano kadalas ang minsan). Meron akong nalaman na sikreto. Pero secret yun. May bago nanaman nabuo ngayong grupo. Maliban sa BEST NAME, 3rd PLACER SA CHEERING, BEST IN REPORTING at BEST IN QUIZZES at may posibiladad na manalo; ang Team Ang, merong bagong grupo naman sa P.E. ITo ang SINATRAS. Grupo ito ng mga pimp na POGI pero parang gay (masayahin). Sa Wednesday nyo na sila makikilala.
As a matter of fact, habang tumutugtog sa speaker ko ang Lupang Hinirang, naiisip ko si Pacquiao. Victorious si Pacquiao pero marami ang kumukwestiyon. Well as a Filipino, bakit pa natin kukwestiyunin? Gago rin yung ibang Pilipino na kumukwestyon. Hipokrito sila, gusto rin naman nila manalo si Pacman. During these days parang na-vivisualize ko lagi ang kabayanihan ng mga Pilipino. Siyempre, ringtone mo ba naman Lupang Hinirang. Napaka-talino ni Julian Felipe at Juan Palma? (tama ba?) na gawin ang napaka-makabagbag damdamin at makabayang bersyon ng pambansang awit.
Saan ba located ang DepEd?
Maglalagay ako ng poll siguro. NAkakainis kasi si Jeslie Lapus. Isang napakagagong nilalang na nakakasira ng grade ng mga estudyante. Merong akong mensahe kay JEslie Lapus, wala akong pakialam kung mabasa nya ito o ipatawag ako sa senado. ITo lang ang masasabi ko. YOU DICK-SUCKER, JESLIE!!! GAGO KA!! WALA KANG AWA SA MGA ESTUDYANTE!!! MAKITA KA LANG TALAGA NG SINATRAS, DUDURUGIN NAMIN ANG DIGNIDAD MO!!! DICKHEAD!
Yun lang. Ito na ang main title...
Si Bule ay mukhang D*ckhead!
Dito mukha siyang MOngoloid
MASTER, SENSYA NA. POGI KA NAMAN SA PERSONAL EH!
Ito, sino to?
LAlo na to!!! Primate ata to eh!
ITo. Parang pamilyar...
MARAMI PANG MAS MALULUPIT. PERO KUNG GUSTO NYO MAKITA, APPROACH ME. OR PA BLUETOOTH NYO O INFRARED. SAKA KO NA IPOPOST!
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:06 PM
Saturday, March 15, 2008
An Eye for an Eye, a *Toooooot* for a *Tooooooot*
Ito na siguro ang pinakahihintay kong araw. Ang mahawakan ko uli ang keyboards ng PC ko at makita ko uli si Daniel. Katunayan medyo nahirapan ako sa pagtitiis na hindi hawakan ang keyboard na ito. Kadalasan kasi kapag natatagalan ako sa pagpopost, nakakalimutan ko ang mga bagay na nangyayari. Isa pa, ramdam ko na hindi naging maganda ang performance ko this 4th quarter. Last thing bago ko simulan ang breakdown ay gusto kong ipaliwanag ang title. Well nag-pop ang title na iyan sa aking isip dahil sa NAT. Yun na.
Ito nga ang nangyari. Well ayun nga, nakakuha ako ng idea sa Blue's Clues (if you are smart enough, kuha na yan). Well itong isusulat ko sa blog ko ay hindi ko na iniisip dahil naisip ko na. Sisimulan natin way back nang hindi ako nakapagpost...
Dapat talaga, magsisimula ang day 1 nang Mar. 11. Pero nagkaroon ng STRIKE.
DAY 1: March 12, 2008
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT)
>Tuesday pa lang; actually Monday, nagsisimula na ako magdasal. Hindi katulad noong last quarters na ang ipinagdasal ko lang ay ang higher grades sa periodical; ngayon nadagdagan pa. Ito ang NAT at HAIRCUT. Habang naglalakad ako, sa jeep, sa lahat pa ng lugar, naiisip ko ang diyos. Alam ko ginabayan nya ako. Yun nga lang, kinulang naman ako sa tulak.
>Nagsimula na ang NAT. At hindi taga-PUP ang teacher kundi taga PNU. Well ayos na sana. Roommate ko si Dan, nakapili ako ng magandang area (malamig); nung linipat naman ako, ayos din kasi malamig pa rin. Ngunit nung binago ang Seating arrangement, napunta ako sa napaka-init na area ng classroom ng Office Technology. Dahil dyan, hindi gumana ang utak ko at pinagmadali ko nang sagutan ang test paper para makahinga na ako sa sobrang init. Di ko alam kung ano ang score ko doon...
>Nabaling na ang atensyon ng 3rd Avenue. Gaspar's a shame. Walang utang na loob. Buti pa si Bule, kahit MASTER, mahilig pa rin sa BAKEd potato.
>Wala namang aberya sa NAT. Yun nga lang, merong isang classroom na 4 lang ang nasa loob. Siguro naman nagkakaintindihan na sila doon?
>Sisimulan ko sa EDQ. Mga questions na lagi kong nakikita. Parang yung mga taong nagpapa-survey lang sa amin. Tapos Filipino. Ang haba. Puro teksto. Konti lang ang wika. Mukhang mahihirapan ako sa uri ng teksto. Tapos Math. Para akong nalaglag ng 1 oras sa impyerno. Katunayan, lampas 1 oras pa kasi nakain ang oras na na-save ko sa pagsagot ng Filipino. Then English. Medyo naahon ako sa impyerno THOUGH hindi pa rin ako nakarating sa langit. Or kahit sa land man lamang. Medyo umangat lang sa apoy. Tapos nun ay Biology. MAhirap din. Medyo tumapat nanaman ang mukha ko sa hell dahil HALOS LAHAT ng tanong ay tsinambahan ko. Araling Panlipunan naman, ganun nanaman. Marami rin akong nakalimutan. Grabe. Overall, the NAT is a MESS... Kung makakapunta ako ngayon mismo sa opisina ni Jeslie Lapus, bibigyan ko siya ng isang marka na kailanman di nya malilimutan dahil sa inimbento nyang NAT.
>Dapat nga ang NAT ay March 11. Kaya lang nagkaroon ng transport strike at inanunsyo ng pangulo ng PUP na si Guevarra (hindi si Mam Castolo ang nagisip nun!) na walang pasok. Well, may sinabi si Bule about that matter. Pero hintayin nyo ang bagong trailer na ilalabas ng 3rd Avenue at Vintage Spy Pictures.
Day 2: March 13, 2008
>PAgka-bell, dumating na ang teacher na nakita ko lang sa buong taon ng 7 beses. It means that 7 times lang siya pumasok ng room EXCEPTION ang announcements. Yung regular classess. Dahil sa kanya, nakagawa nanaman ako ng bagong CITY sa utak ko. ANITO CITY. Setting is Spain. Ilalabas ito sa GTA VI: ANITO, SPAIN. Saka na natin pagusapan yan. Well sabi nang aming adviser, "Ang test nyo ngayon ay SCIENCE" Nagulantang ang lhat. Siyempre di pa naman scheduled yung Biology. Sigurado wala pa nakapagaral duon. Or maybe yung iba lang. Yun pala SOCIAL SCIENCE. BAgong word nanaman iyon. Katunayan during this year andami kong natutunang words. Including Letters and Numbers. Pati na yung puppet shows using numbers. SAlamat talaga sa Anito.
>Ayoko magsalita ng tapos about sa exams sa Social at English. Overall, mahirap pa rin. LAlo na yung pesteng analogy at enumeration.
>Hindi ko alam na ngayon pala ang submission ng project sa social. So kinailangan ko pang umuwi. Grabeng hassle talaga. Well napakahaba ng istorya. Hindi naman ako tumakbo pauwi. Pero habang papalabas ako ng gate, naisip ko yung test sa Health. Tapos nakarating na ako ng bandang dulo ng Theresa, naisip ko ang haba ng pila sa printing shop na pagpiprintan ko. KAya naisip ko bumalik na lang sa school. Pero may sumigaw sa isip ko na kailangan kong ituloy. Ito ang MAynilad. Nang pabalik na ako, nakita ko ang daan pabalik (sa likod ito at hindi mismo sa Theresa) na napakadumi at sarado dahil inaayos so wala akong magawa kundi ituloy ang paglalakad ko. Tinakbo ko pa ang jeep at hindi ko naisip na natravel ko mula PUP hanggang Santol ng 15 minutes lang samantalang kung ordinary day ay 30 minutes talaga hanggang classroom. Paguwi ko sa bahay nakuha ko ang USB at umalis na uli ako. Sumakay na lang ako ng trike para mabilis kaso STONE AGE pa ata yung Trike. ang bagal. Naisip ko tuloy yung Around the World in 80 Days ni Jules Verne. Si Phileas Fogg ang main character at ang kanyang tauhan na si Passepartout (di ko sure ang spelling). Dahil nga sa mayaman siya, binibili nya ang mga speed boats para lang makarating sa destinasyon. Kahit anong means of transportation binibili nya para lang makapag-travel nang mabilis. So ayun. Nakarating naman ako. Mabilis pa ata kung nag-jeep ako. Dumating na ako sa printing station at naghintay ng ilang saglit...
>Matagal din ako naghintay halos 30 minutes na di pa ako na-eentertain. Well dumating "siya". Ang lagi kong inaabangan DATI. Dati nga lagi ko pa siyang inaabangan sa YM kasi may itatanong ako. PEro tungkol sa PA yun. Saka kumbaga hindi na ako katulad dati na nagpapadala. Iba na ang hinihintay ko sa YM ngayon. 2 yun eh. Una ay ang taong magaalok sa akin ng bagong laro at pangalawa ay ang taong napakasarap kausap. Hindi ka tatamarin. Enough of that. Dumating na nga siya. Well she goes by the name of Rosabelle. Siyempre binati (hindi binate) nya ako, alangan namang mag-snob ako eh gusto ko naman. Hehe.. Usap-usap pero hindi na ako nagoopen tungkol sa kahibangan at kasabugan. Puro usapang matalino. Kasi ayoko na marinig na NAGKAMALI SIYA SA KANYANG DESISYON... hehe... Life's like that. Sarado na ako. Kasi Bankrupt na. Dahil sa matinding Operating Expenses. Pinagawa din sila ng Resume. Walang photo yung kanya. Pero kung meron yun, at ako ang employer, HIRED agad yun. Well gusto nyang mag-apply kay Mam Castolo. Pinagawa din sila ng Application Letter. Well mga 1mm apart lang kami. As in sobrang tight talaga.. Haha.. Yehey!!!! Haizz... Kung front view yun, para kaming mag-^&#*($^(@*^! Grabe. Well First of all, nagpapasalamat ako sa lahat ng taong tumutulak sa akin doon at naniniksik dahil ako ay nag-benefit sa inyong kasakiman... YEHEY!!!! YAHOOO!!!!!!.com
>Sa tuwing may dumadaan na Officers at 4th year, kinakabahan ako. Dahil sa haircut...
>Siyanga pala, ilalabas na ang GTA VI: ANITO, SPAIN. Di pa alam. Winter 2008 ang nakalagay. Ang protagonist dito ay si Master Bule. Kung lahat ng GTA nagsimula sa wala, itong GTA VI, siya naman ang terrorist leader. Hindi sindikato, Mafia o kahit ano pa. TERORISTA. Real name nya ay Mandrew Bule. Isang kastila. Ilalabas ko ang trailer-
>Bukas ay teksto sa pilipino ang test at wala akong reviewing materials. Kahit sa Health.
Day 3: March 14, 2008
>Nagtataka lang ako. Mula pagkabata, ang representation at ang pumapasok sa isip ng lahat ng tao kapag narinig ang pangalang JULIUS ay BOCHOG, Mataba, chubby atbp. Isa sa malinaw na ala-ala ko ang commercial ng Corned Beef na hinahanap ng katulong ang alaga nyang si Julius at nakita sa kapitbahay na nakikikain. Isa pa ay may kilala din kaming Julius na malaki. At ang pinakasikat na Julius, si ALANO. BOCHOG din....
>Well umaga pa lang, si LArah agad yung napagtripan ko. Ayoko na ikwento basta nagso-sorry ako. Haha... Haizzz... Hahaha...
>Talaga ring masipag ang aking kaklase na si Julian. Mahilig siya magaral. Lalo na yung hindi eexamin at hindi naman pinagaaralan sa school.
>Kapag nagkaroon talaga ng aberya sa periodical sa PA, magrereklamo ako.
>Meron pang test sa Buklod Diwa kung saan di ko na inayos ang sagot ko dahil ang hirap. Talo pa ang Periodicals.
>Meron talagang bagay na MALALAKI na unexplainable.
>One more, sira na ang VIDEO SHOP ng ANG na nagbigay sa amin ng karagdagang 5% para sa Reporting. Ang hindi ko maintindihan, talo pa ata.
>NGayong araw ding ito ay maraming 1st years ang nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.
>Si Mother, na walang utang na loob at bakla ay talagang bumigay na. Well meron akong bagong raket na tatawaging, Mother and the Sons. Sino ang sons? Siyempre mga SKILLFUL nyang classmates. May mensahe nga pala si MAster kay Mother
>Ngayong gabi, nakarinig nanaman ako ng Babaeng boses sa radyo. Kay Sam pala yun. Bagong kanta. Well siyempre basta Sam, &*$%@*&$%@&*%
>Frustrations nanaman. Nagaral ka na't lahat, gago pa rin ang score mo. Di ko matanggap ang score ko sa NAT at Math.
>Habang nagaaral ako, nababagabag ako sa ingay sa labas ng apartments. LAHAT ng apartments ay nakatutok sa ending ng Marimar. Ang iba, feel na feel ang panonood. MAy expressions talga.
Day 4: March 15, 2008
>Umaga pa lang, si 47 na ang nakasabay ko. Pero meron siyang ibang klaseng gamit pang assassinate. Hindi Garote Wire, Sniper Rifle, Double Gun, Silenced 9mm or Syringe ang gamit nya. Gumamit siya ng natural na amoy. Ang amoy ng anghit. Anlakas talaga. Nakipagsiksikan pa naman. AKala ko patay na ako...
>Meron akong sinulat na di ko maalala ang ibig kong sabihin. "Social" lang kasi naisulat ko.
>Sayang talaga sa Health. Napagbaligtad ko lang ang Herpes at Warts. Nakakau-WRATH (intense anger) talaga. Kung pwede lang patayin ko na talaga si JOJ. Hehe. Di pwede i-reveal.
>Isa pa, pagkatapos kaming pabagsakin, naging KJ naman si JOJ dahil sa pagsisira ng kasikatan at album ni Alano. Gusto nya kasi siya ang sumikat.
>Nakakapagtaka sa mga tindahan ngayon ang pagtitinda nila ng Sakto. Unang una, nilagay ng coke na SAKTO dahil P5 lang ito. Kaya lang tintinda nilang P6! Damn Entrepreneurs.
>Astig ang pagtugtog ni LEo, nabighani si JOJ.
>Nag-practical na sa P.E. pero may periodical pa raw. PArang gago lang. USap lang kami ng usap ni joseph.
>Meron akong nakitang bagong istilo ng pag-123. Nagkukunwari silang nagbibilang ng pera pero sobrang tagal. HAnggang sa unti- unti na silang bumababa. (hindi talaga sila nag-123. KURO-KURO KO LANG YUN!)
Ang haba. MAglalaro pa ako ng Godfather. Saka napanood ko na yung Bb. Pilipinas. Ayos!!! Gagawa pa ako ng proyekto sa PA...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:17 PM
Monday, March 10, 2008
Ang Nawawalang Sapatos ni Ronald
Napakahaba para i-explain saka parang kalokohan lang. Kaya di ko na ipapaliwanag. Kung hindi ninyo kilala si Ronald, sa iba na lang kayo kumain...
Well first of all, hindi na ata ako magpa-practical test. NAsasayang lang ang effort ko sa pagdadala ng PE Uniform tapos hindi naman ako makapag-practical. Hindi ko pa rin alam yung Pretzel. Next ay Filipino, okay naman ang score ko pero yung iba ko kasing score, patawa. Sana naman may considerations. Last year ko na dyan. Sa English, tungkol uli sa mga negro. Tapos breaktime. Then PA...
Golden Dynasty talaga. Ang tentative score ay pumapangalawa sa Group 1. Then nagkaroon pa ng merits. Bale 200 merit points din ang dagdag sa amin dahil na rin sa aming pagiging orderly sa notebook. Kami lang ang UNANG COMPLETE. Then naging complete din ang 4 Sales. Kaya lang, naging complete ang GROUP 1 nang 4:30! +100 yun!!! WAAAAA!!!!! GOLDEN DYNASTY NA NG ANG MAWAWALA PA!!!!
Then nag-math. 45/50. Wow. Parang hindi totoo. Tapos Statistics. Merong slogan si Ace na ginawa. "Anito the SLEEPING DRAGON has awoken and will come here(classroom) at 1:30pm" Well as a trivia, ang SPAIN ang tinaguriang Sleeping Dragon. Tapos nag Biology. Teka, may nakinig ba? TApos wala kaming Keyboarding. PAti Health. Wala na ring NAT. Wednesday na.
Ano pa ba ang dapat kong sabihin. Last post ko muna siguro ito sa week na ito. Well hindi ko alam kung inspirado, despearado o retardado ako ngayon. Ang mahalaga, buhay pa ako. Well merong kaming Goodbye Video na gagawin para kay Victor dahil papasok na si BULE!!!! Look at this picture very closeley...
The Congo...
"Her angelic face shone. I did it. I had talked to her. It had happened. The beautiful smile flashed. IT seems like every wealth of the world has passed my hands. She was so beautiful that even criminals seemed to be lured at her."
-Arsene Lupin
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:43 PM
Saturday, March 8, 2008
Ang Prank na hindi naman ako nakinabang...
Kahapon, dala ng kainipan, naisip ko magpadala ng pranks sa iba ko pang friends. Nabiktima kasi ako. Ang masaklap, nag-copy at paste lang ako, di ko na binaba kasi pinagmamadali na ako ng ama ko. Ibang email pala maipapadala iyon. Kaya wala rin. Di ko rin mababasa. Sayang lang.
Kanina sa The Congo. Marami ang hindi nakikipag-cooperate. Kung mabasa man ito ng Loyalty, nais kong iparating ang mensaheng ito: Aking mga kamag-aral, inaasahan ko ang inyong taos pusong pakikipag-kaisa sa ating speech choir. Hindi ito para sa benepisyo ni Larah o ni Songsong o namin lang ni Ephraim o benepisyo man ng ESPANYA. Ito ay para sa benepisyo nataing lahat. Isa pa, nakakahiya naman na nasa harap kayo ng lahat at magkakalat kayo. Hindi lang KAYO ang masisira kundi ang buong seksyon. Wala akong pakialam kung wala kayong pakialam sa mga grades nyo. At kung sakaling napipilitan lang kayo at ayaw nyo naman talaga sumama, sabihin nyo lang para naman may tagapalak-pak kami. Classmates, isipin nyo ito. Halimbawa, nakapasok kayo sa isang madilim na eskinita na maraming aso at umabot na kayo sa gitna at napansin ninyong mas madilim sa bandang dulo ngunit sigurado ka naman na iyon ang tamang daan, babalik ka ba uli? Sasayangin mo ba ang paghihirap mong pakikipaglaban sa mga aso at dilim? Siyempre, mas gugustuhin mo ang tumuloy na lang. Ganoon din ang Congo. Nagawa mo na yung mahirap, ipagpapatuloy nyo nalang ng maayos. Mga kamag-aral, please naman, isipin nyo rin ang kapakanan ng iba. Hindi lang kayo ang tao. May 50 students pa na umaasa sa kaayusan ninyo. LAgi ninyong tatandaan na KAHIT ISA LANG, ang sumira at gumawa ng kalokohan, sira lahat ng paghihirap natin. Yun lang. Sana naman ay makipagkaisa na kayo...
Well parang wala pa rin akong gana mag-post. Though hindi na masakit ang ulo ko because of 1 reason. Exams na. Sa tuwing may exams, nababalisa ako. Di ko nga maintindihan. Nagkakasabay-sabay kasi. Tapos NAtional (Achivement) (Assessment) Test na. (kung bakit naka parenthesis yan ay dahil sa confusion. Ang Achievement ay sinabi sa akin dati pa nung 1st year ako. Yung assessment naman sinabi ni Mam Espanol. Isang beses lang naman. Pero ang tama ay ACHIEVEMENT). Dadagdagan ko nalang siguro ito sa susunod na taon? Hindi ko alam.
Bago ko tapusin ang post na ito, take a look at the flag of FLORANTE and before was King Linceo's
(Parang Cossack Vodka lang yung sign...)
Flag of Albania
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:12 PM
Friday, March 7, 2008
Stevie Wonder is a God.
Base ito sa Uncyclopedia. Ray Charles ang original name na narito pero pinalitan ko ng Stevie Wonder tutal halos pareho lang naman sila...
God is Love,
Love is Blind
Stevie Wonder is Blind
So, Stevie Wonder is a GOD!
Isa pang nakita ko...
Nobody is Perfect,
God is perfect,
So God is NOBODY!!
Uno hombre destruir mi dia...
Todo comenzó muy feliz, porque de algo...
Ang dami kong nababasa ngayon Blind Items. First, dyaryo, second sa showbiz sites at third ay anything else. Minsan sa walls, at kung saan saan pa. Palaisipan talaga kung sino. Nakakatamad manghula kasi naman, walang clues. Kaya ang hirap hulaan. Unless nalang kung may mukha.
" Ganimard walked and looked everyone. I was surprised to see that he just passes by the suspected thief. I feel the people looking around. Glancing looks at each other. Exchanging expressions. I felt the hot air against my skin. The breath of everyone, of the pretty girl beside me. The hairs of my skin stood up and each step of Ganimard brings me closer to death. I heard the soft chatting. I can see people pretending not to be attentive. I feel that someone is getting a feel. Translating every move that people act. I can see that everyone's looking at Ganimard especially Rozaine. The suspected thief. Someone shoved me at the back that made me fell. It dimmed but I can see the figure of Ganimard with a man beside him. He was Serge Renine. The man whom I trusted with. The man whom I confided with. I hear his voice as low as I have heard him minutes ago about the new heist. I see his lips moved directly with his hand pointing on my face. "He is Arsene Lupin. He is the real thief!" I was hit by Ganimard hard on the face. It made me fall. Everything went out. Including the betrayal of my friend, Serge. It was all black. I was out of mind. Captured and under the hands of the detective who has chased me for a long time. Prisoner because of betrayal."
-Arsene Lupin (from the book, ARSENE LUPIN; Gentleman, Cambrioleur)
Habang kasi nandito ako at nagmumuni-muni sa tapat ng PINAKAMAMAHAL KONG PC, naisip kong buklatin muli ang natapos ko nang nobela ni Lupin sa tabi ng aking computer. Well it was somehow related to what really is happening. Di ko ma-explain in simple words but it is the thing that really is happening. Ang mundo ay puno ng pagtataksil. You cannot tell the rotten from the fresh without inspecting thouroughly. Yun kasi talaga ang nangyayari. Di ko maintindihan. Parang ang lahat talaga ng mata ay nakatuon sa iisang tao lang. Well I guess people are always like that. Few of them stay loyal once they're bribed or have found greater benefits. Parang the VOTER lang yan ni Chinua Achebe. People are always people. Meron silang sariling plano, sariling dapat gawan ng gawain. I cannot stop them. They too are people though they act as NOT.
Lote de la gente es estúpida. Tienden a no ser juzgados y no ser, pero todavía son. Algunas personas se rigen por su avaricia y la codicia. Algunas personas ocultan a sí mismos y se hacen buenas conversaciones de ti, sino a tu espalda, hablan sobre sus propias maneras. Todo lo que pedimos es la paz. Si no desea que lo que estoy haciendo, seguir adelante, hágalo usted mismo! Usted necesidad de no humillar o utilizar la "Audiencia Táctica". Si usted está enojado, dicen! Usted acto muy estúpido si seguir actuando como si son los mejores.
Ang hirap. Sana lang, meron pang verdaderos amigos que siempre será allí a su lado. Y no traicionaré o humillarte.
Speaking of Lupin, may matinding Lupin na nagaali-aligid sa classroom. Ingat.
Haizzz.. NAT na. Periodicals pa. Submission pa ng projects. Sana naman magkaroon na ng break. Saka na uli ako magdadagdag wanneer mijn hoofd is koud.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:56 PM