Friday, June 27, 2008

The Unwritten Melancholy...

TGIF...

Mostly, ang sinasabi ay "Thank God it's Friday" but, I don't think so.

Una, ang Friday ay tambakan ng Quiz. But happily it was not always like that. Sadly rin, inusog ang quiz sa IT tuwing Lunes. Oks na sana ang schedule ng Friday...

Pangalawa, ang Filipino Quiz. Nakakatuwang isipin na hindi ako nagiisa sa nakakuha ng "matataas" na scores. Yung mga tanong kasi ay mga bagay na hindi ko nabigyan ng pokus. Kung bakit naman kasi yun pa ang itinanong. Anyways, kahit mag-comment ako dito, hindi nga lang ako ang nagiisang nakakuha ng nakatutuwang score. Lots of us. So may courage ako na sabihin na hindi ako natuwa. Background pala ang karamihan sa mga tanong. And I was not given the right focus on that part. PANGALAWA. Mayroong mga pagkakaiba sa sources. Katulad na lamang ng simpleng HUMADAPNON, base sa libro ni Ma'am, HUMADAPNIN. Ang masaklap nyan kasi sa libro nya nakabatay. Paano naman yung kumuha sa ibang libro? Katulad na lamang ng narinig ko kay Kim Alec na Labaw Dingin. Ang iba naman ay Labaw Donggon. Ngunit ang tama ay Labaw Dongon. Marami talagang pagbabago-bago and that contributes to my fall. Actually, nakuha ko man sa net ang akin, sa iba ay sa libro din. Kasi kita ko yung mga xerox copy nila. Hindi naman pwde na palagi tayong may pagkakapare-parehong libro? So ayun. HIndi nakakatuwa.

Pangatlo. ANG ISSUE. The ID THING. Actually I don't plant anger so hindi ako galit. Nakakatawa lang isipin na ganun. Okay. So ito na. Meron daw +1 sa mga naka-matinong pagkakasuot ng ID. As sa mga nakakakilala sa akin, KAILANMAN HINDI KO KINAHIYA ANG ID KO. Actually pinagmamalaki ko ito. So bakit ko itatago. Tinatago ko lang ito kung sportsfest, christmas party, saturday or special classes, nung renewal ng ID atbp mga irregularities sa klase. Pero tuwing school hours, suot ko ito. Para naman akong tanga na itatago ko ito. At sa mga nakakakilala naman, napapansin nyo naman siguro ang madalas na paglundoy ng ID ko. It has became part of my uniform. Hindi ko na maiaalis yan. So expected ko na makakuha ako ng nasabing merits. Ang masaklap, ANG SIMPLENG PAGMAMALAKI KO NG ID KO AY NAUWI SA MALAKING PINSALA. Hindi ko po dinukot ang ID ko. Hindi ko ito tinatago sa breast pocket ko. FYI: Ang mga laman lang ng breast pocket ko ay: ballpen na pinakamamahal ko, minsan pera, papel na scratch at wala nang iba. I never put my ID in there. Kung itatago ko ang ID ko, aalisin ko ito sa leeg ko at isisilid sa bulsa ko or sa bag ko. So ayun nga. Bahala na. Basta totoo ako sa sarili ko na NAKALABAS IYON. PERIOD.


Pangapat, ang Geom. Hindi naman bagsak ang nakuha ko. Di lang ako masaya. Kasi may mga bagay na pinairalan ko ng katangahan ko. So ayun. Pero oks na rin yung for a start.

May IT. Pero ito ang panglimang dahilan bakit hindi ako masaya ngayong biyernes na ito. OKay naman lahat. Kaso nag-lag ang PC namin. Dahil na siguro sa kalumaan at sa dami ng windows na binuksan ni Dan, hindi kinaya ng PC ang sunod-sunod na utos kaya nag-lag. Imbyerna talaga.

Breaktime. Wala namang nakakaurat na pangyayari during this time hanggang sa PA.

Then Chemistry. Panganim na rin ito. Hindi ko binagsak ang quiz. HIndi lang ako masaya sa 22. Such a stupid score. Panu ba naman, nalito kasi ako sa mga things na hindi na pala kailangan i-round off. Pati yung rules sa Letter B. 1 lang tama ko duon. Nalito kasi ako sa rules doon kaya hindi rin ako natuwa.

Walang Economics so tumuloy ng Health. Puro personality. WAla lang.

Uwian na ng maaga pero hindi rin ako nakauwi ng maaga. Andaming tasks. Saka nagattend na rin ako ng Chorale. Kasi gusto ko na talaga baguhin ang buong 3rd year ko. Dati kasi tinatamad ako mag-attend sa mga orgs. So ayun nga, si MICAH ANDREW BULE na po ang bagong presidente and I find him responsible. Sana nga responsable si Bule pero kahit sabihin pa nyang hindi na siya Serenata, still, he's the MASTER. MASTER BULE..

May pina-check din sa BD. DI ko naayos yung pagcheck kasi medyo nahilo ako at naurat sa mga binasa ko. Kaya di ko na rin inayos ang grammar ko. Wahahaha. Anyways, goodluck pala sa mga nagexam.

Pauwi na rin ako ng nakasaksi ako ng bangaan sa PUP. For sure di na to inabutan nila Leo. Pero andaming usisero. Dami talaga. Kinuhanan ko ng footages ang mga pangyayari pero dahil nagloloko ang connection ng phone ko sa PC, hindi ko naidownload (actually meron din akong footages ng meeting ni Bule pero ayun nga).


Paguwi siyempre nanuod lang ako.

Siyanga pala, sa mga nag-IM sa Ym during this day, pasensya na kung hindi ko kayo nasagot ng matino. Kasi naman busy ako at hindi ako laging nakatapat sa PC. Online lang ako pero nasa baba ako at may inaayos. So sorry talaga kung di ko kayo nakausap and sana magonline na lang uli kayo bukas kasi sa Linggo baka di ako makapagonline dahil laban ni Pacquiao!

Anyways, medyo naaattain ko na yung iba kong goals. Actually konti na lang and attained ko na ang "short-term goal" ko. Yun nga lang. May mga bagay na hindi ko pa rin magawa and malaking hindrance yung katangahan ko pa rin. Actually may naiisip nanaman ako magsulat ng tula ngayon pero siguro 2 paragraph lang na may 4 na linya. Kasi tinatamad na ako. Inaalay ko ang tulang ito sa kung sinuman ang magbasa nito!

Wala talaga akong masabi
Sana iyong mawari
Buhay kong laging sawi
Sana'y aking mawaksi

Sa ningning ng iyong mata
Nawawala ang pagdadalita
Winaksi aking pagdarahop
Nagbigay buhay sa aking nililok

(katunayan, hindi ko nanaman pinagisipan yan. Wala lang. It just pops out into my mind)

No comments: