Thursday, September 11, 2008

The Sullied Lavatory

Maraming dapat ikwento ngayon. At isa na rito ay ang swimming lessons...

Umaga, dahil sa aking katangahan, naiwan ko yung aking BCS sa Locker nuong isang araw. Nakalimutan ko kasi na may assignment nga pala kami duon at kailangang sagutan. Napakarami pa naman nun. Nakuha ko yung gamit ko sa locker around 7:30. At pagkakuha ko, ginamitan ko agad ng "tactical skills" ang pagsagot. Buti na lamang lumabas kami ng halos isang oras kaya pagbalik namin tapos ko na yung assignment. Di ko alam na magbibigay pa pala ng ilang minuto upang makumpleto ito. Nung nagchecheck na ng sagot, napansin ko ang isang bagay na distinct sa mga sinasagot ng mga kaklase ko sa recitation. HALOS IISA. Yeah. Kasi nga, siyempre gumamit din ako ng tactical skills, yung sagot ko, sagot nung pinagkuhaan ko at yung sagot nung ibang nagrerecite ay iisa. Ang nakakapagtaka pa, HALOS LAHAT TALAGA. Grabe, exact na exact talaga sa sagot ko. Ang tanong, sino kaya ang mother of all answers? Sabi ni Alano, siya daw. Pero ewan ko kung siya nga.


Breaktime. Around 10:45 may inabot si Ma'am Lai sa akin na papel. Hindi tuloy ang elimination. Ako agad ang lalaban sa kolehiyo. Grabe. Di ko maintindihan kasi ito ang unang beses ko na sumali sa Dagliang Talumpati at kinakailangan kong maging aware sa lahat ng nangyayari sa mundo na minsan ko lang gawin. Aware ako sa nangyayari sa classroom pero sa mundo, at sa Pilipinas, ewan. Todo rush din ako sa pagpapaxerox at pagpasa ng form. SO ngayon, ang ipinagdadasal ko na lang ay hindi manalo kundi wag mapahiya.


Tapos, bandang hapon, swimming na...

Simula pa lang, lintik na yung CR. Imbes na mag shower ka para luminis, ilulublob mo yung paa mo sa tila ilog na tubig na may kung anu-anong substance na lumulutang. Kadiri talaga, sobra. For sure maraming bacteria ang pumasok sa aking systems ngayon. Dahil sa aking katangahan, naisama ko sa pagshower yung white shirt ko na pangilalim. Nakalimutan ko na babalik pa pala ako sa CO. Anyways, di siya natuyo at naghintay kami ng napakaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaatagal. NAtuyo na halos ang damit ko bago pa nagsimula ang lessons. Due to the weather malamig ang tubig. After ilang hours, grabe, giniginaw na ako. Parang di ko na talaga kaya. NAuubos yung stamina ko at nawawala ang konsentrasyon ko. HIndi ako makalangoy ng maayos dahil inatake na ako ng hika. Yung para akong noob na walang alam sa paglangoy. Isang dahilan na ang aking panghihina, overfatigue, asthma attack at ang pagkaubos ng stamina level. Maraming kung anu-anong basura ang lumulutang. Like karton, dahon, atbp. Marami rin sumisipleng Maniac at nilalamang ang pagkakataon maenjoy ang nangyayari sa paligid at ang iba ay hindi ko na napansin due to my stamina decrease.

Nung mga panahong iyon, gusto ko na umahon at sabihing "I quit". Pero nakakahiya naman. So kahit di ko na kaya, tuloy pa rin ako sa paglublob. PEro unti-unti nang kino-consume ng lamig yung katawan ko at tila magiging isang bangkay na ako. Ayaw din akong paniwalaan nung ST na nasa gitna (maari nyo siyang tawagin sa codename na Sy). Sabi pa nung iba "di ka marunong lumutang?" Wala talaga akong maisagot kasi grabe. DI nila naiintindihan ma-over work yung katawan at maging prone sa saborang lamig. I can withstand low temperature areas pero hindi sa pagkakataon ito. Grabe.

Good thing may mga dumating na COCC na sumundo sa amin. In that case, nakaligtas ako sa sudden death na kinahaharap ko.


Bago umuwi, nakatanggap ako ng isang papel. Papel na "ticket daw sa pelikula". Mula ito sa isang "samahan DAW" (ayoko banggitin yung pangalan) at "brotherhood DAW" Ang nakakainis, wala kang magagawa kundi sundin. Sino naman ang bibili ng ticket na yun??? Ano namang pakialam nung mga kaklase ko o LHS students? Eh yun ngang libre ayaw pa nilang puntahan. Tapos ito pa? Tapos aabsent sila sa klase nila para lang manood? What a stupid idea. Di naman excused yung manunuod eh. Damn it talaga. Siguro sa college pwede mong ibenta kaya lang halos wala ako bukas! HAY NAKU. But what can I do? Isa akong hamak na ewan na naglalakad kaya wala akong karapatang magreklamo. Pero all I can say is NAUURAT AKO. And sa tingin ko bawal to. Kasi gusto nya maitinda ito. Eh obviously, POP IDOL lang ang sapilitang naningil sa mga estudyante. Di man ito sapilitan para sa mga customers namin, sapilitan naman ito para sa aming mga EWAN. HAIZZZZZZZZZZZZZZZ.


As of now, yan muna masasabi ko...

No comments: