Actually dapat simulan ko ang post ko mula kahapon. So ito na...
Kahapon ng umaga,
Nagkaroon na ng formal announcement tungkol sa pagpapalit ng principal. Aalis si Dr. Castolo for the "good" reason na hindi ko alam. Merong hinandang presentation and I saw na na-touch siya ng todo sa bigay ng mga 4th year. Hindi ko alam sa 3rd, 2nd at 1st year dahil kailangan naming umakyat sa taas at wala na kaming nakikita mula doon. Pumalit na si Mrs. Corazon C. Tahil.
May mga nalungkot sa pagalis ng principal. Meron ding IBANG NAINIS sa ipinalit na pincipal. Pero para sa amin, okay lang yun (during that time). Kasi katunayan, isa si Ma'am Tahil sa mga paborito kong teacher. Meron kaming nakita na hindi lubos ang kagalakan. Parang meron siyang inexpect na hindi natupad. Guess who is she/he/it?
Anyways, ayun na nga. Hula namin na malilinis ang PUPLHS. Alam ko na medyo hindi rin gusto ng bagong principal yung mga inilakad lang ng magulang at hindi naman pumasa sa entrance exam. Kaya pagsumikapan nyo nalang. Nawalan nag klase for the half day at nagresume sa aming Entrepreneurship class. May sinagutan at wala na. Meron ding Chemisry. Ngunit tinawag kami ng aming misyon para sa BD at bantayan ang mga nageexam. Mga lampas 100 ata ang nagexam (based on my approximate calculations). Pero may nakita na ako na number 303, 328 et al. Bantay lang at basa ng Anne Frank ang ginawa ko. May klase ang ibang section. Pati kami meron din. So hanggang naguwian na lang at ang naatenan KONG klase ay Entrepreneurship lang.
Paguwi, siyempre YM at nanggulo sa mga naka-online. Tapos yun na.
KINABUKASAN
Ito na. Wala si Mrs. Anita Espanol sa klase. 1.5 hours pa naman yung klase nya. So lumalabas na tingga kami ng 2 hours isama pa ang break. Di naman ako na-bore. Anyways, naguusap kami ni Leo ng DC nang biglang dumating ang principal. Sa kanyang mga pahayag, tila merong sinasabi ito BEHIND. Kung meron kayong utak katulad ni "Kudus" (based sa characterization ni Leo), malalaman nyo kung ano yun. Kung hindi ko naman kayo kaklase o naglalakwatsa kayo sa labas habang nanduon ang principal, di nyo nga alam yun. It's all about Mrs. Espanol.
Siyempre may nabuo nanaman kaming teorya. Pero di ko ilalabas dito. Mahirap na. Baka matulad ito sa Captain Nguso at mayroon nanamang mag-print ng page. Anyways, dahil nga meron kaming nabuong teorya, nagkakonekta ang pangyayari kahapon, mga naobserbahan namin at ang ngayon (kaya ko nga kwinento yung kahapon eh). Di na namin palalakihin ang issue.
Merong IT.
Tapos breaktime. Meron kaming nakilalang first year (di ko maalala yung pangalan), kamukha siya ni Matalang. Jerome Matalang. Dahil nga sa ganuon eh nagkaroon ng paguusap at wala ring nangyari.
Tapos Entre. Turo-turo-turo. Ayaw magrecite ni Alano dahil baka makalimutan nya yung That I Would be Good. Siya pa naman ang mauuna.
Tapos ENGLISH NA...
Ito na ang pinakahihintay namin. Kasi nga ayaw naming masayang ang pinagaralan namin. Nauna nga si Alano. And I am very happy na 5th uli ako. Muntikan na ako ma-mental block. Meron din namang mga nag-audition ata sa Beggar Idol. Actually 3 ang finalist (habang tinatype ko ito, hindi ko pa rin mapigilan tumawa), pero di ko pwde sabihin ang pangalan. Pero kung iisipin, makikilala.
Nag-announce na rin ang aming English Teacher ng kanyang pagtigil sa pagtuturo sa amin. Siya ang principal. May mga nalungkot talaga (isa na ako duon), may NAGLUNGKOT-LUNGKUTAN (umamin na kayo, may mga nakita talaga ako na nagkukunwari tapos pagtalikod nakangiti. Anyways, old stlye na yan. Maraming bagong style ng pag-joke ngayon. Pero kung dyan kayo sasaya, go lang ng go.) Actually okay naman si Ma'am Del Rosario. But the sad thing is, paborito ko nga si Ma'am Tahil. At gusto ko yung puro memorization (pero di katulad sa entre na matter of seconds lang). Kaya siguro wala ng memorizations at recital na magaganap. And siguro yung Warring States sa English ay tapos na.
P.E. na. Siyempre okay yung score ko sa Quiz. TAKE NOTE: MANUAL KO GINAWA YUNG BMI!!!!!. Wala akong calculator and that makes me even proud of myself na hindi ko ginamitan ng calculator and yet TAMA ang computed BMI at Value ko. Gumamit lang ako ng calcu para sa checking. Anyways, may mga logic na umiikot ngayon at lahat ay nabigyan na namin ng kasagutan.
Then UWIAN...
Under Surveillance so Quiet muna.
Hanggang dito na lang muna. Namomroblema ako ngayon paano ako magaaral eh sa sobrang katangahan ko, iniwan ko yung LAHAT ng gamit ko sa locker. Andami pa namang PROSPECTIVE QUIZZES bukas. Di ko lang alam sa IT kasi 2 days lang kami nagkita.
Haizzz talaga. May mga panahon talaga na kapag tumingin ka sa isang bagay, it makes you happy. Halimbawa, tumingin ka kay Bule, nakakatuwa. Pero seriously speaking, hindi ko alam bakit ganun. Parang tuwing napapatingin ako, at siya, sumasakit yung tyan ko. And it means something. Kasi hindi naman normal yun. It only happens kapag may kaba sa most important muscle in the body.
Anyways, bakit nga kaya hindi tayo magisip bata lahat. Kanina sa jeep, may nakita akong bata. Naglalaro siya ng kanyang "P6 TRANSFORMER TOY" na maaring ma-purchase sa DIVI. Nakakatuwang isipin na wala pa silang mga matataas na pagtingin sa buhay. Nageenjoy sila sa mga ganung bagay. Ang math nila ay 1+1. Sana lahat tayo, nandun na lang. Haizzzz..
Thursday, June 26, 2008
The FUNDAMENTAL Solution
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment