Wala uling pasok. So ang Tour Plan ko ngayon ay CUBAO...
Bakit sa Cubao? Kasi meron ditong branch ang REX BOOKSTORE at isa pa, mayroong napakalaking National Bookstore duon. Trivia po. Pangalawa or pangatlo ata ito sa National Bookstore na itinayo. Ang una ay sa Avenida. Dati ay Isang building lang yun. Ngayon, 2 na.
Anyways, heto na. Nakarating na ako ng Cubao. Siyempre unang destination, National. Kasi nga baka dun ko makita yung libro ni Egipto at libro ni Anne Frank. Sadly, WALA. May nakasabay pa ako.. (uy umamin ang sinumang nagpadala ng tatay nya sa National Book Store sa Cubao. For sure schoolmate ko yun. Mga 1-2 dumating), pareho kami ng hinahanap at pareho din kaming binigo ng National. A while ago daw may nakakuha na ng NAGIISA na lang na libro ni Fatima este ni Anne Frank. At ang libro ni Egipto ay nowhere to be seen. Sinubukan kong tawagan si Leo at sabi nya, nung umaga lang daw siya bumili ng libro ni Egipto. Marami pa raw. Ngunit pagdating ko, OUT OF STOCK na. So naglalakad ako ng wala sa sarili ng kumalam ang aking sikmura. Naisip ko kumain sa Ali Mall (anyways, kaya ako nakarating sa Ali Mall dahil sobrang depressed ako na kahit isang libro ay wala akong nabili). Thru the referral na rin ng isang kaibigan, naisip ko nang daanan ang NBS sa Ali Mall. Hindi siya kalakihan. Mga kasinlaki lang nung sa SM Manila. Hindi rin ganoon karami ang libro. Wala nga yung libro ni Mario Puzo eh. Pero luckily, naroon si Anne Frank. Meron pang 7 natitira. Kung gusto nyo makahabol, takbo na.
Medyo na-overwhelm ako dahil na rin na-slash na ang isang mission. Isa na lang. Ang libro ni Egipto. Naisip ko na rin tunguin ang Rex. Napakaraming Law Books pala dun. Grabe talaga. Karamihan ng tinda nila, Law Books, kaya kung sinuman ang magaabugado, sa Rex na kayo bumili. Andami talaga. Saka bago lahat ng versions. Pwede pa pa-engrave ng pangalan. Anyways, nakahanap ako ng libro ni Egipto and naisipan ko nang umuwi.
Bago umuwi, naisip kong dumaan ng Quiapo. Ayun. Hindi pa malinaw yung Narnia, yung Hulk, yung Indiana Jones at yung iba pang bago. Pati pala Caregiver yung kay Sharon. Hehe. Kaya bumili na lang ako ng Jumper. Well nakal;agay sa tuktok ng DVD na BLU-RAY DISK. Siyempre di naman totoo yun. Pirated yun eh. Anyways, yung akala kong Fast an the Furious 4 ay hindi pala yun. FAST TRACK pala. Sa malayo kasi, pareho sila ng FONT. Ayun so magkaiba sila. Showing date pala ng Fast and the Furious 4 ay JUNE 5, 2009!!!!
Naisip ko tapusin na lahat ng pelikula ni Detective Conan. Kaya lang maraming mga nagaalok ng porno sa Quiapo. Mapahinto ka lang ng konti, aalukin ka na ng porn. Kaya nailang na ako at naisip na hihiram na lang. Anyways, kung gusto nyo talaga bumili ng porn, sabihin nyo lang sa akin ng pasikreto at ituturo ko sa inyo ang pasikut-sikot ng Quiapo Underground. Bahala na kayo mamili. Wag na kayo sa Cubao bumili. Sabi kasi ng isang "CONCERNED CITIZEN", iba daw yung cover sa palabas. Minsan man to man pa eh siyempre naman dahil straight ang nasabing concerned citizen, nandidiri siya.
Hanggang dyan na lang muna. Manonood pa ako. BYE!
Tuesday, June 24, 2008
The Reason BEHIND
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:55 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment