Wednesday, September 10, 2008

He May Return...

Lampas 2 taon na ang nakakalipas nang siya ay nawala "on the air". Nakalimutan, nawala sa alaala at naibaon sa limot. Kaya siguro kahit banggitin ko sa ngayon ang kanyang ngalan, hindi na ganoon kalinaw ang pangalan na ito sa inyo. Sino nga ba siya?


(Ito ang original Logo nya)

Well heto yan. Around July 2006, nakaisip ang isang grupo ng mga talentadong tao mula sa 1st year. Alam ko naikwento ko na to pero ito nga... Return nanaman. Nagsimula ang lahat sa presyo ng test paper na P 1.50 na pronounced as one fiffffffffty. Then it started. Marami silang magkakaibigan ngunit 3 lamang ang gumawa ng production na tinawag ding 3rd Avenue Productions. Ang isa, siya ang naging nobelista, ang ikalawa naging Video at ang isa ay all about publishing...

Masyadong mahaba ang istorya, refer to my previous post...


Anyways, nakalimutan na talaga siya ng lahat. Nito lamang 7/7/8, nagdiwang siya ng kanyang ika-2 taon na pagkakagawa. Though hindi na siya existing, sa puso ng mga creators, nabubuhay pa rin si Captain Nguso. And maybe, he will return within this week. Makuha ko lang ang bagong inspirasyon, he shall return at The Captain Nguso BLog


Well kung bakit ko nais ilabas ang 3rd Season ng Captain Nguso ay dahil na rin hindi ko maikwento lahat ng gusto kong ikwento sa blog na ito. Sa tingin ko, mas maiiexpress ko ang sarili ko thru that story using representations. So naisip ko ibalik...


Anyways, walang updates sa cases ngayon... Ngunit...

Kaninang umaga, mainit ang araw. Pagpasok ko, may araw ngunit hindi malinaw ang mga ulap. After ilang hours, tila nagdilim ang langit. Umulan at umulan at bumaha. Basa nanaman ang sapatos ko. Napaka-uncomfortable naman. Tumila ang ulan at sa ngayon, tahimik na. Sana walang pasok bukas (dahil naiwan ko libro ko sa BCS).

Kaunti lang ang pangyayari. And the End...

No comments: