Saturday, September 27, 2008

Compose Blog - Entre

Marami ang pangyayari sa aking butihing section ng Entrepreneurship. Siyempre mas maganda ikwento ko muna yung sa sarili ko.

Dahil nga isa akong miyembro ng Entrepreneurship '08-'10, kinakailangan maging magaling ako sa subject na ito. Kaso ang napapansin ko, katulad na lamang nung last exam, hindi naging maganda ang kinalabasan ng aking iskor. Di ko alam kung bakit sa tuwing nagkakaroon ng exams eh nagmemental-block ako. Well maraming pangyayari sa Entre na siguro mas maganda na di ko na ikwento...

Di ko alam kung maipagmamalaki ng Entre, pero sa ngayon, dala ko ang pangalan ng PUPLHS. Hahaha. At ang maganda pa, Entre galing. Anyways, gusto ko pasalamatan yung mga naroon s Bulwagang Balagtas kahapon para sa kanilang suporta. Especially... Andami. Madaming book. Hahahaha...

The Heisei Kaitou Case

Matagal na natulog ang case na ito. At ngayon lang muli nabuksan dahil na rin sa mga pangyayari sa environment like Global warming, rice and oil crisis, etc. NGUNIT hindi ko sinasabi na ang Heisei Kaitou ngayon ay ang dahilan ng mga nangyari nuon na maaring ginawa ni HK. Maari rin na siya ngunit di ko na aalamin. Basta siya si HK.

CASE CLOSED na.

Mali ang suspects ko. Hindi siya si Muge or si Anim. Siya si Freddy Agila. Di rin nila akalain at di ko rin nahinuha. Pero as I have said, no further investigations cause it's CASE CLOSED.


Sa ibang cases, katulad ng The CUT, Locker Case, Photographer's Case at Case of the Unanswered Question, maaring sa ngayon ay wala pa ring updates maliban sa Locker Case na kung saan nalaman na mula sa 1st year ang nagsulat kay "Efrein". Ngunit ang nagsulat sa akin, wala pang idea. Maaring maisara ang cases na ito kaya antabay lang...

Siyanga pala, isang anunsyo, sa Christmas Party, inaasahan na bibigyan natin si Alano ng paperbag ng TM. Hehe...

Merong isang case. Pero di ako ang gumawa ng case na ito. Ang case ay ginawa ng isang detective na tinawag na Mr. Bald. Si Detective Bald, isang in-house detective ng school ay pumunta kahapon sa Music Room, Rm. 101 sa LHS. Bakit siya pumunta ay dahil sa mayroong 4 na magkakasunod na jalousie ang nawala. Ang kinakatakot, maaring mayroong nawalang gamit kaya pinatawag si Detective Bald at ang side-kick nyang si Alligator. Inimbestigahan ni Detective Bald ang mga upuan kung sakali mang may balak pumasok ang isang tao at wala siyang nakita. Isa pa, nakakita siya ng isang basag na jalousie just beneath the area ng mga nawawalang jalousie. Pero imposible malaglag ito ng ganun ganun lang. Isa pa, kwento ni Arsene sa tulong ni Detective Bald, sira daw ang lalagyan ng jalousie na ang ibig sabihin ay talagang kinuha ang jalousie. Gayon na lamang ang kaba na naramdaman ng lahat pero sa ngayon, wala pang nawawala. Umalis din ng panandalian si Alligator upang maghanap ng plywood. Maya maya, sa tagal nyang nawala, sumama si Codus at ang nakakita ng Crime Scene, si Micah Bule. Nakita nila na merong pinagagalitan si Alligator. Isang babae at isang lalaki. Sabi kasi ni Alligator, nagtatago daw sa dilim. Nagpapaliwanag ang lalaki. Narito ang ilan sa mga narinig na conversation...

Boy:
Alligator: Sasagot-sagot ka pa ah.
Boy:
Alligator: Sasagot ka pa ah. Dalhin kaya kita sa guidance!
Boy: Nagpapaliwanag lang po.
Alligator: Nagpapaliwanag, sasakalin na kita eh! Sasagot sagot ka pa ng

At nung pagtingin ni Codus, yeah. Isang dating opisya; sa grupo ng mga hukbong pandigma ng LHS ang naroon. Nakaalis din naman ang couple pero mainit pa rin ang ulo ni Alligator.

Maraming opportunity ang naghihintay... Di mo lang inaasahan...

No comments: