Nuong 1879., sa bansang Africa, mayroong 3 sub-ethnic groups na nageexist sa Africa. Wala itong pangalan kaya pangangalanan natin ang isa as Koltimo Tribe, Jorod Tribe at ang Bambino Tribe. Ang Koltimo tribe ay ang mga nasa gobyerno. Sila ang nagiimplement ng kung ano man ang iutos ng pamahalaan nila. Ang Koltimo Tribe, tinitingnan mang makapangyarihan, ay mga simpleng tao rin. Meron lamang silang otoridad sa komunidad na iyon. Hindi kalakihan ang Koltimo Tribe. Pinamumunuan ito ng kanilang representante. Ang Jorod Tribe (pronounced as Horud) ay tribe naman ng mga bandits at mga ilegal. Karamihan ng mga kriminal ay nagmumula sa tribe na ito kung kaya't palaging napupugutan ng ulo ang ilan sa mga nakatira sa tribe na ito. Ang pinakahuling tribe, ang Bambino, isang neutral na tribe. Hindi ito gaano sumasama sa gulo ngunit meron silang pagkakaisa sa Jorod Tribe. Hindi man sila mga kriminal, mayroon pa rin silang komunikasyon sa Jorod. Isang araw, iniutos ng hari ng Africa na ipahuli ang lahat ng lalaki sa Jorod Tribe. Sinunod agad ito ng mga taga Koltimo at nagalit ang mga taga-Jorod. Hindi makapagpaliwanag ang Koltimo Tribe na iniutos ito ng hari dahil bawal ito ipagsabi. Walang nagawa ang Koltimo Tribe kundi di na lamang magsalita at ituloy ang pagdakip. Naginit ang dugo ng natitira pa sa JorodTribe. Sinasabi nila na nagmamalabis na ang Koltimo Tribe. Napaniwala ang Bambino sa kanilang akusasyon at nakisanib pwersa ang Bambino sa Jorod upang wasakin ang tribo ng Koltimo. Ngunit dahil sa bantayan na itinayo ng hari, hindi nila nasira ang tanggulan ng tribo ng Koltimo.
Ang istorya ay peke. Asa naman kayong magreresearch pa ako!!! Hahahahaha
Kaninang umaga, nagklase, nagtest at iba pa. Normal naman ang lahat.
Ngunit merong updates at may bagong case...
The CUT
Na-reveal ko na ang 4 na tipper na sinasabi. Yung isa hindi ko naisulat dito. Nahinuha ko siya nung umaga na. Yung overnight, tama ako. Anyways, ayun nga. Dahil sa galing ng deductions ko, nakuha ko ang probable suspects. Sinu-sino sila? Ito, Una, si Toni, Ikalawa, si Miguel, ikatlo si Julian. Pinagana ko ng kaunti ang transmitter ko at lumabas na merong isa pang lumitaw na suspect. At ayoko na sabihin kung sino. Pero tatawagin ko siyang Pilipino. Anyways, yung isa pang suspect na confirmed ay si "Epifanio" Female yan. So ang mahihinuha ko,
CASE CLOSED
Pero merong isang sentence na bumabagabag. At iisa na lang ngayon. Kumbaga, yung 4 may fusion na isa. Sino siya? Probable suspects:
1. Asero - Though dineny nila si Asero, maaring suspect talaga si Asero. Bakit? Dahil nga meron siyang mataas na katungkulan sa pamahalaan.
2. Janno - Si Janno, isang bagong suspect. Maari siyang biglang ituro dahil sa ilang statements na nabitawan. Pero maliit ang chances nya in terms na titingnan ko lang pero kung isasama ang clues, parang kilala ko na...
3. Pilipino - Maaring siya ang suspect base sa isang clue...
So ngayon ikalawang yugto na ng CUT Case.
Wala naman iba pang update NGUNIT HETO. Meron akong naoobserbahan this past few days, medyo may konek siya sa Fugitive's Case dahil isa sa mga kabilang sa suspects ng Fugitive ay ang main person involved. So tatawagin ko siyang...
The Case of the Unanswered Question
Bakit unanswered? Ganito kasi yan. Merong isang girl na ang pangalan ay Celia. At isang lalaki naman na ang pangalan ay Vladimir. Si Vladimir ay nagbalak manligaw kay Celia ngunit bigo. CONFIRMED. BIGO. Di lang basta transmitter or source or tsismis, confirmed talaga. Reason ng pagkabigo, di ko alam. Pero bigo siya and who cares? Wala na sanang case kasi bigo nga. Pero masigasig si Vladimir. Tuloy pa rin ang panliligaw nya kay Celia. At ngayon, di ko alam kung si Celia ay bumibigay na sa panunuyo ni Vladimir.
Kanina, balita sa akin ni Arsene, may naguusap sa likod nya. Isang babae at isang lalaki at sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Vladimir, sinasapawan ito ng babae (na may gusto kay Vladimir) ng pangalang "Celia". Kanina rin, sabi ni Arsene, merong nag "leak" na pagkadulas. HIndi ko alam kung pagkadulas ito o talagang inaakala nung nadulas na may pagasa si Vladimir. YUN ANG AALAMIN KO...
Anyways, marami pa sana akong itatype kaso ansakit na ng mata ko. So goodnight!
Tuesday, September 9, 2008
The Civil War
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:47 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment