Friday, June 6, 2008

15th Year of Existence

Dapat talaga kahapon pa ang post kong ito. Kaso hindi rin ako nakapagnet kahapon kaya ngayon ko nalang siya ipopost.

Kahapon, umabot na ako ng 15 years ng existence sa mundo. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati, especially my parents, relatives, classmates, friends, comrades, seatmates, former classmates, yung ibang taong mahalaga sa akin, my brothers, sisters, schoolmates, buddies, fellow texters, at kahit yung mga hindi ko naman kilala na bumati sa akin. Sa mga di nakaalala, CURSE YOU!!!!!!!! WAHAHAHAHA... Okay. It's just a joke, don't take it too seriously.

Anyways, na-appreciate ko talaga ang mga pagbati nyo. May mga bumati sa text, sa ym, karamihan sa fs, harapan, thru phone, etc. Pero nagulat talaga ako kasi may dumating na comment mula sa aking former classmate. Actually, hindi ko rin inaasahan ang pagpapadala niya ng comment. Akala ko talaga, nakalimutan na nya ang aming magandang pagsasamahan. Anyways, she's more than a schoolmate and classmate to me. So I was very surprised nung natangap ko yung comment from her. Kasi dati pa ako nagcocomment sa kanya but in vain. In other words, walang reply though hindi naman nya dinedelete. So ayun nga. Nagpadala siya ng pagbati and that overwhelmed me. Isama pa natin ang ibang nagpahabol and my comrades. Pero sa mga kaibigan kong lalaki, parang si Leo lang ang nakaalala. Pero okay na rin yun. Enough na talaga. Okay lang yun. Baka naman may circumstances na hindi nila naalala.. Baka masyado kayong maapektuhan at magreact.


Yung ibang expected na babati, inasahan ko na rin. Meron din unexpected. Oks na rin kung hindi "siya" nakaalala. It doesn't mean anything to me. Isa lang naman ang wish ko. Maging merit card awardee at makapasok sa top 10. Actually kung titingnan, 2 yun but it still falls on academics. Wala na raw kasi ako pagasa makakuha ng special awards sa 4th year ko dahil sa Algebra ko nuong 2nd year. And sana man lang. AT LEAST magkamerit naman ako. IT's not too much to ask.

Medyo wala na akong natitipuhang sabihin. Pero sa ngayon, dinedevelop ko yung librong ilalabas ko (hindi po ito lalabas sa bookstores. Lalabas po ito sa printer ko. Magastos kasi kung ipapapublish ko pa sa Bantam Classics. Katunayan, kinukuha na ito ng Penguin Classics ngunit kailangan ko muna mamatay bago nila i-publish ito). Last year pa planado ang obrang ito. It's La Doctrina y Conocimiento. Medyo may konting alterations nga lang sa story plot at characters but it's still the same. Siyempre hindi ko magagawa yun without any inspirations. Napakarami po. Katunayan, lahat ng characters ay may inspiration. Kinuha ko yung ibang characteristics nila at medyo binago ko na rin. Alam ko walang kwenta itong ginagawa ko dahil hindi ko naman kayang pantayan ang prestihiyosong manunulat katulad ni Charles Dickens, Oscar Wilde, Victor Hugo, Mark Twain etc. Pero magkagayunman, ginagawa ko ito para maiportray ang nangyayari sa mundo at para maalala ko yung mga nangyari thru the story. Though not exactly the same na nangyayari, at least, it's satiric.

Nothing else to say.

No comments: