Monday, September 8, 2008

I Really Love the Weather

Akalain mo yun?

First sentence na pumasok sa utak ko. Ganito kasi ang pangyayari dyan...

Kanina, uwian, nagtext sa akin ang aking ama na dumaan ako ng SM kasi may pinabibili. Tapos pagtingin ko sa bulsa ko, wala yung card ko! That time wala din akong cash so kinailangan kong umuwi para kuhanin ang card. At nagsimula na ang kwento.

Di na ako nagdala ng payong dahil sira ang payong ko. Sinuot ko nalang ang "Detective's Jacket" ko at ang "Spy's Cap", nagbyahe na ako patungong SM. Walang ulan. Pero may kidlat. Namumuti ang kalangitan. Pakidlat kidlat.

Later, pauwi na ako. Stranded ang karamihan. Dahilan? Walang payong. Then ayun na nga... Paglabas grabe talaga ang ulan. As in bagyo, may kidlat pa. Tapos naisip ko na takbuhin mula door ng SM hanggang LRT Station. Grabe talaga. Kung na-videohan ako, para akong nasa pelikula with matching kidlat. Astigin yung weather...

Anyways, maraming kaganapan. Una ay ang biglaang pagbili ng aking ama ng napakamahal na component. Ikalawa ay updates...

Para ngang di ko na blog to eh... Parang puro cases na lang.. Kasi ganito yan.. Sa tuwing may balak akong ikwento, natitigilan ako. First of all kaya ako natitigilan dahil tinatamad ako o minsan gahol na sa oras... Anyways may update tayo.

The Meritorious Case

Meron nanamang naganap na komunikasyon between Merit and Rose. Hindi lang basta komunikasyon kundi INTIMATE COMMUNICATION NA NARIRINIG NG VINTAGE SPY. Anyways, ewan...

Merong bagong case na siguro, overnight ko lang tatrabahuhin.

The Case of the Unknown Tipper/s (CUT)

Itong case na ito ay sectionwide. Malaki ang sakop at apektado ang lahat. Kaya tipper dahil ganito ang naganap...

Merong isang organisasyon, at napagalaman ang organisasyon nila, napabagsak ito at tinuro nila ang tipper/s sa dahilan ng pagkakawasak nito. Hanggang sa halos buong grupo ay nagalit sa tipper na iyon. Sinabi ng iba na meron silang malakas na ebidensya ukol sa 4 na tipper na yun. At kaya daw nila itong iprisinta at hindi kuro-kuro lamang. Tila isang hidwaan ito between the tipper and the section. To remain my NEUTRALISM, naisip kong kuhanin ang magkabilang panig. Ngunit paano kung hindi ko kilala ang tipper? Kaya ko kikilalanin. Anyways, ganito yun... Hindi lang 4 ang suspect ko. Kundi lampas pa. Mga reserved ang iba kumbaga.
1. Asero - Si Asero, isang makapangyarihang dumbshit. Hindi naman kataasan ang pangarap ni Asero ngunit sinasabi nila na mataas daw ang pangarap nito sa buhay. Si Asero ay tahimik ngunit hindi ko lang alam kung may ginagawa. Dahil dyan, isa si Asero sa mga suspect. Gender ni Asero, male.
2. Toni - Si Toni, maaring nakatunog na ang buong section na si Toni ay isang hindi normal na estudyante in the sense na marami siyang inaalam. Si Toni ang probable PRIMARY SUSPECT dahil na rin sa mga signs na ginagawa na nakita ni Arsene sa ibang mga kasamahan ni Toni sa tuwing nagsasalita si Toni. Gender ni Toni, Female
3. Miguel - Si Miguel, probably sinama siya. Why? Marami siyang binitawang statements na maaring magturo sa kanya. Maaring siya rin ang sinisisi nila para sa mga kaganapan ngayon. Nuon pa man, ang iba ay mayroong sama ng loob kay Miguel na itinatago lamang nila at maaring tinuturo nila si Miguel as the tipper. Besides iniisip nila na mataas ang pangarap ni Miguel so probably nga na siya. Gender, male.
4. Jen - Si Jen, isang tao na posible nilang sisihin din. HALOS Counterpart ito ni Toni yun nga lang, medyo mas may tiwala ang section kay Jen kaysa kay Toni at posible na dahil dito kaya nagkaroon ng malaking kaguluhan. Si Jen ay obviously babae.
5. Cole - Di ko alam bakit nakasama si Cole ngunit galing sa isang experimentation, medyo naiinis daw ang IBA sa section kay Cole at napapansin ko rin na di na gaano sumasama si Cole sa iba nilang aktibidades. Si Cole ay babae.
6. Precy - Si Precy, isang resigned dumbshit. Base sa isang observation, maaring si Precy ang tipper. Di ko lang sure kung pinagdududahan nila si Precy as a tipper. Kasi di ko naman napapansin na pinaghihinalaan nila si Precy pero kailangan ko isunod yung ibang clues sa mga usapang na-tap ko. Siya ay babae.
7. Julian - maaring tinuturo nilang tipper si Julian dahil sa madalas na pakikipagkomunika nito sa otoridad. Ngunit ayun nga, mababa ang chances. Julian ay isang lalake
8. Ruso - SI Ruso ay di naman kataasan ang pangarap ngunit why not? Baka kasama. Si RUso ay lalaki.

Kumpleto na ang set ng mga suspects na nahininuha ko. For sure may 4 dyan na tama. That's it. Tomorrow, will be the result...

No comments: