Tuesday, June 3, 2008

GTA: Finished in 2 weeks


Almost 6 months ago, tinapos ko an San Andreas at nagkaroon ng 100% Saved Game. Tinapos ko mula sa tags hanggang sa mga sub-missions (taxi, pimping, vigilante etc.). Matagal-tagal ko rin siyang hindi binuksan dahil na rin sa tinatamad na ako at nanawa na ako sa lead character na si CJ pati na ang environment ng San Andreas. Nakakatamad kasi kumpleto na ang laro tapos lakad, takbo baril ng kung sino-sino na lang ang ginagawa mo. So naisip ko na ulitin lahat ng missions.

Hindi ko na plano pa mag 100% Saved Game uli. Tatapusin ko na lang ang missions. Then ginawa ko na nga. Nuong unang-una kong na-100% Saved Game ang laro ko, umabot ako ng almost 2 mos. (Including na duon yung araw na walang pc.) Siyempre naman, hindi naman ako buong araw nakakapaglaro. Mga 2 hours lang kaya hindi ko makumpleto agad. Pero ngayon, (di nga lang 100%), umabot lamang ako ng almost 2 weeks sa paglalaro. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Di ko rin asahan na matatapos ko yung laro nang ganun-ganun lang.

Anyways, nabasa ko sa credits na si Da Vinci ay ginamit na modelo para sa GTA. Baka siya yung Truth. Pero kung nais ninyo makita ang mga nag-voice over, ito ang link.

No comments: