Friday, September 19, 2008

My Manners was Lost...

Isang calling card. Parang ewan lang..


Medyo mainit ang ulo ko. Pero dahil marami-rami rin akong nakausap, medyo naibsan... Actually kasi ganito yan...

Oks na yung una kong pinaringgan. Kk na lahat. KASO...

Meron dyang iba, tinatawaran ata ang pagiging detective ni Arsene. Sino siya? Ito muna ang kwento.

Si Arsene ay nakaupo lang sa isang tabi at babasa basa ng dyaryo. Maya maya pa napansin nya na nagkukwentuhan ang 2 magkaibigan. Alam nya na tungkol kay Codus ang pinaguusapan ng magkaibigan na ito. Isang pangaasar kay Codus na akala nila ay hindi mahahalata ni Arsene. Yung 2 nagkukwentuhan ay hindi perpekto. Punong-puno ng kapintasan at wala atang matino sa pagkatao (pisikal man o sa ugali). Pero kung mamintas akala mo eh perpekto. Well tamaan na ang tatamaan pero ganun talaga. Simple lang. PANGIT. Pangit at nakakasuka ang inyong pagkatao. Pero kung mamintas. Buong mundo ata pinintasan. Mga asaness naman. Tapos ayun nga. Sino sila? Ang isa ay tila isang barker ng jeep. At ang isa naman ay parang lobo. Bahala na kayo isipin kung sino ang mga iyan. Basta di tanga si Arsene. Nananahimik lang yan pero...


Tapos meron din talagang epal na di naman kasali ay umeextra pa. Dati siyang kasali ngunit ngayon retired na. Pero andyan pa rin at kung manakit ay talo pa ang presidente ng Pilipinas o ang Chief of Staff ng AFP. Well wala lang talaga akong magawa. Napigilan lang talaga ako ng presensya ko. Pero yung impulse ko talaga namumuong galit talaga kanina. Parang bulkan na isang galaw na lang sasabog na. Anyways goodluck nalang bukas...


Marami talagang pangyayari. Kaso ayun nga kasi. Yung iba kinakalimutan ko nalang. Pero yung iba sadyang di makalimutan...

Siyempre tahimik lang uli si Codus. Kahit nakikita nya si Maria na haizzzzzzzzzz.... Basta... Lagi naman kasing tumatahimik lang si Codus eh kaya minsan naawa na rin ako sa agent na ito. Pero wala akong magagawa.


Anyways, usapang masaya...

Si Alano ay may nababanggit na nakatutuwa daw sa 1st year. At napagalaman na nya ang pangalan. Nagkataon din na inaalam ko rin ang ngalan nun at pareho lang kami ng hinahanap ni Alano. Well, kung sino man iyon, meron akong message...

"Kabisaduhin mo lahat ng pinapakabisado sayo. Maeenjoy mo yan. Especially vocabulary. Saka one thing more, see you around!"

Alam ko di naman nya mababasa to pero ayos lang.


Anyways muli, maraming updates...

The Unanswered Question Case

Well merong group of friends si Vladimir. Ang "The Company". Well inaakala nila na si Vladimir na at si Celia. Meron ding ibang friends si Vladimir o extra rin siguro sa buhay nya na sinasabing sila na nga. Pero based on facts, HINDI PA at MEDYO malabo pa. Meron nga kayang hope para sa isang matyagang nilalang?

The Meritorious Case

Si Merit, napapansin ko ay laging nagaapproach kay Rose. NGUNIT, parang nahuhulog na rin si Rose. Napapansin ko talaga. Isang araw, kwento sa akin ni Arsene, habang nagsasalita daw si Merit ay nakatingin si Rose na madalang nyang gawin sa ibang sumasagot. Does it have a meaning? Di man sila ganun ka-close pero merong namumuong closeness sa kanila dahil sa madalas na pag approach ni Merit. Hmmm....


Merong isang kinatatakutan si Arsene. Baka maapektuhan si Maria sa mga ikinukwento ni "Pops" at ni "Gil". Alam ko naapektuhan na ng 2 ito si Joy. Well, bahala na. Sana hindi... Sana di siya maimpluwensyahan ng napakaraming elemento sa mundo...

Buti medyo nabawasan na ang pressure...

WAla ako masyadong maikwento... KAsi naman nakalimutan ko na,, Till here na lang siguro. Sa ssuunod gagaya na ako kay ROlando Tolentino sa paggawa ng blog... Wahahahaha...

No comments: