Wednesday, June 11, 2008

Exactly the Same...

Actually itong post na ito ay para kay Mr. Lloyd Angel Lemoncito lamang. Pero naisip ko na maglakip na rin ng iba pang ideya na naisip ko.

Una ay ang first day of classes...

Siyempre first day, walang na-late. On-time lahat. Yung iba nga lang humabol sa flag ceremony. Si Ephraim ay isa duon. Anyways, hindi rin naman nagtagal ang announcements. Siyempre pagpasok ng classroom, orientation na, blah..blah...blah...

Meron ding kanya-kanyang do's and dont's at mga patakaran. Then BREAKTIME NA...

Sa East Wing naman kami KADALASANG kumakain. Maraming tao nung mga oras na iyon. May mabaho, amoy baktol, mabango, maganda, mukhang baklang hinukay mula sa patay, atbp. Merong isang store na wala masyadong customers (bakit kaya yung iba COSTUMERS??). Nalaman namin na kabubukas lang pala nila. Binigyan pa kami ng deal. Naikwento ko na sa iba yung deal pero as much as possible hindi muna dito. Hindi ko na rin babangitin ang pangalan ng store para naman walang commercial na ma-plug dito.

Katunayan ang deal nya ay medyo odd. Magdala ka lang ng customers, may free meal na. Ngunit nung kinalculate ko, hindi naman sila lugi sa deal na yun and mahirap tuparin ang deal na yun. So naisip namin na wag na bumalik.

Dahil nga sa overcrowded na ang kahit saang parts ng PUP, napagisip namin na kumain sa classroom since pwede naman pala kumain duon. Pabalik kami ng na-meet ni Leo ang kanyang "insan". Not literally pinsan but sociologically. Siguro kilala nyo na yun. Pagbalik ng classroom biglang nagsalita si Ephraim, "May ikukwento ako sayo mamaya". Medyo nagtaka lang ako. Inisip ko yung mga pinaguusapan namin habang naglalakad o kumain. Ang alam ko lahat iyon ay nabigyang linaw. Pero nakakaramdam ako sa clues nya. May halong ngisi at iba pang reaksyon ang kanyang mukha na nagbabadya ng isang nakakatawang ikukwento. May mga binitiwan pa siyang words such as "parang nag-mature", atbp. Naisip ko na ang dati pang napansin ni Aljon ang ***************************** (for privacy reasons at dahil ginagalang ko naman siya, hindi ko na isusulat dito kung ano yun). So no-comment muna ako duon.

Mahaba-haba din ang tinakbo ng klase at kailangan pa namin kuhanin ang diary ni Anne Frank sa Amsterdam.

Uwian na at naisip namin ni Leo na tingnan na rin ang sinasabing libro sa entre na itinitinda daw at hindi naman kami nabigo at nakita ito. Yun nga lang wala kaming pera. Siyanga pala, you can always try to ask people in Teresa kung saan ang tindahan ni Mr. Ortiz at sasagutin ka nila ng malulupit na choreography.


NGAYON...

Medyo may kaunting pagbabago kaysa kahapon. Ang masaklap pa, sumasakit yung tyan ko. Nangyayari lang ito kapag sobrang kaba ko or takot. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siya sumakit. Anyways, same routines pa rin. Klase pa rin.

Hindi ko rin masyado naenjoy ang freshness ng hangin sa labas dahil ang dumi ng polo ko at dahil ito sa upuan ko. Alam mo yung feeling na kapag nakatayo ka parang tinitingnan ng lahat yung likod mo kasi madumi. Conscious ka kung ano kaya ang iniisip nila so ayoko na magisip pa, nanahimik na lang ako.


Wala naman gaanong significant na naganap ngayon kundi ang elections. Well sana lang sa mga fellow classmates ko, hindi NINYO sila binoto para pagmukhaing tanga. Binoto nyo sila dahil sa tingin nyo, karapat-dapat sila at meron silang kakayahang mamuno. Sana lang galangin nyo sila at bigyan ng respeto. (Sana rin magawa ko). At sa officers naman, goodluck. Hindi ko na rin naitayo ng maayos ang bantayog ng ANG. Pero oks na rin yun. Ganyan talaga. Hindi na ganoon kalakas ang ANG pero at least ANG pa rin siya at ang alam ko talaga ANG ang nanalo last 3 mos. Kung bakit kasi hindi inanunsyo ang pagkapanalo ng ANG ng pormal. Pero for sure ANG yun.

And here goes my subject.

Hindi ito nangyari ngayon, kahapon last week. Nangyari ito nuong enrollment ng 3rd year. Galing ako nuon sa cashier. Paglabas ko ng main building, nakita ko si Lloyd. Nauna lang siya ng kaunti sa akin. Hindi ko na hinabol. Mabagal talaga siya maglakad. Inabutan ko rin naman at sinabi "Kahit nakatalikod, makikilala eh." Di naman ako nabigo at nilingon ni Lloyd. Pero hindi si Lloyd Lemoncito ang humarap. Ka-dobol ata ni Lloyd. F*CK!!!!! Nagulat din ako. Medyo napahiya ako. Kasi una, aakalain nung "ka-dobol" na ogag akong tao at nagsasalita magisa. Or aakalain nyang tanga ako kasi ibang indibidwal nga siya. Nakita ko yung style nung buhok. Exactly the same kay Lloyd. Yung katawan, tabas ng mukha, batok, Lloyd talaga. Pati yung itsura nung mata nya, nung bibig, ilong at lahat. Pero dahil nga may trademark si Lloyd na POINT sa tabi ng ilong, makikilala mo. Actually meron din ito. Pero hindi kalakihan. Siguro 1/4 nung kay Lloyd. Naalala ko dati na nakita na pala namin itong kamukha ni Lloyd. So if ever na gusto nyong kausapin si Lloyd, harapin nyo muna

No comments: