Well what can I say? Pressured talaga ako ngayon. Lalo na kapag iniisip ko yung mangyayari sa Friday (damn). Ganito kasi ang HISTORY nyan...
Tuesday nun. Habang ako ay nagbabasa-basa ng libro, naituro kaming 3 ni Gianan at Figueroa para lumahok sa isang patimpalak. Ang nakakatawa, sinali na kami last year at nagpakita na kami ng kawalan ng gana tapos nasali uli kami ngayon. Well wala kaming magawa. Swerte si Figueroa walang damit at natuloy kami ni Gianan.
Simula pa lang, gusto na namin talaga umalis. Di namin sineryoso lahat ng bagay and the likes. Tapos ayun. Nakapasok pa sa Top 3. Di ko nga akalain talaga eh. Tapos naisip namin na ilaglag na ang patimpalak at hayaan ang isang kalahok na manalo dahil alam namin na gusto nya talaga. Kaso ang kinalabasan, ako pa ang lalaban.
Malaking karangalan nga ito ngunit at the same time ay malaking pressure din. Una mataas ang expectation sa akin ng mga tao dahil na rin sa merong place ata yung last year. Ikalawa, kumbaga hindi ako angkop sa ganitong field dahil di ko naman laban ito. And pangatlo, pressure ito para sa akin pero wala talaga akong magagawa.
So nangyari na ang dapat mangyari. All I had to do is to face it and conquer it. Sabi nga ni Alexander the Great, "Conquer your fears!" So heto na at itutuloy ko na...
Isang napakagandang tugtugin ang kinompose ni Ludwig Van Beethoven nuong April 27 1810. Ang komposisyon na "Fur Elise" ay German term para sa katagang "Para kay Elise". Hindi alam kung sino ang Elise na tinutukoy ngunit sinasabi na baka daw Therese ang tinutukoy na kung saan ang Therese na ito ay ninais pakasalan ni Beethoven same year. Ang Fur Elise nuong panahon na iyon ay dinedicate para sa mga mag kasinatahan at nagmamahalan.
Sa ngayon, maririnig ang Fur Elise sa mga truck na umaatras, sa mga pambatang laruan, yung ibang rides na may sounds at kung anu-ano pang gadgets. Dahil nga sa nakakatuwang tugtog nito ay tila naka-enganyo ito ng mga bata at ginamit sa ganitong paraan...
Kung bakit ko naikwento yan ay dahil may relation ito sa mga updates sa cases ko...
The Meritorious Case
Napapansin ko talaga ang madalas na pagsulyap ni Rose kay Merit. Si Merit din ay malapit na kay Rose na di tulad ng dati. Dati civil ang kanilang samahan. Tila isang magkaklase lamang. May nararamdaman talagang iba ang High School detective. Hindi lang sa reports ni Arsene siya umaasa dahil nakita nya talaga ang nangyayari... Well nahahalata ko talaga sa kanilang dalawa. Hindi man madalas tumingin si Merit kay Rose, madalas naman nagaapproach si Merit kay Rose. Si Rose naman, madalas sumulyap...
Anyways, marami akong gagawin. Marami akong gustong ikwento kaso GRABE naman ang load ng work..... SHocks... Ge...
Wednesday, September 24, 2008
Heinakuh (Factotum)
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:18 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!
Post a Comment