Maraming nangyari. Pero iisa lang ang mahalaga. There is something in the "1 lb (read as pound) of Iced Tea I drank". Grabe. Sumakit ang ulo ko at tila nilalagnat ako.
Simulan KAHAPON...
Katulad ng nabanggit, baka hindi ako makapagonline dahil na rin sa laban ni Pacquiao. Mga gabi na ako nakapagonline dahil na rin nagliwaliw pa ako sa paligid ng Avenida. Anyways, jackpot ako na nilibre ng PPV (pay-per-view) laban ni Pacquiao sa SM. Jackpot din dahil worth P500 yun tapos libre lang sa akin. Kung yung laban ni Pacquiao ay ikokonsider na film, Blockbuster Hit yun. Grabe. Puno yung sinehan. Todo lakas din yung aircon kasi nga andaming tao. Kung yung iba may plano gawing milagro, imposible nila magawa. Balcony ang upuan na inupuan namin...
Siyempre unang round pa lang, grabe na ang emosyon. As in grabe. Para kaming nasa ringside. Siyempre yung kasama ko, todo sigaw din. Kapag di ka sumigaw, KJ ka na. Kaya nakisigaw na rin ako. Siyanga pala, yung kasama ko ay uncle ko. So ayun. grabe. As in grabe talaga. Lalo na nung K.O. na si Diaz, mas grabe. DUmagundong ang buong sinehan. Grabe yung emosyon nung mga tao. PAglabas ng sinehan, tinugtog pa yung kanta ni Pacquiao na "Para Sayo ang Laban na To". For sure paguwi ni Pacquiao tambak nanaman ng endorsements yun. 4 na nga pala ang belt nya.
So nagliwaliw pa ako ng kaunti. Mga 1 ata yun nung nagsimula yung Round 1 sa GMA 7. Nakita ko ito sa barber shop sa loob ng SM din. Meron ding mga shops na may TV at lahat tumutok sa GMA 7. MArami ring nakinuod (kung makikita nyo sa pelikula nuong unang panahon at sa mga comedy shows, yung mga taong walang TV na nakikinuod sa kapitbahay, parang ganun ang itsura nila). Di ko naman sinasabi na wala silang TV pero ganun talaga. Halos lahat talaga. Yung ibang employee nga sa Netopia, lumabas pa makanood lang.
NGAYON...
Siyempre may flag ceremony. May vocabulary pa. Tapos sabi pa ng principal na magpepresent yung mga best sa recitation. So balik na sa classroom. Wala pang checkpoint ng haircut dahil wala pa namang first Monday (another technicality!). Nagulantang ang lahat ng si Ma'am Del Rosario ang pumasok sa klase. Natupad ang sinaad nuong Biyernes. Magpapalit nga ang shifting. So kopya lang.
Nung IT naman, nagbalik kami sa Grade 1 years ko. The "noisy" thing. Kung hindi nyo alam ito, ito yung ginagawa nuong elementary na Noisy, Standing, Yung iba may Not in Proper Seat pa! Ginagawa ito kapag nauurat na ang guro or minsan wala ang guro. So ayun yung pinagawa. Pinagawa ang "noisy thing" sa aming class president. Medyo nagkakaroon na rin kami ng inggitan. Maganda ang graphics ni Alano. Di katulad ng "Vista '98" namin, patapon talaga. PATAPON. Sabog ang kulay, sabog lahat.
Brekatime, nakita kami ni Ma'am Tahil. Sinabi na mag-recite daw ako ng That I Would be Good sa gitna ng madla. Anong magagawa ko? Wala. COMPLY... Pagkatapos kumain nakakuha kami mula kay Remus Andre Lupin ng The Catalyst. Naka-pocket size ito at tila pangbabatikos nanaman. Meron lang akong ibang mga parts na gusto komentan...
Actually the Guards HAVE the reason na manita kung walang ID ang isang estudyante. So simple, Estudyante ka. Mag ID ka. Opisina nga mga propesyonal na yung tao kailangan pa nila mag-ID eh. Actually hindi mo naman kailangang suotin ang ID all through out pero at least naman suotin mo di ba? ID yan eh. Ano namang gagawin mo dyan, halikan? Siyempre susuotin yan. Tama naman ang administrasyon sa paguutos na suotin ang ID. Kasi nga naman, milyon o daang libong estudyante ang pumapasok sa gate na yan araw-araw. Eh kung may sumalisi dyan na miyembro ng Pugot Ulo Gang e di todo sisi nanaman sa administrasyon dahil sa hindi paghihigpit? Kaya yun. Suotin nyo nalang ID nyo at tumigil sa pagreklamo okay?
Meron din namang ibang part ng Catalyst na inaayunan ko. Katulad nalang ng Lagoon at nung iba pang pagbabatikos.
Anyways, tungkol naman sa pananamit. Talaga nga namang hindi kaaya-aya ang magsuot ng sleeveless sa school. Lalo na kung lalaki. Para ka namang siga nuon. Tapos yung tungkol sa mga damit pang iba, yung iba kasi, kapag nanamit, talagang pinakikita yung kadukhaan nila. Grabe talaga. Kulang nalang gula-gulanit na yung suot. Kailangan naman kasi presentable di ba? Nagsuot ka na nga lang. Oo nga't kasama sa imno ang "Kami ay dumating ng salat sa yaman", pero di naman ganuon. Laging tandaan, nakikita ang pagktao sa pananamit. Simple pero malalim. Okay? Siyanga pala, wag nyo nang batikusin yung mga babaeng naka-micromini skirt. Pabor sa amin yun. Basta ba bagay eh. Oks na yun. Hehe...
So tapos na ang breaktime. Nag Entrepreneurship na. Nagkaroon kami ng "Atras-Abante Test" Meron-wala-meron-wala (x1Billion times). Tapos grade 1 thing uli. Pinagawa kami ng maaring i-business at ang pangalan ng akin ay Black-Mail with the slogan, "We make love-letters". Kung ano ang tungkol duon? Hintayin nyo kapag napili yun!
Tapos ayun nga. Nagkaroon pa kami ng extrang breaktime. In vain ang mga petitions, in vain ang mga plano, in vain lahat. Filipino ang last subjects at laging later ang uwian namin. Balik second year ang sked.
Bago umuwi naisip ko muna bumili ng 16oz of refreshment. Iced Tea. Base sa conversion sa Weights and Measures, ang 1 lb ay 16 oz. So ayun. Nakainom pala ako ng 1 lb ng Iced Tea na Ice lang. Bigla na lamang sumakit ang aking ulo. Sa hindi maintindihang pangyayari. Paguwi ko, naisip ko nalang itulog. Pagkagising ayun. Nandun pa rin. Grabe talaga. Para akong lalagnatin. Sana rin pala walang test sa IT at PA. Kasi sabi ni ma'am Via, ang test sa IT ay every Monday. HIndi kung ano mang day. Hehe..
Hanggang dito na lang muna ang aking pagusulat ng blog. Di ko pa rin natapos basahin yung libro ni Anne Frank.
Monday, June 30, 2008
1 lb of Iced Tea
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:02 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment