Monday, September 1, 2008

The Untold Stories...

Kulang nuong isang araw ang pinost ko. Kasi yung naiisip ko nung mga panahon na yun is "basta lang makagawa ng post." Anyways, here it is...

Quote of the YEAR:

"Ask not what your country can do for you but ask what you can do for your country"
-John F. Kennedy


Ang hindi ko maintindihan talaga bakit ba palagi na lang inaasa ang isang bagay sa nakakataas? Ilalagay ko si pinakamaliit na halimbawa, ang group works. Kadalasan ganito ang scenario sa mga schools. "Ui, leader, asan na yung gawa natin?" o kaya "Ikaw na gumawa, ikaw naman leader eh". Ganito lang kasimple yan. ANTATANGA NYO. Hindi kayo nag-elect ng leader para maging utusan ng buong grupo. Ano nga ba ang leader? In Filipino, ito yung namumuno sa isang grupo, organisasyon o institusyon. Ito rin ang namamahala at namumuno sa pagsasaayos ng isang bagay. Ang mahirap kasi sa mga tao, inaasa nila lagi sa nakakataas yung ikabubuti ng gagawin nila. Ilagay natin sa malaking perspektibo. Ang bansa. Ang pangulo ng Pilipinas ay may gabinete. Meron ding mataas at mababang kapulungan. Hindi natin pwede ipasa agad agad sa pangulo ang sisi kapag nagkaroon ng kaguluhan. Oo nga't siya ang pangulo at siya ang namumuno, ngunit meron siyang mga tauhan na dapat umaksyon dito!

Ang mga Pilipino kasi palaasa. Ang tingin nila sa presidente, lider o namumuno, sobrang talino, yung tipong naging lider siya o presidente dahil siya lahat ang gagawa. Tapos kapag hindi naisaayos ang isang bagay DAHIL DIN SA KAPABAYAAN NG IBANG MIYEMBRO, anlakas mantira ng lider. Wala na nga silang ginawa, yung lider na nga ang gumawa ng lahat, anlakas pa manisi. Paano uunlad ang bansa kung isang napakaliit na grupo lamang ay wala pang pagkakaisa? Paano pa ang bansa kung sa maliliit na sekta pa lang, puro sisi na ang lider? Mula nuon, gusto kong mamuno. Sabi nila, mahusay akong lider, mahusay akong mamuno. Pero ng nakilala ko yung mga palaasang tao, yung mga miyembro na inaasa lahat sa lider nila at kapag nagkaroon ng credentials ang lider, tumatamasa din sila, ngunit kung wala at mali ay sisisihin pa ang lider at magaastang parang may ginawa, nawalan na ako ng gana. Kaya mula nuon, ayoko na mamuno. Pero dahil minsan kinakailangan, kailangan tuparin.

Isang magandang representasyon ay ang construction. Merong engineer. Ang engineer ang pinakanamumuno. Wala siya sa site at siya ay nagpaplano lamang. Sa site, ang grupo duon ay grupo ng mga construction workers. Merong namumuno na foreman. Hindi pwedeng iasa ng mga workers sa foreman lahat lahat, mula sa paghahalo ng semento hanggang paglalatag nito. Hindi magiging maganda at matagal ang trabaho kapag nangyari ito. Ganun din sa isang organisasyon. Kapag ikaw, nagenjoy ka nalang sa buhay at hinayaan mo yung lider, presidente o yung namumuno sa inyo ang maghirap, walang kahihinatnang mabuti ang institusyon. Ang masaklap pa, nagmamagaling pa. Akala mo may naitulong. Hindi dahil namumuno siya, siya na ang aasahan nyo sa lahat ng bagay. Eh anong silbi nyo? Magtext? Makipagtawanan sa mga kaibigan? Mag videoke? Mag inuman? Tapos sasabihin nyo na walang magandang pamamalakad ang lider samantalang sa sarili nyo, hindi nyo kayang sumunod sa lider at BINABASTOS NYO PA PAG NAGSASALITA tapos akala nyo napakagaling nyo.. Ganyan kasi yung ibang tao eh. Magaling magsalita akala mo may nagawa...


Maraming kaganapan, isa na nga ang pagiging Hitman. Yeah, I was not widely accepted by people...

Another, MY SIGN CAME. And it said, NO. Do not Continue. Hindi ko alam gagawin ko. Ngayon ko lang na-confirm. But what may happen? I don't know. I need another sign...


Anyways, sa isang section sa first year (section not stated), mayroong isang dilag na umaapaw ang kariktan. Actually nasa "P" section siya. Hahahaha.. Anyways, basta, yun na yun.

Wala pa mang JS, maugong na ang balitang may JS. Maraming masaya (including me) pero biglang may balita na ipapalit daw sa field trip??? WAaaaaaaaaaaaaaaaaa... Wag naman... Ihiwalay na lang!!! Pero ewan. Tingin ko mas gusto ko mag field trip!!!


Medyo meron akong natanggap na balitang nakakaligaya. Balitang Weather.

Wala na akong maikwento.

SIYANGA PALA!!!

Yung may mga utang pa pala sa classroom, iaanunsyo ko na kayo sa blog ko! MAgbayad na kayo kung ayaw nyo sumikat sa buong mundo!

Dumating din si Marvin Agustin sa PUP. Astigin yung sasakyan. Parang yung nasa bodega lang namin (wahahahahaha) kaso ayun nga, dinala na sa junk shop yun eh. Di ko alam magagamit pa pala yun. Pero astigin talaga. Tapos siyempre tinginan lahat.. Hahahaha


No comments: